Kahapon, habang papauwi kami sakay ng pick-up na siyang sundo namin, muntik na kaming maaksidente, thanks to GOD ALLAH nothing bad happened to us, it was about 4:15 in the afternoon, we are on our way home, I was listening to music through my MP3 and Dexter one of my colleague is resting beside me while his eyes were closed, I was about to close my eyes and relax to the music of Gorillas “Clint Eastwood” when our Nepalese driver loses the control of the service. (Packing Tape talaga nosebleed ako doon, English kasi, wrong grammar pa) ehehehe, toksyet kasi ang driver namin hindi pinapacheck ang sasakyan, ayun nawalan kami ng preno muntik na tuloy kaming maaksidente badtrip nasira ang poise ko doon.
Mabilis talaga ang pangyayari at sa sobrang bilis di ko kayang iilaborate (Joke), Mabilis ang pagpapatakbo ng mokong naming driver, dumaan kami sa pinaka paborito naming dinadaanan, ang route 66 a.k.a roller coaster ride , kasi parang alon ang daanan kaya namin tinawag na roller coaster ride, taas, baba, paikot-ikot pa (joke, wala nang paikot-ikot, taas, baba lang), minsan nageenjoy kaming dumaan dito, ang kaso kahapon, nawalan siya ng preno, as in totally nawalan talaga ng preno ang sasakyan, pero ALHAMDULLILLAH buti nalang, bago pa may masaktan may narinig na kaming sumigaw ng "CUT, Direct!! Take 2, di kasi nakasigaw si AL" (Toinks, ano to Pelikula?).
Naagapan agad ng driver namin ang insidente, nakabig niya ang manibela ng sasakyan at naitabi bago pa man may mabangga camel eh este tao pala, mabilis niyang napull-up ang hand break nito, pero kahit ganon, dumulas parin ang sasakyan, matagal ng ganyan ang sasakyan na yan, yun bang hindi masyadong kumakapit ang preno, paksyet kasi itong kumpanyang ito, ang laki-laki naman ng kita nila sa amin, pero di man lang mapaayos ng mabuti ang sasakyan namin, hayst, kainis, naiirita ako.
Isang establishment kasi ang napasukan kong kumpanya, yun bang parang manpower agency kung tawagin sa atin sa pinas, parang katulad sa mga sekyu natin dyan, ganun ang kumpanyang napasukan ko, hindi ako direct hired sa pinapasukan ko ngayon, hawak kami ng isang manpower agency dito, kakainis talaga, lagot sa akin ang rekruter na yun P.I. siya, hindi niya pinaliwanag ng maayos na ganito pala ang mapapasukan kong kumpanya dito sa Saudi. basta ang pinakita niya sa akin at pinabasa ay ang company profile ng SABIC hindi ng manpower agency. kaya naman biglang abroad ang inyong bida. yan tuloy. hmmp.
Kaya sa mga naghahangad na magabroad dyan, payo ko sa inyo, alamin niyong mabuti kung anong kumpanya ang papasukan niyo, magsaliksik kayo, kung may kamaganak kayo na nandito masmainam kung ipapacheck niyo ng mabuti ang kumpanya, para hindi kayo matulad sa akin o sa amin ng mga kasama ko, yun lang.
Kunwari nagpapayo, pero ang totoong punto ko, gusto kong ipaalam na may bago akong MP3, ehehehhe. (MP3 lang? eow... di na uso yan ngayon noy... iPhone na ngayon... ehehehhe)
I pray to GOD ALLAH na sana hindi na maulit yun.
------------------------
Thanks God you're fine, fafa!
ReplyDeleteUu nga eh... kainis yung kumpanyang itong... kagabi lang din pinaayos ang sasakyan.. saka nun muntik na kaming maaksidente...
ReplyDeleteP.I. talaga kumpanya nyo ditdit. ikaw kasi shunga shunga mag apply. ok na yan impt. is hindi sekyu ang kinalabasan mo toinks... Praise the lord at hindi kasi nadisgrasya sa sasakyan kaya ipagpatuloy mo ang pagdarasal para malayo ka sa mga ganyang crecumcision este cercumstance pala.
ReplyDeleteUu nga! buti naman buhay kpa..
ReplyDeleteat makakapagblog kpa :)