Pasensya na kung masyado na akong huli sa paggawa ng review tungkol sa pelikulang ito, kasi huli na rin ng mapanood ko ito, ang totoo niyan nitong Enero ko lang napanood ang pelikula, at hindi naman talaga ito review kundi isang kalokohang blog entry ko lang, wala akong magawa noon, walang kachat at nagsasawa narin sa FB, kaya pinanood ko ang Toy Story 3, matagal ko nang gustong panoorin ito kaso parating walang pagkakataon, nang ipalabas siya sa Pinas paalis naman ako papuntang Saudi, pagdating ko naman dito, napanood na ng lahat ng mga naging kasama ko, kaya nawalan na rin ako ng gana.
Excited din akong mapanood ito, dahil pareho kong napanood ang dalawang nauna nang pelikula tungkol dito, ang Toy Story 1 & 2, parehong maganda at parehong masasabi kong pambata ang kwento, but on their third installation of the movies (weee... Englsih yun kung di niyo napansin), meron silang ibang putaheng inihanda, nag-enjoy ako ng husto kasi talagang nakakatuwa ang pelikula pero paksyet naiyak ako sa huling parte ng pelikula, drama kasi ang ending ng pucha, hindi ko namalayang tumulo na pala ang mga luha ko sa aking mga mata, marahil mababaw lang talaga ang mga luha ko’t kaligayahan, kasing babaw ng aking pagkatao.
Syet di nila dapat makita, patayin ko kaya ang ilaw? Tingin mo mapapasin pa kaya nila?
Simple lang ang kwento ng Toy Story 3, nagbibinata na si Andy ang nagmamay-ari kena Woody at Buzz Lightyear at iba pang mga laruan, at kasama sa pagbibinata ay ang pagpasok sa kolehiyo at bilang college student, kailangan na niyang itago o ipamigay ang kanyang mga laruan dahil hindi na bagay sa kanya ang maglaro pa ng mga ganito at dito maguumpisa ang takbo ng kwento ng pelikula.
Bilang isang tao pinagdaanan ko rin ang pagiging bata, at tulad ni Andy, nagkaroon din tayo ng paborito nating laruan, ako paborito ko ang Barbie Doll ng ate ko kasi meron akong miniature ni Conan at Hi-Man, eheheh, alam mo na siguro kung ano ang mangyayari, magkaribal ang dalawa sa puso ni Barbie Doll at dudukutin ni Conan si Barbie at si Hi-Man naman bilang masugid na manliligaw niya, sasagipin si Barbie sa kamay ni Conan. Eheheh, Joke lang po, wala po kaming ganung laruan, gusto ko lang pahabain ang blog entry na ito, mga simpleng laruan lang ang meron kami, yung mga karaniwang mabibili mo sa bangketa.
Habang pinapanood ko ang pelikula, naisip ko kung may buhay lang ang mga laruan tulad ng sa pelikula, marahil marami ng laruan ang umiyak dahil sa iniwan na sila o pinabayaan na ng kanilang mga owner, tulad ni Pleng-Pleng at Jolina ang favorite stuff toys ng pamangkin ko, simula ng pupasok na ito sa elementary, pinabayaan na niya ang kanyang mahal na si Pleng-Pleng at Jolina hangang sa ipamigay na ng kanyang Mommy ang mga ito sa ibang bata.
Ganun din ang ginawa ni Andy sa huli, imbes na itago niya ang kanyang laruan, naisip niyang ipamigay na lang ang mga ito kaysa masira sa taas ng kanilang attic, sa huli naging masaya rin ang mga laruan dahil nagkaroon na sila ng bagong owner at yun ay ang cute at shy type na si Bonnie….
Maraming salamat sa pagbabasa at sana isang araw makapaglaro ulit tayo tulad noong mga bata pa tayo.
-------------------------------------------------
0 According to them:
Post a Comment