Kung nakapunta kana ng Makati malamang narinig mo na ang Jollijeep, usong-uso kasi yan dito samot-saring ulam na abot kamay ang halaga at pang-masa talaga ang mga binibenta dito, may gulay, chicken, beef, pork, kare-kare, isda, sandwich, chippy, at kung ano-ano pa, just named it you got it, and it’s yours for a very low low prices (Ehem! English po yun kung di niyo napansin!) , nasa Zamboanga palang ako, naririnig ko na ang Jollijeep, hindi ko alam kung ano ito, basta ang pumapasok sa isipan ko ay isa itong fastfood chain na pilit gumagaya sa Jollibee, kaya naman ng makapunta ako ng Manila at mapadpad sa Makati, isa ito sa mga agad kong hinanap, sabik akong matikman ang mga pagkain dito, siguradong masarap sya, mukha kasing sikat at halos lahat ng mga kaibigan kong nakaputa dito alam kung saan-saan matatagpuan ang Jollijeep sa Makati (Ayaw ko kayang pahuli.)
Al: Boss! pwede mag tanong, saan po bang may Jollijeep dito?
Security: Dyan sa likod, may makikitang kang Jollijeep.
Ayos! nasa likod lang pala ng Burgundy Tower ang Jollijeep, “sige nga mapuntahan nga nang matikman ko naman ang putahe dito” ehehehe (tawa ng isang asong ulol), pagdating ko sa likod ng building, wala akong nakitang Jollijeep, (dismiyado ako) “Ano ba yan, gutom na ako, grrrrr!” ang tanging nakikita ko lang ay mga carenderia, “Hmmmm! Saan kaya ang Jollijeep na tinutukoy ni manong guard?”
Inis akong hinanap ito, pero gutom na ako hindi ko parin MAKITA (UU TALAGANG CAPSLOCK YAN) ang sinasabi nilang Jollijeep. Nagpasya na lang akong kumain sa isang tindahan sa di kalayuan, napansin ko kasi ang isang tindahan na pinagkakagluhan ng mga tao, para siyang isang Van na walang driver’s seat pero may gulong, parang portable carendiria, maraming taong kumakain dito, samot-sari din kasi ang mga pagkaing tinitinda nila, kaya dito na ako nagpasyang kumain, tortang talong w/ extra rice ang binili ko, may libre pang Coke Sakto, nakalagay ito sa styro. Masarap naman ang pagkain at kahit papano nabusog ako.
Halos sa loob ng dalawang buwan ganon ang ginagawa ko noong nag-aapply palang ako nang trabaho sa makati, sa ganitong lugar ako kumakain, nagliparan din kasi ang ganitong klasing carenderia sa Makati, abot kamay kasi ang paninda dito, kahit noong makapag trabaho na ako sa Makati, dito parin ako kumakain.
Fast forward.
Break time namin sa opisina, nagkukwentuhan kami nang mga ka-opisina ko, nabangit ko ang Jollijeep.
Al: Ang tagal ko na dito sa Manila, tatlong buwan na akong nagtatrabaho dito sa Makati, hanggang ngayon, di ko pa alam kung saan ang Jolijeep dito.
Officemate: Hindi ba halos araw-araw tayong kumakain sa Jollijeep?.
Al: Saang Jollijeep?
Namilog pa ang aking mga mata, gulat sa sinabi ng ka-opisina, hindi pa kaya ako nakakain sa Jollijeep, kahit minsan (sa loob-loob ko pa).
Officemate: Eh yung carenderia na kinakainan natin sa baba ng enterprise building, na parang Trak, hindi ba Jollijeep yun?
Al: Ahh! Ehehehehe! ibig kong sabihin, hindi ko pa alam kung saan-saan merong Jolljeep dito.
Hindi ko alam kung kinagat niya ang aking palusot, basta ngumiti na lang siya at nanahimik, hindi ko kasi alam na ang kinakainan naming carenderia na mukhang Van ay Jollijeep na pala, at halos limang buwan na rin pala akong kumakain dito.
Nyehehehe!!!!
Tanong?
Kung sa Makati, Jollijeep ang tawag nila dito? Ano naman ang sa Ortigas?
Sagot?
“BackDonalds…”
Kalokohan lang yun ng isang supervisor ko ng minsang makapag trabaho ako ng Call Center sa Ortigas.
BackDonals daw ang tawag nila sa mga carenderia sa likod ng St. Francis Square, astig din talaga dito dahil katulad sa Makati, abot kamay rin ang mga pagkain dito.
Sana isang araw may Happy Meal tayong pagsasaluhan sa isa sa mga Jollijeep sa Makati.
“Panlasang Pilipino at home sa Jollijeep”
~ The End ~
-----------------------------------
parekoy mukhang nag ka pareho pa tayo ng topic natin ha, hehehe, kita tayo sa jolidyip
ReplyDeleteUu nga eh... nagulat nga ako eh... ehehhe..dalawang minuto lang ang pagitan... now naniniwala na ako sa coincident... ehehhehe..
ReplyDeletehehehe, andito ako ngayon sa Qatar, iba talaga na gagawa ng Jolijip,hehehe
ReplyDeleteAhhh... malapit ka lang pala sa akin... nasa Saudi ako eh... weeee....
ReplyDeleteO.o may usapan ata kayong dalawa...haha
ReplyDeleteJollijeep, BackDonalds.. ano naman kaya ang sa KFC? hehe!
ReplyDeleteayun o.. sarap kumain sa ganyan.. :) at nagusap ang dalawang nagkapareho pa nga yata ng topic.. hehe
ReplyDeletedba me nakapaglibot ng makati..peo ill try n mkpunta.ano meron dun?hehe
ReplyDeletehaha.. jollijeep maka-ilang beses na din pinawi nila ang gutom ko nung nag-trabaho ako sa makati.. kakamiss din.. :)
ReplyDelete@Akoni: Uu... may usapan kaming magdate sa likod ng Burgundy tower... ehehhe.
ReplyDelete@Mommy-Razz: Alam mo,,., masarap talaga ang chicken ng KFC dito sa Riyadh.. as in na appriciate ko talaga,,,
@Istambay: Kulit no... nagkaparho pa kami ng topic... minuto lang ang pagitan niyan... 1 munutes and 49 seconds... ehehhe
@Emm: naku masasarap ang pagkain dyan... di ka magsisisi.. lalo na kung Jologs ka...
@Mayen: same here... for 3 years din ako nabusog dyan...
@Istambay: 2 minutes pala...
ReplyDeleteyan ang sinasabing soulmates!!! haha!
ReplyDeleteB1 at B2 anong pi.naplano nyo?
haha!!!
adik lang! ;p
Date sa Jollijeep... ehehheh... Kristia... musta...?
ReplyDeleteParang may nabasa din ako..kay Kuya Adang yata yun.. oh kung san man... na may Jollijeep nga...hahaha
ReplyDeletesana sinabi mo na lang
WATDAMADERPAKINGSYETTTTT yun pala ang JOLLIJEEP!! di ko knowing..pramising!! Hahaha
pahabol lang po. Belated Happy Valentine's day folk.
ReplyDeletefollow my blog here:
http://arandomshit.blogspot.com/
gusto kong kumain din diyan..hanapin ko iyan pag makapunta din uli ako ng makati..
ReplyDelete@Kamil: eheheh.. Uu kay Pareng Adang nga.. nagkapareho kami..
ReplyDeletemasdan mo ang time ng pag post ko at time ng post niya... 2 minutes lang ang pagitan... ehehhe..
@Denase: Mission accomplished na po.. ehehhe napalo na po kita
@Arvin: sarap dyan kumain.. ilang taon lang din ako nabusog dyan...