Monday, May 9, 2011

Humahataw (100 Post)

Guess what? Naka one-hundred post na ako. Yahoo... hmmm… huwag nang kumontra.. Moment ko na ito. Kaya ibigay niyo na, yahoo, ako na ang magaling, parang gustong kung tumabling at magpagulong-gulong sa red sand ng desyerto, dahil na achieved ko ang ganitong level.. naks… hindi ko sukat akalain na sa kabila ng aking kabobohan sa wikang English at Filipino ay nagawa ko pa ring magsulat ng ganito karaming blog entry… kaya masaya ako, kasi noon naaalala ko pa.. napakatamad kong magsulat pero heto ako ngayon (nagiisa, Naglalakbay sa gitna ng dilim Lagi na lang akong nadarapa Ngunit heto, bumabangon parin… Joke).. nagsusulat na… weeee… di nga…



Although literally ay 107 na ang nasulat kong blog entry, pero simula ng umpisahan kong seryosohin ang pagba-blog noong February 6,2011, eh umabot na ako sa 100 post, hindi ko na kasi binilang ang unang pitong blog entry ko eh, kasi di ko pa masyadong sineseryoso ang pagsusulat eh.

Nagsimula po talaga ako noong Septyembre 03,2009 at ang pinaka unang blog entry ko ay ang Probinsyano in the City (Kwento ni Manila Boy), isa siyang parang wild dreams at gamble, alam niyo ba na pinasa ko yan sa Visual Print? Ahahahha… kung di niyo po alam kung ano ang Visual Print eh yun po ang kumpanya na nagpublish ng Libro ni Hudas eh este Libro pala ni Bob Ong. Yahoo… ako na ang makapal, actually ang “Probinsyano in the City” po ay isang mahabang salaysayin, at hanggang ngayon nasa aking email account parin (huwag lang sanang magsara ang google dahil mawawalan po talaga ako ng soft drinks eh kopya pala!).

Oktubre 14,2009, naman eh nirepost ko ang tulang sinulat ko para sa hinayupak na yun si “She who must not be named” at ang pamagat po ng tula ay The lady and I, sinulat ko po ito noong 2006 matapos kaming magkabalikan, sinulat ko ito at pinost ko sa aking Friendter Account at pinabasa sa kaniya, dahil sa tulang ito eh maslalo kaming naging super duper sweet at malambing sa isat-isa, pero noong 2008 nagkahiwalay ulit kami at hangang ngayon ay di na kami nagkabalikan at hindi na pwedeng magkabalikan, pero kahit ganon pa man, eh pinost ko pa rin po siya ulit nang magka-blog na ako, dahil sa bigla ko lang na isipang isalin siya sa wikang tagalog at ito ang "Ako at ang binibini", kaya dalawa po ang post ko sa araw na ito, minutes lang ata ang pagitan nilang dalawa eh.

Pebrero 14 naman noong 2010 eh muli akong nagpost ng entry ang Probinsyano in the City (Ang kwento ni Manila Boy), ikalawang yugto daw ito ng nauna ko nang post. Ehehhehe. At dito rin sa panahong ito eh nagreply na sa email ko ang taga Visual Print, at sinabi nilang kulang pa daw ang aking kaalaman sa pagsusulat, kaya dapat daw eh pag-igihan ko ang pagsusulat at pagbabasa at binigyan nila ako ng mga keys kung ano ang hinahanap nila at kung papano ko mapapaganda ang pagsusulat ko. Natural lang na payo ang binigay nila at lahat tayo ay magagawa natin yun, pero alam ko na hindi natin naisip na iyon pala ang pinaka point key para maging magaling kang manunulat, at yun ang wala ako at nahihirapan akong e-apply sa sarili ko, dahil wala pa akong diterminasyon noon (kahit ngayon wala pa rin! hehehehe).

Pebrero 21, 2010 naman ay nire-post ko naman ang tulang ginawa ng isang matalik na kaibagang si Tol, Para kay Tol ang pamagat ng tulang sinulat niya, nakakatuwa at nakakamangha ang pag-gawa niya, di ko naisip na makakagawa siya ng tulang ganon, ito ay tungkol sa aming pagkakaibigan at kung papano kami nagkakilala… memorized ko yan… alam niyo ba? Wala akong pinalitan dyan sa tula na yan, kung papano ang pagkakasulat niya, ganun din ang nakakapost ko.

Oktubre 20 naman noong 2010, eh muli na naman akong nagpost nang panibagong yugto sa Probinsyano in the City (kwento ni Manila Boy) ikatlong yugto ito and take note hah… naka tatlong kabanata na ako eh hindi ko pa yan ine-edit, simula ng isulat ko yan, hanggang ngayon eh hindi ko pa yan ine-edit, at wala pa akong pinapalitan dyan!, kaya naman ng e-submit ko yan noon sa Visual Print eh hindi bumenta, at alam niyo ba nitong huli eh muli ko binalikang basahin ang “Probinsyano in the City” na naka save sa draft ng email ko, ayun, tawang-tawa ako, grabeh,,, ang daming mali sa pagkakasulat ko, as in, super daming mali, 10% tama at maganda ang pagkakasulat, 90% mali at magulo ang pagkakasulat ko, hahahah… pero oks lang, plano ko ngayon na ayusin sya, at ilalabas ko siya dito mismo sa blog ko, oh hah… kung di man siya naging libro eh atleast naging blog entry naman siya, konting pages lang naman ang eeditin ko, mga 18 chapter lang, nyehehehhe… plano ko pang dagdagan yun…

Desyembre 29,2010 eh humabol ako, ito ang kahulihulihang post ko para sa taong ito, sadya yan, talagang pinagisipan ko na gagawa ako ng post na ganyan, isa yang recap sa mga nangyari sa akin sa taong 2010, Thank You 2010 (Humble Life to tell) yan ang pamagat, merong nagcomment dyan, si Dyamante, nyehehehe… pero ang kagandahan dyan, eh na submit ko naman yan sa GMA Network Website at napublished naman nila.. bweeheheheh… kaya kung gusto niyo malaman kung bakit ako nasa Saudi ngayon, eh basahin niyo yang post entry na yan… pero ok lang kahit di niyo basahin yan… kasi magkukwento naman talaga ako kung bakit ako nandito sa Saudi ngayon, may be some other time.

Enero 09, 2011 naman ng taong ito eh nag post na naman ako ng entry ang Nursery Rhyme na-eripost ko ata ito noon Marso na, wala lang… favorite ko kasi yang basahin, actually katuwaan lang namin yun ng kasama ko,tapos sabi niya, e-post ko daw, kaya ayun pinost ko naman, dito sa panahong ito eh pinalitan ko na ang url address ko, mula sa iamditz.blogspot.com eh ginawa ko nang pasumangil.blogspot.com, wala lang, gusto ko lang palitan, ano ba ang magagawa mo?.

Napili ko ang pasumangil dahil napansin ko na napakarami nating pasumangil sa buhay, kesyo ganito, kesyo ganon, kaya ayun, pasumangil ang napili ko, ang ibig sabihin ng pasumangil ay Pasakalye kung sa wikang tagalog, kung sa wikang English naman ay Alibi, bisaya kasi ang salitang Pasumangil, nakuha ko ito sa isang kaibigan na ang pangalan ay Abe, palayaw yan ni Abraham Lincoln, parati niya kasi akong tinutukso na “Ang dami mong pasumangil sa buhay brad… maligo ka na” tapos madalas niyang sabihin sa akin na gumawa daw ako ng website tapos ang url add daw ay pasumangil.com tapos ilagay ko daw lahat duon ang aking mga pasumangil sa buhay, kaya ayun, naging pasumangil na siya. Nyehehehehhe.

So ayun, di ko man sinali sa bilangan ng 100 post ko ang pitong nauna nang post ko, eh binigyan ko naman sila ng pugay, at dahil dito masayang masaya ako at nalaman ko na napakarami ko palang pwedeng ikwento.

Sana marami pa tayong blog na mababasa mula sa isat-isa.




Maraming salamat po sa pagbabasa.



D”N


15 comments:

  1. congrats naka 100 posts ka na..

    ReplyDelete
  2. pastela, nawala ang comment ko ang haba-haba pa naman noon.papaano ko ito uulitin.

    anyway di ulitin na lang.

    100 acres of diamond para sayo Al. for 100 post.
    at congrats. Parang Manny Pacquiao lang ang dating.

    Naalala ko pa ang post mong yon Al kasi kung magpalit ka ng trabaho parang nagpalit lang ng underwear ganon lang kadali. Ang overseas ginagawang cubao-Recto-Marikina lang.

    halatang may pinaghuhugutan ka ng inspirasyon sa mga panahong yon kasi ang tindi ng mga sinusulat mo.
    Keep up on writing.

    ReplyDelete
  3. wow 100 post ka na. siguro eto na ang goal. Congrats Al! Ikaw na ang mahilig sumali kung saan saan. Naalala ko nag audition sa ka sa survivor and PBB. Tama ba ko? Pati pala sa libro pinatos mo. haha.. Pero that's the spirit and I like it. I'll come back to read those links. medyo busy lang now but I really want to read it. :)

    ReplyDelete
  4. @Mommy: thanks fopr dropping bye...

    @Akoni: ay tinatawagan kita kahapon sa office mo.. nanood ako ng live coverage sa pc ko dito sa office.. live streaming pala... sa fight ni manny.. basahin mo ang blog ko about sa kanya...

    @Diamond: ahahhaha... sabi ko na nga ba maaalala mo ang post link ko na yan.. eheheh... uu.. that time kasi wala ako determinations... pero now.. look at me.. eheheh... thanks for always dropping...

    @Mayen: yahoo... I was really supposed to include that... kaso binura ko.. kanina talag sinabi ko na ako na ang mahilig sa pakolo.. tapos yan ang nakalagay nag auditions na.. lahat lahat.. pero ayun.. eheheh.... sige basahin mo if my time ka... matutuwa ako...

    ReplyDelete
  5. kongratsumeleyshens!

    hihihihi

    more more more blog posts tocome!

    sulat lang ng sulat hehehe

    www.lifes-a-twitch.com

    ReplyDelete
  6. Congratulations sa 100th post!!! Yay!! Burger! Burger!! LOL

    ReplyDelete
  7. nice! gratz..ang sipag mo! gratz sa 100 posts.

    ReplyDelete
  8. wow, 100 posts, congratulations! Ito siguro yung gusto mong ma-achieve noh? hehe!

    Parang nung Sunday nagbasa ako, yung greetings mo pa para sa akin, bakit ang bilis mo mag-post...bumabawi ka sa mga araw na nawala ka noh?

    Pero seryoso Al, yung mga previous posts mo, title pa lang pamatay na, curious tuloy ako ano kaya ang laman nung "The Lady and I"..babalikan ko yang mga post na yan, matapos lang talaga mga ginagawa ko. Busy ang lola mo,.

    Sali ka ng sali sa kung anu-ano baka mamaya ma-nuno ka...hahaha, sabihan mo kasi kame para may suporta ka.

    Congrats Al, Keep blogging!

    ReplyDelete
  9. congrats! :)

    Bino

    ReplyDelete
  10. kongratsulesyens kua al..
    hehehe


    pagpatuloy mo lang hehehe...

    ReplyDelete
  11. parekoy, congrats naman...

    o matagal ka na palang writer eh.. may kwento ko na ganon kahaba? 18 chapters na? wow.. plano ko din magsulat ng kwento, ung tipong novela.. pero wala pumapasok sa isip ko hahaha...

    magandang umaga sayo parekoy. :)

    ReplyDelete
  12. ang daldal sa blog! haha congrats sa 100 posts! =) napadaan lang po salamat sa comment sa damuhan.com

    Taragis.Com

    ReplyDelete
  13. Naks Congrats sa iyong 100th Post! More post pa!!!

    ReplyDelete
  14. likas na madaldal ka nga kasi naka 100 kana! congratz sayo! hahahah

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...