Thursday, February 17, 2011

ALL STAR



Uu ganyan talaga! dapat idisplay , mayabang kasi eh, antipatiko nga di ba, pero watch kaaaaa!!!, alam mo bang halos walong oras din kami naglibot pati ng kasama ko makabili lang ako ng sapatos, pihikan kasi eh, ehehehe parang babae! Pasensya na po. Alam mo rin bang nakailang sukat din ako at palit ng brand ng sapatos bago ako nakabili? Hindi ko talaga alam kung bakit pagdating sa sapatos talagang nahihirapan akong magdesisyon kung ano ang bibilhin ko, hindi naman ako mahilig sa branded pero ewan ko ba kung bakit ako nahirapang maghanap ng babagay sa akin, buti na lang mabait si Ryan sinamahan niya ako sa paghahanap ng sapatos, kaya naman ng makabili ako nilibre ko sya ng isang shawarma at isang pepsi (Uyyy  nagdate)

Nyehehehehe!!!




Old school man daw maituturing, para sa mga rockista astig parin, yan ang “ALL STAR CONVERSE” laging maasahan, hindi ko na alam kung kelan ako huling nagsuot ko ng ganito, nasa kolehiyo pa ata ako noon, pero simula ng makapagtapos ako sa pagaaral, hindi na ako nakapagsuot niyan, kaya ng makita kong may binebentang ganyang sapatos sa isa sa mga shop dito, hindi na ako nagdalawang isip pa nagtatlong isip lang, ito na agad ang binili ko and take note  for the record (ang taray English!!1) may libreng  havaianas sleepers pa yan (owss di nga) tapos natawa pa ako kasi ang salesman nila ay isang Bengalese National na marunong magtagalog, parang hindi nga ako sanay, pero ok lang, kahit papano naiintidihan ko naman ang kayang pagsasalita.





Hindi na daw bagay sa akin ang magsuot ng ganitong sapatos, pakI ko, wala namang rules na nagbabawal na magsuot ng di na bagay sa iyo di ba? saka kahit nang magpakasal sina Kristine Hermosa at Oyo Boy Sotto naka ALL STAR CONVERSE sila di ba! ( hmmp! So feeling mo si Kristine Hermosa ka, heller), di ba mas hindi bagay suotin ang ganito sa kasal? Pero di na nila inisip yun, kasi nga yun ang gusto nila, walang basagan nga ng trip di ba? (TAMAAAAA)!!!! Saka if being true is a crime then I’m guilty! (naks... English 101 ba to?) Kasi aaminin ko, matagal ko na ring gustong bumili ng ganitong sapatos, pero di natutuloy-tuloy dahil sa mga nagliparang pahulugang sapatos galing Marikina, ehehhehe, ayun naman pala eh….

So feeling ko tuloy ng makapagsuot ako ng ganitong sapatos, isa na akong "CERTI" na punkista… neyeyehehehhe…. (Give it to me baby, Ahuh! Ahuh!.. Give it to me baby, Ahuh! Ahuh!.. And all the girlies say, I'm pretty fly for a white guy) pero hindi, hindi, hindi ako punkist, kelan man hindi ako naging punkist, Oo! Masarap pakingan ang kanilang kanta, pero hangang doon na lang yun, hindi ko na sinubukang sundan ang kanilang mga yapak, tama na sa akin ang maging isang Majikero. Ehehehhehe.

Well ito na lang muna sa araw na ito, kasi nagyayaya na ang mga kasama kong manood ng DALAW starring Miss Kriss Aquino.


The End~~~



8 comments:

  1. Tama lang na habang bata ka pa ay ma enjoy mo ang luho mo sa katawan. basta tiyakin mo lang na kaya ng bulsa mo hehehe... madami kasi dyan ang puro porma eh wala naman laman ang bulsa. Pero sa tingin ko can afford ka naman kaya go lang tomadachi. Im happy at meron ka nang bagong shoes, sa wakas makakapagpahinga narin ung luma mong shoes na panahon pa yata ni Jun Aristorenas hehehe. Keep it up bro.

    ReplyDelete
  2. Ahahah... Uu maraming laman ang bulsa ko... USB, MP3, baraha at coins... ehehheh.. Uu tama ka.. basta ba may naitatabi ka at huwag bilhin ang hindi na kaya ng ulsa.. yun bang mangutang na o magtiis ng pagkain... eheheh...

    wala na.. papagpahingahin ko na ang luma kong sapatos..

    ReplyDelete
  3. naks ah, tingnan mo naman ang nagagawa ng converse napakanta c musingan, hehe! tama walang basagan ng trip, kong saan tayo masaya go lang ng go, bsta wala tayong natatapakang tao.. i super love the wedding of oyo and tintin bcuz of d shoes.. hahaha! joke.. good day sau jan.

    ReplyDelete
  4. parekoy, yan ang fav ko sapatos, ung converse ko na black ang kulay na ganyan din.. mag two years na sa akin.. hanggang ngayon sapatos pa rin hehehe...

    Old school no.. pero rock..

    ay sya sige na nood na ng dalaw.. :)

    ReplyDelete
  5. wow! bago! paapak nga! binyagan na yan!
    astig talaga yang CONVERSE


    hmm.. yung akin naman kulay Red na chucks highcut pa! binili ko nung college ako tumagal naman sya ng 5 years sakin, ginamit ko sya hanggat hindi hindi putol ang swelas..hehe -SULIT-

    ginamit ko syang Pang NSTP,P.E, pang simba pang date all in One dba?!! hehe

    Plano ko ulit bumili nyan pag nakaluwag-luwag
    hehe...

    Oo nga pala, muntik akong mag nose bleed sa English mo.. hehe

    ReplyDelete
  6. pagkakita ko pa lang sa shoes..naisip ko na nga ang kasal ni kristin at oyo.. lol..naisip ko..magpapaa na nga lang ako sa kasal ko maiba lang.. lol..

    gusto ko din ang converse..kahit medjo nalalaos na kase madame ng brand ng sapatos ang naglalabasan..pero hindi rin naman talaga ako mahilig magsapatos... at di rin mahilig sa branded..

    ReplyDelete
  7. naaliw ako mag basa ng post mo ah? ako din matagal pumili ng shoes. kaya niintindihan kita. hehe.. kahit lalaki ka pa. ika nga nila good shoes will take you good places kaya dapat komportable. keep the humor on your posts man.It's really fun to read.. :)

    ReplyDelete
  8. Mommy: ako rin... I super love there wedding... kaso preview lang napanod ko... eheheh...

    @Parekoy: red din ang luma kong convrse... tatlong taon ang tinagal niya... eheheh..

    @Kristia: eheheh... same here... ginamit ko rin sa P.E. namin, Intramural namin, pangakyat sa bakod namin kapag gabi na ako nauwi at nasasarahan ng gate... ehehehe... at higit sa lahat... pang date.. nyehehehe..

    @Kamil: ako naman ng makita ko ang wedding nila.. mas lalo akong nagkagustong bumili ulit... ehehehe..

    @Mayen: yeah.. I believe in you.. tama.. dpat comfortable ka sa isusuot... eheheh..

    and to all.. thanks sa pagbabasa ng post ko... eheheh...

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...