Wednesday, February 16, 2011

KAMAY


Sinulat Ko. ehehehhe


Kaibigan iyong tandaan
Ang kalikasan ay iyong kayaman
Kaya tigilan na ang iyong kalupitan
Nakakalbong kagubatan ay iyong kaawaan


Karagatan ay huwag hamakin
Mga isda’y huwag pasabugin
Bingwit o lambat ang iyong gamitin
Upang sa araw-araw ika’y pagpalain

Kaibigan pakaisipin mo
Na hangin ang nilalanghap mo
Kayat tigilan na ang pagdudumi dito
Pulusyon ay itigil mo


May butas na ang ating ulap
May panganib na ang ating bukas
Dahil sa pulusyong iyong ikinalat
Ito’y nasira at nawasak

Ito’y Blog Entry na sinulat ko
Inihahandog para mamulat tayo
Sa katotohanang dapat na magbago
Na ang kamalian natin ay dapat ng iwasto.


Aba’y akalain mo nga naman
Ngayon ko lang nalaman
Ako’y magaling pala sa tulaan
Di sinasadya
Ito’y naisulat at nailathala.



Lagi po nating tatandaan, tayo ang responsable sa ating mga ginagawa, gamitin po sana natin ang ating mga kamay upang maibalik ang sigla ng ating buhay, hindi po nagwawakas sa ating sarili ang ating responsibilidad sa buhay, ito’y aagos kasama ng ating pagtanda.
Maraming salamat po sa pagbabasa.

Sana’y marami pa tayong likas na yaman na pagsasaluhan.



~NAKS! THE END NA KUNUH~

--------------------------------------------------------




9 comments:

  1. sakto parekoy, nakaboto ka na ba sa no to mining sa palawan..kung hindi pa, nandun ang link sa bahay ko.. kailangan ng maraming suporta...

    ang nangyayari sa ating kapaligiran ay manipesttasyon na ating ginagawa. at kadalasan gumagawa tayo para magkaron ng resulta.. nga lamang, makamit lang ang ating ambisyon, hindi na natin naalala ang epekto nito sa ating kapaligiran.

    Magandang araw parekoy.. :)

    ReplyDelete
  2. ang makata BOW.. hehe!

    environmentalist ka pala, kasama mo ako jan kaibigan.

    magandang araw sayo..

    ReplyDelete
  3. ayun oh!

    napaka makata ni Kuya Al!

    apir! ikaw nang astig!

    ReplyDelete
  4. @Adang: napapaka Nature lovers lang... ahhahaha...

    @Parekoy... sige... mamaya tatambayan natin yan... para makavote naman at ng magkaroon ng silbi ang buhay natin kahit minsa...

    @Mommy-Razz: ahahhaha... wow atleast alam ko di ako nagiisa..

    @Kristia: eheheh.. nagpapaka makata la'ang... ehehhe... apir din...

    ReplyDelete
  5. Matalinhaga at matamis ang iyong dila kaibigan
    Nawa'y ito'y ating gawin at hindi basta sa salita lamang.
    Imulat ang mata at bantayan ang inang kalikasan
    nang hindi na maulit ang delobyong minsan nang kumitil ng maraming buhay.

    Pagpapakilala po at bago lang sa mundo ng blog. Paki follow nalang po @ paralibot.blogspot.com,
    Isasama ko kayo sa aking paglalakbay... Sayonara tomadachi...

    ReplyDelete
  6. @Nelo: at yan pala ang pinaggagawa mo dyan sa kabilang kwarto hah... ang magblog... eheheheh..

    ReplyDelete
  7. antaray taray naman ng tula...parang ganyan yung lyrics dati namain nung sumali kami sa sci-jingle competition...pinalitan namin yung lyrix ng bakit papa ng sexbomb...

    gets gets awww!

    ReplyDelete
  8. Kulit naman ng lyrics na yan.. gets gets aww.. pa talaga... eheheh...

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...