Kahit papano, nakabuti sa amin ang mawalan ng Internet, dahil sa loob ng dalawang araw na pagpapahinga eh marami kaming nagawa, maaga kaming nagising lahat sa kwarto namin, dahil napagpasyhan naming maglilinis ng kwarto, lahat ng gamit nilabas namin at pinadaanan ng tubig ang buong kwarto, nilampaso at pinunasan ng trapo, nawala ang lahat ng dumi at naging maaliwalas ang mga gamit, ang sarap pala sa mata ng ganon.
Pagkatapos naglaba ako, lahat ng maruruming gamit ko, nilabhan ko, pati na ang boxer at medyas ko na nilalagas ko lang sa isang supot pagkatapos ko gamitin, eh nilabhan ko na rin, yung kumot ko at kurtina sa kama ko, halot buong araw rin ako naglaba, at buti na lang ay meron na kaming Washing Machine ngayon, kaya wala na masyadong hastle sa paglalaba.
Noong hapon naman eh nagyaya naman silang mag-grocery sa Batha, isang sikat na pinoy market, sumama ako upang maili rin ng mga ilang sangkap at mga pagkain, kasi paubus na ang stocks ko ng mga grocery, bumili ako ng isang kilong baka at isang kilong isda, mga noodles, can goods at ilang biscuit, hindi na ako bumili ng kape, kasi nagdadala naman ako galing opis namin, hinihingi ko lang sa amin Tea boy ang lahat ng kailangan ko para makapag timpla ng kame o tea, kaya walang problema dyan.
Pag uwi namin sa bahay, eh minarinate ko ang bakang binili ko, nilagyan ng white viginagar at konting sangkap, saka tinago sa fridge namin, at yung isda namang binili ko ay nilinisan ko at biniyak sa gitna upang madaing ko bukas, mahilig din kasi akong kumain ng daing eh, kaya naman noong bumalik na ang tag-init dito eh bumibili na kami ng isda at dinadaing namin, masarap kasing kumain ng tuyo kapag sama-sama kayong magkakaibigan di ba?
isang araw ko lang yan sinalang sa araw... ayun.. natuyo agad siya...
tapos masarap pa.. kasi juicy talaga siya pagkaluto ko...
kinagabihan.. yan na ang ulam namin...
nagluto rin kami ng itlog... kaya eto.. hmmm... sarap....
So ayun, marami akong nagawa sa buhay ko sa bahay namin noong nakaraan na weekends dito sa amin, at nag higit na pinagpapasalamat ko ay sobrang gumaan ang utak ko, nakapagpahinga ng husto, maganda pala ang pinapahinga mo rin pala ang sarili mo sa nakaugalian mo na.
So ayun alang, gusto ko lang gumawa ng follow-up entry sa blog ko last Saturday.
Maraming salamat pos a pagbabasa.
D”N.
tagal ko nang di nakakakain ng daing. pero mas paborito ko ang tuyo.
ReplyDeleteCongrats tuyo expert ka na. Mag negosyo ka na. Buti ka pa at productive ang araw mo. Napansin ko lang ang kunti na naman ng tinuyo mo. sana dinamihan mo na.
ReplyDeletebigla akong nagcrave sa daing.:s
ReplyDeletecongrats sa general cleaning. i know how it feels pag magulo ang mga gamit. nakakabother. hehe. =)
gnon! naka buti sau ang pagkawala ng net niyo.. hehe! naka buti nga kasi ang sarap pinag gagawa mo..
ReplyDelete