Probinsyano in a BIG CITY (Ang kwento ni Manila Boy)
Manila… Ciudad Capital ng Pilipinas, centro ng halos lahat ng kalakalan, dito naka base ang halos lahat ng malalaking kumpanya sa bansa, mga opisina at pagawaan, malalaking gusali, centro ng ekonomiya at higit sa lahat isang malaking ciudad.
Bata pa ako noon sa tuwing naririnig ko ang pangalang Manila, napapaisip ako at na papatanong sa sarili, ano kaya ang itsura ng Manila, palibhasa isang probinsyano at hindi pa nakatapak sa lupang pinapangarap, kaya naman nasasabik akong makapunta dito, marahil hindi lang ako ang nangarap na makapunta rito, marahil halos lahat ng probinsyanong katulad ko. Noong bata pa ako, sa telebisyon ko lang napapanod ang mukha ng Manila, naririnig sa radyo, nababasa sa dyaryo, nakikita sa mga larawan at higit sa lahat nalalakbay ng diwa sa kwento ng mga taong nakapunta na ditto. Kung pano nailarawan sa mga pelikula ang Manila, ganon din ang pagakakilala ko dito.
Siguro mga anim o pitong taong gulang ako noon ng mapanood ko ang pelikulang Captain Barbel na pinag bidahan ni Herbert Bautista. Ang kwento nito, isa siyang ordinaryong tao na nabigyan ng kapangyarihan sa pamamagitan ng isang mahiwagang barbel, at nagiging super hiro siya at sumasagip ng mga naaapi, at ako naman, bilang isang bata, talagang hangang hanga ako sa pelikula, at kasabay nito ang pagtindi ng pananabik kong makapunta ng Manila, dahil sa pagkakaalam at pagkakaintindi ko noon maraming mga agimat na mahahanap dito, tulad ng mga napapanod kung pelikula ni Ramon Revilla Sr., madalas akong mangarap na sana sa Manila kami nakatira at isang gabi habang umuulan ng malakas ay biglang kikidlat at tatamaan ang isang puno sa harap ng bahay namin, pagkatapos noon ay makikita ko ang isang mahiwagang bato na siya kong magiging agimat at makapagbibigay sa akin ng kapangyarihan upang labanan ang mga halimaw na siyang sasalakay sa mga tao, makikilala ako bilang si Kapitan Kidlat, na nakakalipad, malakas, di tinatablan, at may kidlat na lumalabas sa aking kamay, pamuksa sa mga kalaban, ganito ang impluwensya sa akin ng mga napapanood ko noon... marahil bata pa ako, kaya ganoon.. marahil ganoon lahat ang bata…
Nang mag aral ako, marami akong natutunan at natuklasan hinggil sa lupang pinangarap kong mapuntahan.
Grade 1,

Teacher: Anung bansa ang gusto niyong puntahan?
Kamag-aral 1: Itali
Kamag-aral 2: U.S.A
AL: Manila ma’am
Teacher: Al ang sabi ko Bansa hindi Ciudad!
Noon ko lang nalaman na ang Manila pala ay isang ciudad at hindi bansa, nakakahiya man pero yun ang totoo, sa pagkakatanda ko, nakipag talo pa ata ako sa aking teacher, pero syempre tama ang teacher ko at hindi naman ako sigurado sa aking isasagot.. Nagpatalo na lang ako at nanahimik.
Grade 1 pa rin
Teacher: Class! Bukas gusto ko magdala kayo ng larawan ng mga lugar sa Manila.
At ng marinig ko ang sinabi ng aking teacher, para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan… “Haha... Makakabawi na ako sa pagkapahiya ko noong isang araw, lagot kayo” nabuhayan ako ng loob, parang isang bumbilya ang biglang sumindi at umilaw nang marinig ko ang sinabi ng teacher ko. Ito na ang pagkakataon kong makabawi sa pagkapahiya ko sa mga noo’y tingin kong mga kontrabida kong kaklase.
Pag uwi ko ng bahay agad akong naghanap ng mga larawan ng mga lugar sa Manila at nagpatulong pa ako sa tita ko sa paghahanp…
Kinabukasan…
Teacher: Class! Di ba kahapon pinapadala ko kayo ng larawan ng mga lugar sa Manila, gusto ko
Kinabukasan…
Teacher: Class! Di ba kahapon pinapadala ko kayo ng larawan ng mga lugar sa Manila, gusto ko
ipakita niyo sa akin ngayon dito sa harap at sabihin sa akin kung ano eto?
Kamag-aral1: Luneta, dito po binaril ang ating pambansang bayani.
Kamag-aral2: Entramuros, isa po itong balwarte ng mga kastilla noon.
AL: larawan ng Lion head statue sa Baguio, eto po ay nagsisilbing palatandaan na malapit kana sa Baguio.
Teacher: Al ang Baguio ay parte lang ng National Capital Region at hindi na sya parte ng Manila…
…at napahiya na naman ako…
AL: pero ma’am!!! Akala ko eh…
Ewan.. sino ba naman kasi ang nagsuhisyon sa akin na eto ang dalhin kong larawan.. kung sino man iyon ay hindi ko na matandaan..
…at napahiya na naman ako…
AL: pero ma’am!!! Akala ko eh…
Ewan.. sino ba naman kasi ang nagsuhisyon sa akin na eto ang dalhin kong larawan.. kung sino man iyon ay hindi ko na matandaan..
Eto ang mga pangyayaring hindi ko makakalimutan noong Grade 1 pa ako, hindi ko naman kinakahiya, natatawa nga ako sa tuwing na naaalala ko ang mga ito.
Naglalakad lang kami pauwi ng bahay, kasabay ko ang ilang mga bata at kaklase ko noon, hindi ko makakalimutan ang sinabi ng isang kakase ko na nakalimutan ko na ang mgapanglan. Sa susunod na taon daw ay sa Manila na daw siya mag aaral dahil madedestino na doon ang kanyang tatay na sundalo ata yun, Grade 2 na ata ako noon, nainggit ako sa kanya, kase buti pa siya at makakapunta na ng Manila at malaki ang tsansa niya na makahanap ng isang agimat, at baka maunahan pa niya akong maging superhero… baka mahanap niya si Darna doon… Opo talagang ganito ang imahinasyon ko noong bata pa ako… at ganito rin ang akala ko sa Manila, maraming agimat at kapangyarihang mahahanap…
Sa isang katulad kong probinsyano… limitado lang aking kaalaman tungkol sa Manila, lalo na kung hindi pa nakapunta dito…
High School.
Nang mapanood ko ang pelikula ni Robin Padilla na Manila Boy, astig at talaga namang sigang siga ang dating niya dito, lalong lalo na yung parte ng pelikula na kung saan ay nakahiga siya sa harap ng speed boat habang pinapaandar eto at binabaril niya ang kalaban, talaga namang kakaibang stunt ang ginawa ni Binoi dito, si Dobanditz ang aking idolo…
Manila Boy… eto ang madalas kong isulat sa aking notebook, papel, upuan, blackboard, dingding, toylet, waiting shed at kung saan saan pa.. “Al alyas Manila boy” eto ang tawag sa akin ng mga kaibigan ko sa High school… na Guidance Call pa ata ako dahil sa Vandalismo… “Al alyas Manila Boy” yan ang parati kong sinusulat… at kasabay nito ang pagkalat naman ng nakakatawang
kwento ni Manila Boy…
(Kwento ni Manila Boy)
Abdul: tay… mag oath taking na kami sa Manila, turuan niyo naman ako kung ano ang gagawin
ko para hindi ako masabihang probinsyano ng mga babae doon.
Itay: madali lang.. basta pag nakahubad na ang babae, hanapin mo agad ang
mabuhok na parte sa kanyang katawan at doon mo tirahin, tiyak hindi
ka mabibistong probinsyan ka.
Pag dating niya sa Manila, naghanap agad sila ng babae, at dinala nila sa Motel
Abdul:Sige hubad kana.
Pagkahubad ng babae… agad niyang tinira sa mabuhok na parte ng katawan ang babae…
Babae: Sandali… Sandali… Huwag dyan… nakikiliti ako…
Abdul: Hwag kana… Manila Boy ito…
Tinira niya agad ang babae
Babae: hwag sabi dyan.. kepet ko yan…
TOINKS!!! Ang galing ni tatay magturo.
Yan ang kwento ni Manila Boy, pero syempre hindi naman ako ganon Katanga, slight lang.
Isa sa mga pangarap ko noon ay ang makapag kolehiyo sa Manila, maging estudyante dito at kaimot ang U-Belt, kahit hindi ko naman alam kung saan eto banda at kung ano eto, pero sa kasawiang palad, hindi yun nangyari, hindi ako pinagbigyan ng may kapal, hindi ata nakaguhit sa aking palad na makapag aral sa Manila, selos talaga ako sa mga ialng kaklase ko at kakilala noon na pumunta na ng Manila upang magaral. Marahil karaniwan na sa mga katulad kong Probinsyano ang mangarap na makapag aral sa Manila, makapag trabaho, mamasyal at makipagsapalaran…

Kahit na gusto kong magaral sa Manila, wala akong nagawa kundi ang ipagpatuluy na lang ang pagaaral ko dito sa Zamboanga, at makalipas ang ilang taon, sa awa ng diyos, noong 2001, nakatapos ako ng kolehiyo, sa pandalawang taong kurso sa computer programming sa isang sikat na I.T. School sa bansa… taong 2004 nakakuha ako ng trabaho sa Opisina ng Gobernador ng probinsya ng Tawi-Tawi, bilang isang computer encoder, naging masaya naman ako sa trabaho ko, dahil mabait at matulungin talaga ang butihing Gobernador, subalit sa kabila ng kasiyahan ay naroon parin ang aking pananabik na makapunta ng Manila kaya naman isang araw…
Taong 2005, Oktobre, tumunog ang hawak kong cellphone, tiningnan ko kung sino eto, si Khalid, ang aking kaibigan, tinawagan niya ako upang ipaalam na nasa Manila na daw siya at nag aaplay ng trabaho papuntang Saudi, gusto lang niyang ibalita sa akin na may Aunty daw siyang recruiter pupuwede daw kaming tulungan upang makaalis agad ng bansa, basta papuntang Saudi daw, mula pa man ng mag kolehiyo ako ay plano ko na ang makapag abroad sa ibang bansa, at nang sa ganon ay makatulong naman ako sa aking mga magulang. Pero bago pa man ako makapagtrabaho sa Tawi-Tawi noong 2004, nakapunta na ako ng Sabah Malaysia kasama ang kaibigan kong si Khalid, 2002 yun nang makapunta kami roon sa Sabah Malaysia at doon naghanap ng trabaho, mga halos dalawang buwan din ang ipinamalagi naming sa Sabah Malaysia, at dahil sa parehong estranghero, wala kaming ibang nagawa kundi ang mamasyal pagkatapos naming maghanap ng trabaho, makalipas ang halos dalawang buwan, naubusan na kami ng Pocket Money at hindi pa kami nakakapag hanap ng trabaho, mahirap din pala ang maghanap ng trabaho doon, lalo kung lalake ka at hindi ka pa marunong magsalita ng salita nila ang malay, hindi rin madali para sa amin ang paghahanap, dahil puro mga white collar job ang hinahanap namin, na hindi naman kami qualified dahil wala kaming I.C. o identification card na nagsisilbing palatandaan na taga doon kami, dahil ang madalas na kinukuha nila para sa mga white collar job a mga Malaysian lang o ga merong I.C. kaya ang kinalabasa, umuwi na lang kami ng Pilipinas kase wala na kaming pera at hindi pa kami nakakahanp ng trabaho at wala na rin kaming magagamit para ipa-extend namin ang bisa namin para pwede pa kaming manatili pa ng matagal sa Malaysia. Ok lang kahit hindi kami nakahanp ng trabaho, nag enjoy naman kami sa pamamasyal, itinuring nalang naming bakasyon yun.
2003 nakabalik ako ng Malaysia, at ngayon ako na lang mag-isa, dumeretso ako ng Kuala Lumpur at nakitira sa bahay ng aking pinsan na Malaysian Citezen na, talagang determinado ako noon na makahanap ng trabaho at makabawi sa kapalpakan ko noong nakaraang taon, pero lubhang mahirap nga pala talaga ang paghahanap ng trabaho dito kapag hindi ka taga rito, kung tutuusin, madali lang para sa mga taga rito, pero sa mga katulad natin na hindi taga doon, kinakailangan natin ng working bisa at yun ang wala sa akin, mahirap mag hanap ng employer na siyang kukuha sa iyo ng working bisa, kaya ang kinalabasan, naubusan ulit ako ng pocket money at walang nagawa kundi ang umuwi nalang kasi wala na akong pera para magamit sa pagpapaextend ko ng bisa ko sa pamamalagi dito.
Isang malaki at maunlad na bansa ang Malaysia, maraming handog at pangako ang naghihintay sa sinuman ang nais pumunta dito, magandang buhay, trabaho, turismo at kung ano ano pa, magandang pasyalan din ang Malaysia, kung gusto mo ma eksperyensa ang pagiging Asiano, pumunta ka ng Malaysia… tulad nga ng kanila mapangakit na Invitasyon, Malaysia truly Asia, pero kahit ano pa man ang naghihintay sa akin sa ibang bansa, wala pa rin ang makakatalo sa Manila na minsan kong inakalang Bansa, gusto ko parin pumunta dito at makipag sapalaran, at maka hanap ng isang agimat na siyang magbibigay sa akin ng kapangyarihan upang sagipin ang mga naaapi, kaya naman matapos kaming mag upasap ng kaibigan ko sa celphone, pinag isipan ko ng mabuti ang aking gagawin… nag-ipon ako at hinanda ang aking sarili sa mga posibleng mangyari sa akin habang nasa Manali ako…
Noong taong din ito, ng una akong makapunta ng Manila, isinama ako ni erpats matapos ko siyang kulitin na isama ako sa pag punta niya sa Manila, total kako, ako naman ang kasama niya sa lahat ng gawain niya sa Taw-Tawi, kaya mainam na siguro ang isama niya ako para makapasyal naman ako, dalawang beses akong naisama ni erpats sa taong ito, pero parang hindi parin ako naka punta dito, tatlong araw hangang sa apat na araw lang ang itinagal ko dito, at Palacio Del Gobernador lang sa Intramuros ang napupuntahan ko at SM Manila, nasa likod lang kasi nito ang hotel na tinutuluyan namin ni erpats, at syempre Robinson’s Place sa Ermita, ito lang ang na pasyalan ko, at mukhang bitin, hindi ako naka hanap ng anting-anting o agimat, pano na ang pangarap kong maging si Super Kidlat. Dalawang beses akong nakapunta ng Manila noong 2005 at dalawang beses din akong nabitin. Kaya naman, hindi na ako nagdalawang isip pa, nang makausap ko si Khalid sa cellphone ay na-ingganyo na akong sumunod sa kanya, pagkakataon ko na ito, may kasama pa ako dito.
(abangan ang susunod na kabanata....)