Thursday, February 24, 2011

Eskwater

 

Bakit ba ayaw mo pang umalis, pinapalayas na kita ah!, nakakairita kana, kahit anong gawin ko patuloy ka paring namamahay sa puso ko, namamasyal sa isipan ko, ano pa bang gusto mo, pinalaya na kita tulad ng gusto mo, lumayo na ako sa iyo, as in malayo, as in super layo, to the point I almost give up my life, but still you linger around (bongga English talaga).


Pause muna tayo… ..


Commercial… ..



Kanina pagkagising ko, masakit ang ulo ko, may hang-over, birthday kasi ng kasama ko kagabi, nagpakain siya, Pancit at Chicken Asado,amin na lang daw ang kanin,  tapos nagpakalasing kami sa Apple Juice na tinimpla namin, wala naman kasi kaming mabiling alak dito sa SAUDI. Kaya kwentuhan to the MAX na lang.


Stop… ..


Hinga ng malalim… ..


Iling sandali… ..


Balik tayo sa kwentype ko… ..


Puwede bang magmura? (Mamamatay karin, kaso matagal pa, packing tape ka)… ..


Matagal na rin akong ganito, parang may kausap at nakikipagtalo sa isipan, nabubuhay sa bangungot ng nakaraan, muli’t muling binabalikan ang sakit ng kahapon, (excel sheet ka.)


Rewind… ..



2008… .. .



Isang umaga, nakadungaw ako sa bintana ng eroplano, tahimik at nagiisip, nagdadarasal, “sana maayos ko pa ang lahat”, maganda ang standing ko sa Call Center na pinapasukan ko sa Libis noon, nai-forward na ng supervisor ko ang promotion ko, isang buwan na lang L2  na ako, kaso kailangan kong umuwi ng Zamboanga para suyuin ulit ang babaeng matagal ko ng MAHAL (uu ganyan talaga, caps lock) MAHAL ko eh.

Naglanding ang eroplano masaya ang lahat, liban sa akin, kinakabahan, alam kong Malabo ko nang mabawi pa ang dati’y akin, natatakot ako baka tuluyan na kaming magkahiwalay.

Hapon, Finally, nagkita kami, nagkausap, pumunta ako sa bahay nila, halata sa mukha niyang takot din siya, kinakabahan, ayaw lumapit sa akin, baka raw saktan ko siya, hindi ako ganon, for 9 years na naging kami kailan man di ko siya nasampal (tinadyakan lang), ako na lang ang lumapit sa kanya, pero dumating ang tatay niya, nagkasalubong ang mata namin (eye to eye kung baga, naks), lumapit ako sa tatay niya, nakipagbeso-beso sabay  bulong “Dad I like your eye lashes” joke… “tulungan niyo po ako SIR, mahal na mahal ko po ang anak niyo” sumagot ang tatay niya “SO!” nakatirik pa ang mata sabay kurot sa hita ko, sabay sabi sa akin “kaw talaga maldita ka” tuluyan na akong naiyak.

Uu, alam ko, inapakan ko pagkalalake ko, kinalimutan ko ang pagkatao ko, keber ko, eh sa MAHAL ko talaga siya, MAHAL NA MAHAL, halos tatlong taon na ang nakakalipas ngunit sariwa pa rin ang sugat, wala paring nagbago, mahal ko parin siya.



Ganyan ang banat… ehehhehe



The End…


12 comments:

  1. Kung may themesong man siguro ang maganda para sa iyo ang inawit ng rockstar na ang pamagat ay PARTING TIME..

    ReplyDelete
  2. wehh!! kaya pala nakakarelate ka sa post ko kahapon!! IKAW NA!!! o etong tissue isinga mo!

    ReplyDelete
  3. ikaw na ang may magandang career noon at ngayon..:))kampay

    ReplyDelete
  4. buwahahaha... kaw talaga Akoni... ehehehe...

    ReplyDelete
  5. ayos ah... ang lagay eh bumabanat ka lang pala... hehehe... teka.. naguluhan ako sa huli.. nangurot? awts... heheh...

    ReplyDelete
  6. kapag mahal mo kasi yung tao makakalimutan mo pati pagkatao mo.dvah..dahil ganyan ako noon, kaya nakarelate ako

    ReplyDelete
  7. naks ang haba ng hair ni MAHAL, hndi makalimutan eh! sana hndi mo siya ipagapalit ky MURA, haha! joke lang.. nice kwento, touched ako..

    ReplyDelete
  8. Bekimon ba si pudrax?!

    nabitin naman ako sa kwento.. amp!
    marunong ka rin pala lumandi!? joke!

    haha!!

    Sana may ganyan din para sakin..hehe
    *ambitious*

    ReplyDelete
  9. @Parekoy: ehehehhe... sensya kana kung magulo sa huli... maguli rin kasi ang isipan ko sa panahon na yan.. kaya ginawa kong magulo... eheheheh...

    @Em: yeah you are difitley right... higit pa dyan ang nagawa ko para sa kanya... eheheheh...

    @Mommy: talo pa po si Rapunzel sa haba ng buhok ni "She who must not be name..." eheheheh...

    @Kristia: hwuahahaha... malandi naman talaga ako.. kaya nga toinks eh.... dont worry darating lang yan ang para sa iyo... malay mo... kablog mo rin pala siya.... eheheheh....

    ReplyDelete
  10. /kick MAHAL umalis ka na raw sa puso nya lol

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...