Tuesday, May 3, 2011

Yehey....

Ok fine, ako na ang Old School, eh sa marami-rami akong naaalalang mga site lately eh, mga dati kong ginagamit na site tapos lately eh bigla kong namissed, sign of aging na daw ito, reminiscing the past, yahoo, ako na ang Wrangler, yeah.

Anyway, speaking of yahoo, for today’s post!!! locally made naman tayo, alam ba news eh este niyo, kung merong Yahoo.com ang America ay meron din tayong Yehey.com? tama, Yehey nga… alam ko konti lang ang nakakalam nito, pero sa totoo lang, kaya talaga nating makipag sabayan sa mundo eh, kung meron lang talagang suporta ang bawat isa sa atin.

Sumikat ito noong 1997, at naging tanyag sa buong Pilipinas, ito ang kauna-unahang search engine na gawang pinoy, kaya naman tunay na maipagmamalaki, may tatak ng isang tunay na Pilipino, Yehey na Yehey talaga.
Naaalala ko, parang meron din ata silang bersyon ng YMChat eh, at tinatawag nila ito TOL, parang talk online ata ang ibig sabihin niyan or tambayan online, basta masmainam siyang gamitin kesa sa YM, kasi sa YM, exclusive lang na YM Members ang makakachat mo, eh sa TOL, lahat na ata eh, pwede mong e-add ang mga kachat mo sa YM, parang AIM siya, or ehem, yung sikat para sa mga Call Center Agent ang “imo.im” yehey talaga.

Sa baba makikita niyo ang screenshot na nanakaw ko sa web.archive.org.


1997 screenshot ng Yehey.com


2000 screenshot ng Yehey.com


At meron din tayong pinoymail.com, kagaya ng yehey.com, sumikat din ito noong dekada 90’s, 1998 ata ng una itong ginawa, kaso nagsara na ata ito noong 2005, hindi ako sigurado, kasi lately ng buksan ko siya eh hindi ko na mahanap ang site, nakapag register pa naman ako dito noong 1998 sa account na “heavenlydevil”, sayang naman ang mga kaibigan ko na nakaregsiter sa email na yun, the last time kasi na ginamit ko siya was year 2000 ata…!!! yehey… naaalala ko pa.


Pinoymail screenshot 2000, sensya na po, 
eh ang screen shot niya kasi sa 1997 eh hindi nagwowork eh.

Marahil, hinding-hindi ko ito makakalimutan ang mga panahong ito, yung panahong walang-wala akong alam sa Internet at computers. Hmmm…. Mablog nga ito bukas.

Anyway.. kung gusto niyo pong makita ang dating mukha ng favorite website niyo noon ay visit niyo lang po ang web.archive.org.




Salamat sa pagbabasa.



D"N

6 comments:

  1. ano naman kaya ang purpose ng gumawa ng yehey.com?hehe

    mgandang hapon po kuya!

    ReplyDelete
  2. tagal na nito ah?.... pero ni minsan di ko sya inopen... pero alam ko un tagal na.. hehehe...

    tinry ko ngayon ung yehey.com.. wala akong napala...

    ReplyDelete
  3. natry ko ung site na un kaso ung gusto ko'ng site wala na hehehehe

    ReplyDelete
  4. hindi ako makarelate.. di ko kase alam yang yehey hahaha.. sorry naman. although nakikita ko na sya before, hindi naman ako nagkainteres na iexplore sya..

    saka 1997? hihihi pers year hayskul pa lang akechiwa nyan hihi

    www.lifes-a-twitch.com

    ReplyDelete
  5. ay, oo nga naalala ko yung yehey.com. SAbi ng teacher namin dati and search engine daw ng USA Yahoo, ang atin naman ay Yehey!

    Naalala ko din tuloy nung una pa lang tinuturo and computer. Walang mouse tapos DOS pa ang gamit saka wordperfect. ibalik na lang kaya yun!

    ReplyDelete
  6. Napuntahan ko yan di ko na maalala basta panahon pa ni kupong kupon. Para din siyang Yahoo. yon nga lang pinoy na pinoy.
    Buti naman buhay pa ito. ma try nga ngayon.

    naalala ko tuloy yong wordstar at lotus 123 noong highschool pa ako ginawa kong best friend yong teacher ko sa Basic programming ng maka stambay sa computer room.

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...