Tuesday, February 8, 2011

Panlasang Pilipino (Bersyon B1-N1-C1 at K1 w/extra rice)

Panlasang Pilipino (Bersyon B1-N1-C1 at K1 w/extra rice)
Ni. AL Diwallay

Matagal ko nang naririnig na sa February 06,2011 magbubukas daw ang Jollibee dito sa Riyadh, pero ayaw ko maniwala, syempre to see is to believe nga di ba? Lahat eksayted, lahat masaya, pero ako pasimple lang, simpleng tawa, simpleng ngiti, simpleng ehem lang, sa madaling salita, kunwari wala lang, kunwari normal lang, “Ano ba kayo, parang Jollibee lang” sa isip-isip ko pa. kunwari lang pala pero deep inside, puso ko’y nagpupumiglas, nagsusumamo, naghihimagsik, syet, hinahanap-hanap ko na ang Chicken Joy.

“J”  -  “J”,
“O”  -  “O”,
Double “L”    -  “L”
“I”  -  “I”
“B”  -  “B”
Double “E” its Jollibee Good

Hindi yan cords sa guitar, yan ay isa sa pinaka lumang jingle ng Jollibee sa isa  sa mga commercial nila noon, tuwing pinapalabas yan sa telebisyon at pinapatugtog sa radyo sinasabayan talaga noon ng mga bata ang jingle na yan at ako naman bilang isang batang lumaki at pinanganak sa Zambaonga, wala akong gaanong alam tungkol sa Jollibee. Pero isa lang ang sigurado ako, hangang ngayon tandang tanda ko pa ang kabuohan ng commercial na yan.

Ang hirap talagang umakyat ng ligaw,
parang gusto ko nang magtago at matunaw,
ang nanay, ang tatay, lahat ay nagbabantay,
di ko man lang mahipo ang dulo ng kamay”
“Buti na lang may JOLLIBEE

Alam ko, iilan nalang sa atin ang nakaka alala sa mga jingle na ito, marahil babaunin ko na sa pagtanda ko at paglipas ng panahon ang kantang ito, hinding-hindi ko na siguro makakalimutan yan. Bawat segment sa commercial na yan ay nasa puso at isipan ko parin, parang kahapon lang naaalala ko pa lahat liban sa kung sino ang gumanap sa commercial (Toinks!).

Hindi ako batang Jollibee, pero naging malaking parte ng nakaraan ko ang fast food na ito, taong 1995 nang magbukas ang unang Jollibee sa Zamboanga City, 4th year High School na ako noon, syempre kami namang mga magkakatropa, nagplanong pumunta dito, sabado daw, pagkatapos ng CAT namin punta kaming magkakaibigan, wala akong edeya kung magkano at ano ang o-orderin ko, basta isa lang ang alam ko, may hamburger dito.

Naging parang isang panata na saming magkakaibigan ang kumain dito tuwing sabado, naging parang isang parte na ng curriculum namin na kailangan naming kunin at ipasa, tuwing sabado pagkatapos ng CAT namin, nasa Jollibee na kami.

Dito rin ako unang nakipagdate, unang nabusted, unang napahiya sa babae at unang nahuli ng titser kong naglalakuwatsa, hindi ko sukat akalain na ang paglalakwatsa naming yun ay mauuwi sa  guidance call, isipin mo naman, sino ba naman sa inyo ang magaakala na magkikita kayo ng Adviser niyo sa restorang ito, hindi rin pala siya pumasok, sinamahan niya ang kanyang anak na may birthday party atang pinuntahan sa Jollibee, Naku naman.

Noong pumasok na ako sa kolehiyo at makilala ko si “She! who must not be named, otherwise” halos araw-araw sa ginawa ng dyos, sa Jollibee kami kumakain, parang normal date na namin yun, umabot din kami sa halos siyam na taon bilang magkasintahan bago niya naisipang hindi pala niya ako mahal at infatuation o puppy love lang pala talaga ang nararamdaman niya para sa akin! (akalain mo yun!). madalas ding pagmulan ng away namin ay kung saan kami kakain, kasi kahit papano nakakaumay narin ang Jollibee.. pero matapos ang maiksing tampuhan at di pagpapansinan, madalas sa Jollibee parin ang bagsak namin.

Noong makapag trabaho ako sa Manila simula 2006 hangang sa ako’y nagmaktol at pumunta na ng Riyadh noong nakaraang taon, halos Jollibee ang laman ng tiyan ko araw-araw, wala kasi akong bahay sa Manila at  nangungupahan lang ako sa isa sa mga boardinghouse sa EspaƱa, kaya madalas, sa carenderia ang bagsak ko, at tuwing lunch time sa Jollibee naman.

Halos isang taon na akong nawala sa Pinas at halos isang taon ko na rin hinahanap hanap ang tunay na  Panlasang Pilipino, pero ngayon, di na… kasi May Jollibee na Kami, Jollibee Hong-Kong eh este Riyadh.

Marami pa akong alam na jingle ng Jollibee pero para sa akin wala ng tatalo pa sa:

“Isang tulog nalang, Jollibee na naman
Ang araw ay lulubog bukas mabubusog,
Sa Chciken Joy manok, At yamburger bilog.
I love you sabado, pati buong lingo
Hintay ka lang Jollibee andyan na ako,
Panlasang Pilipino, at home sa Jollibee”

O! Ha! Astig Di ba…

“Isa pa, isa pa, isa pang Chicken Joy”



--------------> This segment is brought to you by McDonalds.... Teng! Teng! Te DEENG<-------------------

0 According to them:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...