Sunday, February 27, 2011

Magician vs. Me.

I am very happy right now because finally I already have the permission and approval of my friend for me to introduce to all of you his blog, I've been visiting his blog ever since but I did not follow him literally in my blog because of the fact that his blog is all about MAGIC, although we both share the same interest but at least when it comes to blogging, his style is way too far from my approach, I blog anything about life while he blog anything about MAGIC.


I’ve known this guy for almost four years now and I can say that as Card Magician he is one of the best ever there is that Philippines could ever have, I sometimes wish I was him or had a hand like him so that I could roam around and show-off my talent, this guy is not just a Magician by Profession but a Mentor and a Founder of the popular Long Running Magic Group in the Philippines called The Story Circle (TSC), I’ve met this group way back 2008 but I just formally joined them last January of 2010.

I consider him not just a fellow Magician but as one of my Good Friend, I hope that everyone who followed me shall also follow him, I hope you can also give him the warmest smile and hugs that you guys showed me when I finally take serious of blogging. He already appeared in Philippine local television as special guest particularly in TV5-Joey De Leon’s MEGANON  and GMA's AHA Show.

In his blog you will learn some technique and great effect that every popular magician used in their performance, he will let you believe the unthinkable in the would of MAGIC, he will let you see the impossible and most of all he will let you be amaze and experience the feeling of wonder.

Ladies and GentleDOGmen I would like to introduce to you, the man behind The Story Circle, Richard Gutierrez (just namesake) A.K.A. “TRYCKS ” of http://www.trycks.blogspot.com.




Please follow him and together lets enjoy his MAGIC.




Visit http://www.thestorycircle.net for more MAGIC.







Captain America

I think it was 2008 when I first heard from a forum that Captain America can be seen again in wide screen, they stated that Marvel Comics was planning to do the new installment of the 1980’s Movie Franchise, I admit when I heard about this I did not believe them but instead I just laugh and said “in your dreams”, I’ve already saw the old Captain America Movie back in the 90’s when my father bought me an original Betamax copy of it, but the movie wasn’t that impressive, maybe because of the Superman and Batman movie rivalry, and I also had the chance to watched the 1980’s TV Special of the same character and again I was not impress.

And so when I heard about their plan of remaking the movie, I’ve said to myself “Oh! Please!, not him, not that Superhero” I was afraid that they might ruin the good identity of Captain America just like what they’ve done to the first Incredible Hulk Movie as well as to Superman in Superman Return.

But just recently while I’m doing some YouTube hopping, I encounter this famous blue costume with a stripe and a star with an indestructible shield, I was really surprise to see him in live action, I’ve been following the updates about this movie but now, YES! It’s not just and a rumors and a scrap picture on set but instead the very first trailer of the very first AVENGER ever live. 



Captain America is the outcome of the successful experiment of the underground unit of U.S. Military Government who is back then fighting against the evil villain Red Skull, He is Steve Roger a Marines who was chosen to obtain the Super-Soldier Serum and serve his country and become a Super Hero.

So here it is.


video

At least it looks nice and exciting in the trailer; let’s just wait for the movie to be shown on July 22, 2011.



That's it from me, Im AL Diwallay the last Avenger... ehehehhe..


Friday, February 25, 2011

Video Blogging (Pakapalan)

This is my first entry for Video Blogging… 

ehehhee… 

hope you like it…

Please watch it I might have mentioned your blog here…


Thanks…

With nothing to do on Thursday night, except to watch movies and eat crackers, I log in to my blog account and decided to write a simple blog entry, out from nowhere, a past movies flashes in my memories, AVATAR and Jake doing the video blogging, and so I pause for awhile and said…. “Hmmm!!! Why not” this crazy idea just came out from head and I realized I was so eager to do some Video blogging, so I started my webcam and started recording, good thing I am alone right now in my room, haha… I can talk a lot without any interruptions…. 





The End.



Thursday, February 24, 2011

Eskwater

 

Bakit ba ayaw mo pang umalis, pinapalayas na kita ah!, nakakairita kana, kahit anong gawin ko patuloy ka paring namamahay sa puso ko, namamasyal sa isipan ko, ano pa bang gusto mo, pinalaya na kita tulad ng gusto mo, lumayo na ako sa iyo, as in malayo, as in super layo, to the point I almost give up my life, but still you linger around (bongga English talaga).


Pause muna tayo… ..


Commercial… ..



Kanina pagkagising ko, masakit ang ulo ko, may hang-over, birthday kasi ng kasama ko kagabi, nagpakain siya, Pancit at Chicken Asado,amin na lang daw ang kanin,  tapos nagpakalasing kami sa Apple Juice na tinimpla namin, wala naman kasi kaming mabiling alak dito sa SAUDI. Kaya kwentuhan to the MAX na lang.


Stop… ..


Hinga ng malalim… ..


Iling sandali… ..


Balik tayo sa kwentype ko… ..


Puwede bang magmura? (Mamamatay karin, kaso matagal pa, packing tape ka)… ..


Matagal na rin akong ganito, parang may kausap at nakikipagtalo sa isipan, nabubuhay sa bangungot ng nakaraan, muli’t muling binabalikan ang sakit ng kahapon, (excel sheet ka.)


Rewind… ..



2008… .. .



Isang umaga, nakadungaw ako sa bintana ng eroplano, tahimik at nagiisip, nagdadarasal, “sana maayos ko pa ang lahat”, maganda ang standing ko sa Call Center na pinapasukan ko sa Libis noon, nai-forward na ng supervisor ko ang promotion ko, isang buwan na lang L2  na ako, kaso kailangan kong umuwi ng Zamboanga para suyuin ulit ang babaeng matagal ko ng MAHAL (uu ganyan talaga, caps lock) MAHAL ko eh.

Naglanding ang eroplano masaya ang lahat, liban sa akin, kinakabahan, alam kong Malabo ko nang mabawi pa ang dati’y akin, natatakot ako baka tuluyan na kaming magkahiwalay.

Hapon, Finally, nagkita kami, nagkausap, pumunta ako sa bahay nila, halata sa mukha niyang takot din siya, kinakabahan, ayaw lumapit sa akin, baka raw saktan ko siya, hindi ako ganon, for 9 years na naging kami kailan man di ko siya nasampal (tinadyakan lang), ako na lang ang lumapit sa kanya, pero dumating ang tatay niya, nagkasalubong ang mata namin (eye to eye kung baga, naks), lumapit ako sa tatay niya, nakipagbeso-beso sabay  bulong “Dad I like your eye lashes” joke… “tulungan niyo po ako SIR, mahal na mahal ko po ang anak niyo” sumagot ang tatay niya “SO!” nakatirik pa ang mata sabay kurot sa hita ko, sabay sabi sa akin “kaw talaga maldita ka” tuluyan na akong naiyak.

Uu, alam ko, inapakan ko pagkalalake ko, kinalimutan ko ang pagkatao ko, keber ko, eh sa MAHAL ko talaga siya, MAHAL NA MAHAL, halos tatlong taon na ang nakakalipas ngunit sariwa pa rin ang sugat, wala paring nagbago, mahal ko parin siya.



Ganyan ang banat… ehehhehe



The End…


Wednesday, February 23, 2011

Opinyon


“Ang opinyon ng isang tao ay nagiging tama dipende sa pagkakaunawa natin” 

Mukhang malalim ang kahulugan pero madaling maintindihan, ang opinyon ng isang tao kailan man ay hindi mo mababago, kung ano ang pinapaniwalaan niya at gustong paniwalaan wala kang magagawa, magiging tama lang ito dipende na kung papano ang pagkakaunawa mo dito, tulad sa isang kasaysayan, pwede mong balibaliktarin ang kwento nito dipende sa kung ano ang pinapaniwalaan mo, matalas ang bawat salita, may pangil ito na parang isang bampirang nangangagat, nakakahawa na parang isang sakit, kapag narinig mo na, pwede ka maimpluwensyahan, ang tanging magagawa mo lang ay alamin kung alin ang tama sa mali.

Hindi sapat ang makinig ka lang at pakingan ang isang panig, dapat bukas ang isipan mo sa lahat ng bagay, asahan mong maraming kokontra sayo, dahil katulad mo marami rin ang taong matalino at may alam, hindi sapat na akala mo ay tama ka, dapat may ibidensya ka dahil kung wala, gigisahin ka lang na parang boy bawang sa Senado.

Walang tama o mali sa opinyon ng isang tao, opinyon mo yan, wala na ako magagawa, pero bilang isang tao, maging reponsable sana tayo sa lahat ng sasabihin natin, kasi kung baga sa ENGLISH “It reflect your personality” kung ang ibibigay mo lang sa akin ay isang mababaw na dahilan “Low I.Q.” ang itatawag sa iyo, kung ang ibibigay mo naman sa akin ay isang dahilan na sadyang matalinhaga, huwag ka magpugay dahil siguradong maraming magaalsa laban sa iyo.

Hindi mo pwedeng ibigay sa akin ang opinyon mo na wala kang basihan, dahil sigurado kakawawain ka lang ng taong responsible dito, hindi ka rin pwedeng magmaang-maangan dahil kapag nasabi mo na... wala nang bawian.

 Maraming salamat sa pagbabasa.



“Walang taong may magandang opinyon sa taong may mababang opinyon sa kanyang sarili”



bleh....




Tuesday, February 22, 2011

Dekada '70s

Marahil mga limang taong gulang ako noon nang marinig ko ang balitang binaril daw si Ninoy sa Air-Port habang pababa ito ng eroplano, aaminin ko hindi ko siya kilala at wala pa akong masyadong nalalaman sa panahong iyo, pero hindi yun nangangahulugang wala akong naiintindihan, makalipas ang halos tatlong taon, bigla na lang sumabog ang balitang bumaba na daw si Marcos sa kanyang pwesto, ito ang mga pangyayaring hindi ko makakalimutan, kung aking iisipin, parang natatakot akong mabuhay sa panahon na yun, kung saan samot-saring patayan ang nangyayari at kaguluhan, bigla na lang may dadamputin at mawawala ng tuluyan, hindi alam kung saan na napunta basta bigla na lang nawawala.
Isang halimbawa dito ay ang JABIDAH Massacre, opo, bago pa man nagkaroon ng Maguindanao Masacre nauna na po ang JABIDAH Masacre, kung saan mga kapatid naman po nating mga Muslim ang walang awang pinagpapaslang. Ayoko na magbigay ng madiing kwento dito, pero kung gusto niyo pong malaman ang tungkol dito, pwede niyo itong eresearch sa PIC (Philippine Information Center). “take note: naisapelikula pa ito”
Nang minsang makausap ko ang aking lola ng masinsinan (sumalangit sana ang kanyang kaluluwa at sana hindi magalit dahil sa dinamay ko pa siya dito), masaya daw at masarap ang buhay noon, di tulad ng buhay natin ngayon, mura ang bilihin, kahit papano makakakain kana sa halagang sampung piso, at ito’y pinapatunayan ng mga napapanood nating lumang pelikula. Sa mga ganitong kwento parang gusto ko humiram ng Time Machine ni AKONI kapag natapos na niya ito at umiskapo sa mga problema ko sa kasalukuyan, pero kung aking iisipin naman ang kaguluhang nangyari noon, masgusto ko pa magkaroon na lang sampung PGMA at least alam ko kapag nag retiro ako sa aking serbisyo may limangpung milyong piso akong matatangap saka ako magpapakamatay dahil sa kahihiyan.
Maraming nagawa si Marcos para sa atin, lalo na si Imelda, sino ba ang nagpatayo ng Lung Center, Heart Center, Kidney Center, PICC, alam niyo ba? Ako hindi ko alam, pero sabi nila lahat niyan ay nangaling sa utak ni Imelda at hangang ngayon pinapakinabangan parin ng sambayanang Pilipino, pero aminin man natin o hindi may mga pagkakamali ding nagawa ang mga Pamilya Macos, hindi ko alam kung bakit pero masasabi kong na-corrupt  sila ng sestemang kanilang ginagalawan, at medyo… medyo lang namang nakalimutan nilang paglingkoran ang bayan, marahil lubha sialng nagenjoy sa kanilang pananatili sa MalacaƱang at nakalimutan nila na may bayan pala silang baon sa kahirapan. Bagkos nang Makita niyang unti-unti ng nagaalsa ang mga tao laban sa kanya, bigla na lang niyang dineklara ang batas military, 12 mid-night yun 1972. At unti-unti na niyang pinatalsik sa pwesto ang lahat ng kilalang personalidad na kumokontra sa kanya.
Hindi ito gawa-gawa ko lang, ito’y nakasulat at papatunayan din ng libo-libo nating kababayan, kahit di ko na ipaliwanag ng detalyado ang Blog Entry ko, alam ko naman na lahat tayo ay magsasabi na mas mainam na ang mabuhay sa panahon ngayon kesa ang mabuhay sa Batas Militar.
Hindi ako galit sa Marcoses dahil hindi ko naman sila kilala, lalong lalo na hindi ko naman sinasabing gusto ko ang mga Aquino dahil hindi rin naman kami close, pero isa lang ako sa mga masugid na nagmamasid sa nangyayari sa bayan natin, aminin man natin o hindi, magbulag-bulagan man tayo o hindi, may masamang naidulot si Marcial Law sa dekada 70’s.


I declare Martial Law.
-          Ferdinand Marcos.



P.S.
Binoto ko po si Ferdinand Marcos Jr. sa pagka Senador.
(dahil naniniwala po ako sa kanyang kakayahan.)




EDSA


Thanks Google


The People Power Revolution is a series of Philippine History in 1986 and is  probably one of the most popular nonviolent and prayerful demonstration in the street and is also known as the Yellow Revolution due the presence of the yellow ribbons when Ninoy Aquino return back from the State. This unforgettable protest is also known as “the Revolution that surprised the world”, the demonstrations took place at Epifanio de los Santos Avenue (EDSA) in Quezon City, and involved over 2,000,000 Filipino civilians as well as several politician, military, religious figures and well known personalities.


Thanks Google


On February 22 the protest started to grow bigger and the Regime of the 20 year Running Dictator President Ferdinand Marcos started to become weak. February 25 Marcos finally step down from being President and flew to Hawaii, when the protester learned about this they started to  celebrate for the victory, shortly after that day Mrs. Cory Aquino was inaugurated as the new and the first Lady President of the Philippine Republic.


Thanks Google

I was around 7 or 8 years old that time and every time I’m reminded about it the imprinted photograph in my memory was the crowd in EDSA and the sound that up to now is still mingling in my head “MAGKA-ISA”, “HANDOG NG PILIPINO SA MUNDO” as well as the tremendous shout of EDSA “People Power” these three significant has become a big part and symbols of our lives, EDSA revolution is not just a history but it is the meaning and true essence of being a Filipino, who will fight whenever they have to, and it is indeed proven many times, starting from the Spanish Colonist to Americans down to Japanese, the history of Filipino fighting for their right to live peacefully has already been part of our self.




"THE FILIPINO IS WORTH DYING FOR"
         -          Ninoy Aquino



In love again



In love again

I can’t believe that I have you…
Though we have passed through many challenges

I can’t believe that you are mine
Thought we have cruised a rocky road

I can’t believe that we reached this far
Though we have fight and argued many things

I can’t believe that we are still together
Thought we have faced many difficulties

Whenever I take you in my arms
I fall in love again

Whenever you are near
I still don’t know what to say

Whenever I’m with you
My happiness is complete

Whenever I kiss you
I know what does life really mean.

Whenever I woke up
I always realized that I was only dreaming.

Girl where are you
Are you still coming back?
Please tell me so
Because I am willing to wait.


Eklabuz Kimpertuz




Monday, February 21, 2011

My Angel

Thanks Gugel for the photo....Edited by me...




My Angel




She’s like an angel
That falls from the sky
Into your soul
To captivate your heart


Truly GOD has sent her
To make you fall in love
To a real beauty
Both inside and out


She’s lovelier than the night
Brighter than the stars
She’s prettier than moon
That light up the earth


Her looks could take your heart away
Her lips could seduce your mind
She is more than any mans dream
For she is an angel






~End~






Sunday, February 20, 2011

Come fly with me

What if you can fly?


What if you can define gravity?


What if you can levitate even just for a while?


Have you ever thought about it?



I DID…

When I was still a little boy I used to sit outside our house in Zamboanga City, I always look at the stars and dreamed away wishing that I’m like Peter Pan that can fly to Neverland.

Perhaps ever since the beginning of time, man has always been fascinated about conquering the air up there, Leonardo Da Vinci’s work’s and drawings are just one proof of human’s interest about flight.

Just imagine being able to go to any places you like without any hustle, to have a breakfast in Hong-Kong, lunch in Australia, eat your dinner in Paris, sleep over night in New York, go to Eiffel Tower, cross the Atlantic Ocean and take a pictures in Grand Canyon of Arizona, see the Pyramid of Egypt, you can do all of these thing if you could just fly away, isn’t it that great?

How I wish I could fly, I will work here in Saudi forever during day time and fly back to Philippines at night to rest, I will shop around the world, see many different places, meet different people, eat in different restaurant and collect different souvenirs.

You may say I'm a dreamer but I am not the only one (Sir John Lennon... eheheheh) I know one day I will fly away, if not in reality maybe in my dreams.

Photo by: Ardy. Feb 19, 2011 at SABIC Camp.


Come fly with me.





~End 






Saturday, February 19, 2011

Matsing ka ba?




Hindi ko na alam kung ilang tao na ang aking nakasagutan, nakaaway at nakasamaan ng loob, hindi ko na matandaan kung ilan na sila at kung sino ang huli kong nakasagupa, pero isa lang ang masasabi ko, nagpapaliwanag lang po ako, wala pong personalan, ehehehehe.


Ako kasi ang klase ng taong na kung hindi ako sang-ayon ay sinasabi ko talaga ang nasa loob ko, hindi porke naiintindihan mo ang isang bagay ay tama na agad at maykatotohanan na ito, wala akong pinapatamaan, nais ko lang ay may maisulat, nagkataon lang na ito ang paksang nagustuhan kong isulat, bahala na kayo magisip pagkatapos niyo magbasa, bahala na kayo kung tatangapin niyo ang paliwanag ko, pero alam ko, sasang-ayon kayo kapag sinabi kong hindi lahat ng sinasabi ko ay tama at alam ko ring sasang-ayon kayo kapag sinabi kong hindi lahat ng tao ay sasang-ayon sa lahat ng sasabihin mo.

May mga bagay sa mundo na mahirap ipaliwanag, may mga bagay na mahirap maunawaan, pero hindi ito nangangahulugang mali na ito, may mga bagay na sadyang parang tama, pero ang totoo mali ito, may mga bagay na parang mali, pero ang totoo tama ito. Hindi ako matalino, hindi rin bobo, may alam ka na hindi ko alam, may kaya kang gawin na hindi ko kayang gawin, pero tulad mo may alam rin ako na hindi mo rin alam at may kaya rin akong gawin na hindi mo rin kayang gawin, kaya patas lang tayo iho.

Hindi kita kinokontra at hindi ko rin hiningi sa iyo na tangapin mo ang baluktot kong prinsipyo, kaya huwag kang mainis kapag sinabi kong hindi ako naniniwala sa iyong sinabi, dahil hindi nga lahat ng sasabihin mo ay sasang-ayon ang lahat ng tao? Akala mo lang tama ka, pero ang totoo mali ka at katulad mo akala ko lang din tama ako pero mali rin pala ako.

Matuto po sanang tayong tangapin na nagkakamali rin tayo ng pagkakaunawa sa isang bagay.

“Remember you’re entitled to your own opinion” (Naks!!!)



wala lang... may mai-post lang...

~~The End~~





Thursday, February 17, 2011

ALL STAR



Uu ganyan talaga! dapat idisplay , mayabang kasi eh, antipatiko nga di ba, pero watch kaaaaa!!!, alam mo bang halos walong oras din kami naglibot pati ng kasama ko makabili lang ako ng sapatos, pihikan kasi eh, ehehehe parang babae! Pasensya na po. Alam mo rin bang nakailang sukat din ako at palit ng brand ng sapatos bago ako nakabili? Hindi ko talaga alam kung bakit pagdating sa sapatos talagang nahihirapan akong magdesisyon kung ano ang bibilhin ko, hindi naman ako mahilig sa branded pero ewan ko ba kung bakit ako nahirapang maghanap ng babagay sa akin, buti na lang mabait si Ryan sinamahan niya ako sa paghahanap ng sapatos, kaya naman ng makabili ako nilibre ko sya ng isang shawarma at isang pepsi (Uyyy  nagdate)

Nyehehehehe!!!




Old school man daw maituturing, para sa mga rockista astig parin, yan ang “ALL STAR CONVERSE” laging maasahan, hindi ko na alam kung kelan ako huling nagsuot ko ng ganito, nasa kolehiyo pa ata ako noon, pero simula ng makapagtapos ako sa pagaaral, hindi na ako nakapagsuot niyan, kaya ng makita kong may binebentang ganyang sapatos sa isa sa mga shop dito, hindi na ako nagdalawang isip pa nagtatlong isip lang, ito na agad ang binili ko and take note  for the record (ang taray English!!1) may libreng  havaianas sleepers pa yan (owss di nga) tapos natawa pa ako kasi ang salesman nila ay isang Bengalese National na marunong magtagalog, parang hindi nga ako sanay, pero ok lang, kahit papano naiintidihan ko naman ang kayang pagsasalita.





Hindi na daw bagay sa akin ang magsuot ng ganitong sapatos, pakI ko, wala namang rules na nagbabawal na magsuot ng di na bagay sa iyo di ba? saka kahit nang magpakasal sina Kristine Hermosa at Oyo Boy Sotto naka ALL STAR CONVERSE sila di ba! ( hmmp! So feeling mo si Kristine Hermosa ka, heller), di ba mas hindi bagay suotin ang ganito sa kasal? Pero di na nila inisip yun, kasi nga yun ang gusto nila, walang basagan nga ng trip di ba? (TAMAAAAA)!!!! Saka if being true is a crime then I’m guilty! (naks... English 101 ba to?) Kasi aaminin ko, matagal ko na ring gustong bumili ng ganitong sapatos, pero di natutuloy-tuloy dahil sa mga nagliparang pahulugang sapatos galing Marikina, ehehhehe, ayun naman pala eh….

So feeling ko tuloy ng makapagsuot ako ng ganitong sapatos, isa na akong "CERTI" na punkista… neyeyehehehhe…. (Give it to me baby, Ahuh! Ahuh!.. Give it to me baby, Ahuh! Ahuh!.. And all the girlies say, I'm pretty fly for a white guy) pero hindi, hindi, hindi ako punkist, kelan man hindi ako naging punkist, Oo! Masarap pakingan ang kanilang kanta, pero hangang doon na lang yun, hindi ko na sinubukang sundan ang kanilang mga yapak, tama na sa akin ang maging isang Majikero. Ehehehhehe.

Well ito na lang muna sa araw na ito, kasi nagyayaya na ang mga kasama kong manood ng DALAW starring Miss Kriss Aquino.


The End~~~



Wednesday, February 16, 2011

KAMAY


Sinulat Ko. ehehehhe


Kaibigan iyong tandaan
Ang kalikasan ay iyong kayaman
Kaya tigilan na ang iyong kalupitan
Nakakalbong kagubatan ay iyong kaawaan


Karagatan ay huwag hamakin
Mga isda’y huwag pasabugin
Bingwit o lambat ang iyong gamitin
Upang sa araw-araw ika’y pagpalain

Kaibigan pakaisipin mo
Na hangin ang nilalanghap mo
Kayat tigilan na ang pagdudumi dito
Pulusyon ay itigil mo


May butas na ang ating ulap
May panganib na ang ating bukas
Dahil sa pulusyong iyong ikinalat
Ito’y nasira at nawasak

Ito’y Blog Entry na sinulat ko
Inihahandog para mamulat tayo
Sa katotohanang dapat na magbago
Na ang kamalian natin ay dapat ng iwasto.


Aba’y akalain mo nga naman
Ngayon ko lang nalaman
Ako’y magaling pala sa tulaan
Di sinasadya
Ito’y naisulat at nailathala.



Lagi po nating tatandaan, tayo ang responsable sa ating mga ginagawa, gamitin po sana natin ang ating mga kamay upang maibalik ang sigla ng ating buhay, hindi po nagwawakas sa ating sarili ang ating responsibilidad sa buhay, ito’y aagos kasama ng ating pagtanda.
Maraming salamat po sa pagbabasa.

Sana’y marami pa tayong likas na yaman na pagsasaluhan.



~NAKS! THE END NA KUNUH~

--------------------------------------------------------




Tuesday, February 15, 2011

Jollijeep



Kung nakapunta kana ng Makati malamang narinig mo na ang Jollijeep, usong-uso kasi yan dito samot-saring ulam na abot kamay ang halaga at pang-masa talaga ang mga binibenta dito, may gulay, chicken, beef, pork, kare-kare, isda, sandwich, chippy, at kung ano-ano pa, just named it you got it, and it’s yours for a very low low prices (Ehem! English po yun kung di niyo napansin!) , nasa Zamboanga palang ako, naririnig ko na ang Jollijeep, hindi ko alam kung ano ito, basta ang pumapasok sa isipan ko ay isa itong fastfood chain na pilit gumagaya sa Jollibee, kaya naman ng makapunta ako ng Manila at mapadpad sa Makati, isa ito sa mga agad kong hinanap, sabik akong matikman ang mga pagkain dito, siguradong masarap sya, mukha kasing sikat at halos lahat ng mga kaibigan kong nakaputa dito alam kung saan-saan matatagpuan ang Jollijeep sa Makati (Ayaw ko kayang pahuli.)

Al: Boss! pwede mag tanong, saan po bang may Jollijeep dito?

Security: Dyan sa likod, may makikitang kang Jollijeep.

Ayos! nasa likod lang pala ng Burgundy Tower ang Jollijeep, “sige nga mapuntahan nga nang matikman ko naman ang putahe dito” ehehehe (tawa ng isang asong ulol), pagdating ko sa likod ng building, wala akong nakitang Jollijeep, (dismiyado ako) “Ano ba yan, gutom na ako, grrrrr!” ang tanging nakikita ko lang ay mga carenderia, “Hmmmm! Saan kaya ang Jollijeep na tinutukoy ni manong guard?”

Inis akong hinanap ito, pero gutom na ako hindi ko parin MAKITA (UU TALAGANG CAPSLOCK YAN) ang sinasabi nilang Jollijeep. Nagpasya na lang akong kumain sa isang tindahan sa di kalayuan, napansin ko kasi ang isang tindahan na pinagkakagluhan ng mga tao, para siyang isang Van na walang driver’s seat pero may gulong, parang portable carendiria, maraming taong kumakain dito, samot-sari din kasi ang mga pagkaing tinitinda nila, kaya dito na ako nagpasyang kumain, tortang talong w/ extra rice ang binili ko, may libre pang Coke Sakto, nakalagay ito sa styro. Masarap naman ang pagkain at kahit papano nabusog ako.

Halos sa loob ng dalawang buwan ganon ang ginagawa ko noong nag-aapply palang ako nang trabaho sa makati, sa ganitong lugar ako kumakain, nagliparan din kasi ang ganitong klasing carenderia sa Makati, abot kamay kasi ang paninda dito, kahit noong makapag trabaho na ako sa Makati, dito parin ako kumakain.

Fast forward.

Break time namin sa opisina, nagkukwentuhan kami nang mga ka-opisina ko, nabangit ko ang Jollijeep.

Al:  Ang tagal ko na dito sa Manila, tatlong buwan na akong nagtatrabaho dito sa Makati, hanggang ngayon, di ko pa alam kung saan ang Jolijeep dito.

Officemate: Hindi ba halos araw-araw tayong kumakain sa Jollijeep?.

Al: Saang Jollijeep?

Namilog pa ang aking mga mata, gulat sa sinabi ng ka-opisina, hindi pa kaya ako nakakain sa Jollijeep, kahit minsan (sa loob-loob ko pa).

Officemate: Eh yung carenderia na kinakainan natin sa baba ng enterprise building, na parang Trak, hindi ba Jollijeep yun?

Al: Ahh! Ehehehehe! ibig kong sabihin, hindi ko pa alam kung saan-saan merong Jolljeep dito.

Hindi ko alam kung kinagat niya ang aking palusot, basta ngumiti na lang siya at nanahimik, hindi ko kasi alam na ang kinakainan naming carenderia na mukhang Van ay Jollijeep na pala, at halos limang buwan na rin pala akong kumakain dito.

Nyehehehe!!!!


Tanong?

Kung sa Makati, Jollijeep ang tawag nila dito? Ano naman ang sa Ortigas?

Sagot?

“BackDonalds…”

Kalokohan lang yun ng isang supervisor ko ng minsang makapag trabaho ako ng Call Center sa Ortigas.

BackDonals daw ang tawag nila sa mga carenderia sa likod ng St. Francis Square, astig din talaga dito dahil katulad sa Makati, abot kamay rin ang mga pagkain dito.


Sana isang araw may Happy Meal tayong pagsasaluhan sa isa sa mga Jollijeep sa Makati.

“Panlasang Pilipino at home sa Jollijeep”



~ The End ~

-----------------------------------



Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...