Nagmumurang Kamatis (Ni. AL-Diwallay)
Birthday ng kasama ko sa Villa ngayon (February 8,2011). Parehong kumpanya ang pinapasukan namin ngunit magkaiba naman kami ng departamento, nasa Headquarters siya, ako naman ay nasa Research and Technology. Parang north to south ang layo ng kinalalagyan ng gusali ng pinapasukan namin, nasurpresa nga eh.. kasi hindi naman sinabi ni Jejerome na birthday niya sa araw na ito, basta biglang tumawag nalang sa akin si Dexter at sinabing elilibre daw niya ako mamayang lunch sa cafeteria at pag-uwi namin ay bibigyan siya ng Birthday boy ng pera, parang ere-reimburse sa kanya ang ginastos namin (o ha! Meron kayo niyan?) kasi magkaiba nga kami ng building.
Hmmm, since ito ang unang beses kong gumawa ng blog tungkol sa kaarawan ng isang kaibigan, dapat maging bongga ito! Ano kaya ang pwede kong sabihin dito.
Hahahhahah!
Tawa na nga muna ako, kasi walang pumapasok sa isipan ko kundi pagmumura, kasi kinakailangan ko magmura dito sa blog na ito, para may masabi akong maganda sa kanya, kasi yun ang parang naging ugali ko sa kanila, yun ang pagkakakilala nila sa akin, yun bang parang hihingi lang ako ng tubig kinakailangan ko pang magmura upang masabi nilang normal ako at hindi ako galit at nasa mood akong makipagbiruan, “Tangina, pahingi nga ng tubig, naubusan ako eh” o kaya naman makikikopya ako ng bagong pelikula kinakailangan ko pang pakialaman ang loptop nila para lang pakopyahin nila ako.
AL: “Tae pare, pakopya nga ng pinapanood mo kagabi?”
Mike: “Alin yung si Enteng at si Agimat?”
AL: “Tado! Hindi! yung kay Maria Ozawa”. (bweheheheh!!! Porn star po yun kung di niyo siya kilala)
Pero alam ko, magmura man ako ng magmura, alam kong hindi magagalit ang mga ito, kasi alam nila na kapag nagmumura na ako, naglalabing lang ako, saka ok lang naman ahhh, sila rin nga nagmumura din.
Ryan: “Tangina ALDO pahingi nga ng kamatis”. O di ba! patas lang, siya nga pala, ALDO ang tawag nila sa akin, salamat kay Mario, siya ang nagbansag sa akin ng pangalan na yan.
Naalala ko tuloy ng minsang naging panata ko sa sarili na aagahan ko na ang pagtulog sa gabi upang hindi hustle sa pag-gising sa umaga, unang gabi ng nasabing panata lahat ay normal, natawa pa nga sila dahil maaga raw ako natulog (alas otso ng gabi), ikalawang gabi ganun parin, ikatlong gabi, marahil hindi na natiis ni Ryan at nasabi na niya sa akin na “Tangina pare! naninibago ako sa iyo, may problema ka ba?”.
Anak ng, sinasabi ko na nga ba sa inyo, kailangan kong murahin ang bawat isa sa kanila araw-araw upang makundisyon ang mga yun at hindi ako paghinalaang may problema! Hmmmp!
Anyway, back to my story!! Kakatuwa namang isipin na kahit pala ganung unpredictable ang ugali ng kasama kong si Jejerome ay may puso rin pala ang hinayupak na birthday boy na yun, labindalawa kaming pinoy na nagtatrabaho sa iisang kumpanya at lahat kami nilibre niya sa cafeteria. Pero alam mo ba kung ano ang talagang nagpasaya sa akin ngayon at nagtulak sa akin upang sumulat ng isang simpleng blog tungkol sa kaarawan niya?
Ano?
Sagot?
Tae!
Ehehehe.
Kasi kaya ko nasabing masaya ako ngayon kasi nalaman ko, si Jejerome pala ay mabait na kaibigan, alam mo bang nagkasagutan sila ni Kim, isa sa mga kasamahan namin dito, at ilang araw ring hindi na nagpapansinan, pero kanina sinabi ko kay Jejerome sa email na “Magbati na kayo, now is the best time to make yourself happy, kaw na ang magpakumbaba”, at nalaman ko na bago pa pala yun, tinawagan na niya si Kim at sasabihan sana niyang ililibre niya ito sa cafeteria, pero hindi nakasagot si Kim, may pinuntahan siguro kaya nagpadala na lang siya ng email dito, (sweet naman)… at itong si Famous Kim naman ay isang tunay na lalaki, maginoo pero medyo bakla eh este bastos eh este wala pala, ok din ang naging ugali, kasi kahit papano, ayaw niya siguro magtampo pa ang isang kaibigan na lalo na’t birthday pa niya ngayon, kaya bumaba siya upang pagbigyan ang kahilingan ng kaibigang may kaarawan ngayon at sumama salo-salo sa cafeteria kaninang lunch time.
Para sa akin, hindi mahalaga ang nilibre ka ng kasama mo, hindi mahalaga ang bigyan ka ng greetings crad na gawa sa Adobe Photoshop, hindi mahalaga ang binati ka niya ng Happy Birthday…. Ang mahalaga ay ang taus puso mong bigyan ng importansya ang kaarawan ng isang kaibigan, kaya dahil dito, isang TAAS NOONG PAGSALUDO ANG IGINAGAWAD KO SA INYONG DALAWA (KIM & JEJEROME)…
Sana po ay marami pa tayong kaarawan na pagsasaluhan.
Maraming salamat po.
0 According to them:
Post a Comment