Hindi ko na alam kung ilang tao na ang aking nakasagutan, nakaaway at nakasamaan ng loob, hindi ko na matandaan kung ilan na sila at kung sino ang huli kong nakasagupa, pero isa lang ang masasabi ko, nagpapaliwanag lang po ako, wala pong personalan, ehehehehe.
Ako kasi ang klase ng taong na kung hindi ako sang-ayon ay sinasabi ko talaga ang nasa loob ko, hindi porke naiintindihan mo ang isang bagay ay tama na agad at maykatotohanan na ito, wala akong pinapatamaan, nais ko lang ay may maisulat, nagkataon lang na ito ang paksang nagustuhan kong isulat, bahala na kayo magisip pagkatapos niyo magbasa, bahala na kayo kung tatangapin niyo ang paliwanag ko, pero alam ko, sasang-ayon kayo kapag sinabi kong hindi lahat ng sinasabi ko ay tama at alam ko ring sasang-ayon kayo kapag sinabi kong hindi lahat ng tao ay sasang-ayon sa lahat ng sasabihin mo.
May mga bagay sa mundo na mahirap ipaliwanag, may mga bagay na mahirap maunawaan, pero hindi ito nangangahulugang mali na ito, may mga bagay na sadyang parang tama, pero ang totoo mali ito, may mga bagay na parang mali, pero ang totoo tama ito. Hindi ako matalino, hindi rin bobo, may alam ka na hindi ko alam, may kaya kang gawin na hindi ko kayang gawin, pero tulad mo may alam rin ako na hindi mo rin alam at may kaya rin akong gawin na hindi mo rin kayang gawin, kaya patas lang tayo iho.
Hindi kita kinokontra at hindi ko rin hiningi sa iyo na tangapin mo ang baluktot kong prinsipyo, kaya huwag kang mainis kapag sinabi kong hindi ako naniniwala sa iyong sinabi, dahil hindi nga lahat ng sasabihin mo ay sasang-ayon ang lahat ng tao? Akala mo lang tama ka, pero ang totoo mali ka at katulad mo akala ko lang din tama ako pero mali rin pala ako.
Matuto po sanang tayong tangapin na nagkakamali rin tayo ng pagkakaunawa sa isang bagay.
“Remember you’re entitled to your own opinion” (Naks!!!)
wala lang... may mai-post lang...
~~The End~~
speechless....ah ok....sumasang-ayon sayo! LOL
ReplyDeletenyahahaha..natawa ako kay iyakhin. hhahaha..feeling ko tuloy may kaaway ka.. hahaha sorry na kuya al.. haha
ReplyDeletealam mo, mali ka...LOL
ReplyDelete@Iya_khin: ako rin... speechless din ako... eheheh...
ReplyDelete@Kamila: wala akong kaaway... trip ko lang yan... nagusap lang kami ni NELO athur ng paralibot.blogspot.com...
@Akoni: ehehehe... uu naman... eheheh
sumasang-ayon din ako..
ReplyDeletethat's life's oxymoron..hehe..
ReplyDelete“Remember you’re entitled to your own opinion” (Naks!!!)- usong uso tong line na to ngayon sa korte...
apir!
tama......hindi maganda kung puro na lang sang ayon sa lahat..kagaya sa politics..may oposisyon at administrasyon..hehe..kasi kung walang kokontra ay puwedeng samantalahin ang paggawa..kasi walang umaangal..
ReplyDelete@Mommy: thanks sa pag sangayon... kahit na alam kong mali ako... eheheh..
ReplyDelete@Kristia: talaga... uso po yan sa korte? eheheh... di ko alam yun?
@Arvin: tama ... i like what you said...
im second d motion :)
ReplyDeletehahaha!...
ReplyDeletetama tama!!!!
ReplyDeleteaba credits naman!
ReplyDelete