Naranasan niyo na ba ang LSS? Alam niyo ba ang ibig sabihin nito? Actually kahapon ko lang ito pinangahasang alamin, matapos ko maranasan ito. Kelan at papano mo ito makukuha? Ito ba ay sakit? O ano?
Ang ibig pa lang sabihin ng LSS ay Last Song Syndrome, ito ay hindi sakit kundi isang minor psychological effect lamang, ito ay isang uri ng syndrome na kung saan ang pinakahulihulihang song na marinig mo o kinanta mo ay nag-iiwan siya ng bakas sa iyong utak at patuloy siyang tumatakbo sa iyong isipan.
Hindi naman sa magaling ako kumanta, mahilig lang talaga, pero di tulad ng iba, wala akong specific na gusto, lahat pinapakingan ko basta ba maganda sa tenga ko pakingan eh ok na, kahapon, habang mag-isa at taimtim na nagtatrabaho sa loob ng aking opisina eh kinakanta ko ang “Laging Leron Ka” o mas kilala sa “Leron Leron Sinta” na bersyon ni Michael V ng kanta ni Jaya “Laging Naroon Ka”. Paulit-ulit ko itong kinakanta, LSS ako mula pa kahapon ng gabi, kinakanta ko na ito, pero kahapon bago umuwi, eh napag-isipan kong gamitin ang aking mp3, matagal tagal ko na rin siyang hindi nagagamit, mga isang buwan ng mahigit.
At ayun na nga, ginamit ko na nga, at nagulat ako sa aking narinig, dahil ng buksan ko siya at pakingan ang music, eh ang unang narinig ko ay ang chorus ng Leron Leron Sinta ni Michael V. napaF**K You ako, at napanganga, dahil bago ko ilagay sa tenga ko ang head set ng aking mp3 ay kinakanta ko ang chorus nito at sakto pagkalagay ko ng head set ay ang mismong linya na ng aking kinakanta ang narinig ko, alam niyo ba yun? Nagets niyo ba ang ang ibig kong sabihin?
Halos ganito rin ang nangyari sa akin noon, kung hindi ako nagkakamali eh ate ko ata yun, nasa loob kami ngm aming kotse, kuya ko ang nagmamaneho nasa front seat kaming pareho ng ate ko at ang mga anak naman niya ang nasa likod, biglang kumanta ang Ate ko ng “I wanna know what love is I want you to show me” PAK! gulat ako, dahil yun din ang tumatakbo sa isipan ko sa mga oras na iyo ang kantang iyon at ang masaklap pa eh, may dumaang pampaseherong jeep at ang lakas lakas naman ng pagpapatogtog nila ng kanilang radyo at alam niyo ba kung ano ang pinapatugtug nila, ano pa eh di “I wanna know what love is I want you to show me”. Galing no?
Hindi lang isa o dalawang beses ko itong naranasan, kundi maraming beses na, kaya naman nagsisimula na akong maniwalang may power nga talaga ako.
Kayo share niyo naman ang LSS niyo?
na-experience ko na din yan especially yung parehas kami ng kinakanta ng kasama ko. hehe.. weird no?
ReplyDeletedami kong experience na ganyang LSS iniisip ko palang eh kinakanta na o sinasabi na ng kasama ko or ng tugtog! 2weeks na akong LSS...sana matapos na kasi kakauyam na!
ReplyDelete<3
ReplyDeletenakeksperiemce ko na din yan///
ReplyDeleteat hanggang ngayun lss pa din ako sa but if i let you go ng westlife hehehe ewan ko ba..
cge kanta lng ng kanta hehehe
ako ung kanta na "si pepito natutulog,walang kulambo, walang kumot..."hehehe...
ReplyDeletekill the westlife..BSB rules..lels
@akoni ano ba ang ibig sabihin ng lels na yan ilang araw ko nag nababasa yan pahingi.
ReplyDelete@Al di ako gaya-gaya pero nangyari na rin sa akin yan. Peks man. bakit nga kaya. LSS pala yan.
Nice yong Lels alam mo ba kung ano yan.
madalas akong malss eh pero pinakahuli eh ung bugoy drilon, kakarining ko lang sa bus. nang dahil sa pag-ibig hehehe
ReplyDeleteBino
I wanna know what love is, I want you to show me nang dahil jan kumakanta ako habang nasa work. "palakpak naman sila" first time nila ako narinig kumanta.
ReplyDeleteYun siguro ang LSS, nabasa ko lang sa post napakanta na ako! Pero madalas din mangyari sakin yun...minsan pa nga yung kantang ayaw mo dun ka ma_LSS! grrrr.!
Cute ng picture..super cutie :)
Haha madalas din ako maLSS.. Kahit naglalakad ako, nasa canteen ng school namen or nasa library hindi ko talaga mapigilan sarili ko hehe.. Pero never ko pa naexperience yung may nakaparehas ng iniisip na song, siguro wala kong powers? hahaha
ReplyDeleteAnyway I have installed a text link of your blog leading to your blog of course. If you have time you might want to check it out. http://kench-alegado.blogspot.com/2011/04/exchange-link.html
Maraming pangyayari ang ganun lalo na kung may new song at hit talaga..tulad na lang ng pagsikat ng kanta na Nobody....daming nahilig kumanta ng ganun na..nobody, nobody but you.....
ReplyDeleteako pag may fave akong kanta pini play ko ng paulit ulit hangang mag sawa ako hehe! sa ngyn wala akong maisip.. haha
ReplyDeleteAko, madalas yung kanta ni Cee-Lo.. hehe.. yung F**k you. Kasi catchy ang melody at ang beat. Minsa, yung Baby ni JB, minsan naman yung Goodnight ng Maroon5. Pero dpende na lang din kung anong kanta ang naaalala ko..
ReplyDelete