Monday, May 30, 2011

Response to Abdul Hakeem's Most Interesting Blog Award

Ayan na… finally, after almost two weeks, eh napagdesisyonan ko na ring sumali sa pacontest ni Abdul Hakeem a.k.a Roy, opo!!! Talagang dapat may a.k.a. yan, kasi hindi ako sigurado sa totoo niyang pangalan, pero ang sigurado ako ay ang talagang pinag-isipan kong mabuti kung ipagpapatuloy ko ba ang pagsali sa pacontest niya o hindi, nang una ko itong mabasa ang unang naisip ko ay ang Ligaw na Damong si Bino, dati nagpacontest narin siya tulad ng ganito, sumali rin ako at hindi ako pinalad, kaya naman nawalan ako ng gana, nasaktan at nagpakalayo-layo, nagmukmuk at nagpaka-emo, naks, joke lang, ang nais ko lang naman ay ang magpangiti at sana ay napangiti ko kayo sa banat ko.



Sa buhay ko, maraming beses na akong sumali sa mga pacontest, karamihan sa paaralan namin, noong high school ako, isa sa mga di ko makakalimuatang contest na sinalihan ko ay ang “Singing Contest” weeee… joke lang po “Slogan Contest” po talaga yun, high school pa ako noon, Nutrition Month yun, Forth Year High School na ako, tulad nito, huling minuto na rin ako nagpasyang sumali, yun ay ng nahuli ng dating ang pambato namin sa contest na iyon, wala akong preparasyon, nakakuha pa ako ng 2nd placed sa patimpalak, naaalala ko pa ang slogan theme namin “Boto at Ngipin Patibayin Gatas ay Inumin” at ang drinawing ko ay isang bata na umiinom ng gatas sa tabi nito ay isang lalaking nagpapakita na malaki ang katawan niya dahil sa gatas at isang babae na nakangiti at pinapakita na maganda ang ngipin niya, parents daw niya iyun, parents daw ohh!!!!, hindi naman ako kagalingan sa pag-guguhit, avarege lang, pero sa di ko malamang dahilan, bakit 2nd placed lang ang nakuha ko? At noong tiningnan ko ang ginawa ng nakakuha ng 1st placed, nagulat ako, ang ginuhit niya ay mga prutas sa ibabaw ng lamesa, hinanap ko ang gatas pero wala akong nakita? Ano kaya yun? 

Sumali rin ako sa Webpage at Programming Competitions noong nag-aaral pa ako ng Computer Programming, naks Programming hah!!! Opo, may konti po tayong alam sa mga HTML na yan at mga Visual Fox pro na yan, weeeee,,, nanakuha po ako ng 1st placed dito, pero hindi ako satisfied sa nakuha ko, kasi una, tatlo lang kami ang sumali sa Webpage Competition na yun, “Ako” si “Bucoy” at si “She Who Must not be named” so natural, pagandahan na lang kami, dahil siguradong lahat kami ay panalo na, di ba, pagandahan na lang kami para malaman kung sino ang 1st, 2nd at 3rd sa aming tatlo, tapos pagkatapos ng competition sinabi sa akin ni “She Who must not be named” pinagbigyan lang daw niya ako, at gusto niya raw ako talaga ang manalo, ganun? Eh ako rin kaya, gusto ko rin kaya siya ang manalo, pero maspinapangit pa daw niya ang gawa niya, kaya ako ang nakakuha 1st, siya naman ang 2nd at si Bucoy naman ang 3rd. sa programming naman, hindi ako nakaabot, nagkalituhan na kasi sa oras eh, kala ko kasi 10am ang start ng competitions yun pala bago ako umuwi pinalitan nila at ginawang 8:30am. Kaya di ko nakita ang bagong time schedule. 

Sumali rin ako sa Magic Competition namin sa club namin, ang YSM (Young Society of Magicians), nakakuha ako ng 2nd placed na naman, at ayun, natatawa kaming lahat, pati ang nakakuha ng 1st place ay natatawa rin, kasi expected naming lahat kasama na ang sarili ko at yung host ay ako ang makakakuha ng 1st placed, kasi medyo variety ang ginawa kong magic, mula sa baraha, nagcoin ako at konting stage, pero aaminin ko, wala akong magandang patter sa magic ko na yun, pero maganda ang pagkakagawa ko, at yung nakakuha naman ng 1st place ay walang ginawa kundi ang magpatugtug ng nakakatakot na music background na ani mo’y entrance ni Undertaker sa WWE (a.k.a WWF), at magkwento ng magkwento ng nakakatakot, siya pa ang nakakuha ng 1st palced, kasi habang nagkukwento siya, ginawa naman niyang isang paro-paro ang isang daang piso na hawak niya at pinalutang ito at pinalipad. Pero yun lang ang ginawa niya, wala ng iba. Pero oks lang, kasi nalaman namin na masmaganda pala ang premyo ng 2nd placed kesa sa 1st placed. Oh hah.. di ba. Saka Kaibigan ko naman ang nanalo eh. 

So ayun, ito na naman ako at nakikibaka na naman ako sa patimpalak ni Abdul Hakeem a.k.a Roy na ang “Most Interesting Blog Award Contest” hmmm… sana naman makamtan ko ang 1st place para magka Dot Com na rin tulad ni Bino at ni Acre, o kung hindi man, kahit 2nd o 3rd place man lang, tapos sana convert na rin ni Roy ito sa Dot Com. Pero ang pinaka concerned ko ngayon ay sana nakahabol pa ang entry ko sa pacontest niya, kasi ngayon ko lang ding pinasa ang entry ko eh. 

So sa mga kablogs ko dyan, sa mga kaibigan at kaaway, sa mga kinaiingitan ko at naiingit sa akin, sa mga kakilala ko at hindi ko kakilala, kung halimbawa ay mapadpad kayo dito, paki boto naman po ang entry ko, paki pindot na lang po ito. and look for "Ang Dami mong Pasumangil sa Buhay: Salarin"


Maraming salamat po. 


Note: 

Curious lang po ako! ROY! If ever man mapadpad kayo dito? Do you mind? Are you a Muslim? Bakit po Abdul Hakeem ang blog url niyo? 


I respect kung ayaw niyo po sagutin. 


Lastly.... I wanna say Congratulations to all the participants...


May GOD ALLAH BLESS YOU and Your FAMILY.




4 comments:

  1. Ayon.boboto ako for you AL. gusto ko sanang sumali kaya lang na intimidate ako sa title pa lang kayo lang ang pwedeng sumali diyan.

    pero to support Abdul hakeem baka mag send din ako ng entry.

    ReplyDelete
  2. malakas ka sa akin AL kaya boboto ako for you.. sana magawa kong tama ang pagboto hehe! GOOD LUCK! sana ikaw manalo.. sana.

    ReplyDelete
  3. Yehey: salamat po ACre and Mond... salamat sa pag boto.. ehehhehe... left behind nga ako sa mga kasali eh..

    ReplyDelete
  4. oi gudluck sa inyong mga sumali :)

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...