Mag Blog naman tayo ala MOK's Work... naks... Food Trip naman ngayon...
Kung nasa abroad ka ang isa sa dapat mong matutunan ay ang pagtitipid at pagluluto...
Bakit pagtitipid?
Kasi kaya ka narito sa abroad para makapag-ipon, kaya dapat magtipid ka para makaipon,
Bakit naman pagluluto, kasi wala kang ibang maaasahan kundi ang sarili mo.
Kung marunong kang magluto, tiyak na kahit nagtitipid ka eh mapapasarap mo ang ulam mo. halimbawa na lang noong isang araw, wala kaming ibang maluto kundi sardinas, kasi ubus na ang stocks naming grocery, kaya napilitan kaming mag-eksperimento. naks...
Isa ito sa mga nakaugalian ko na noon lutuin, sa ate ko ako unang natutong magluto ng ganito, kaya ng makapunta ako ng abroad eh madalas ito ang niluluto ko at tinatawag ko itong Tortang Sardinas. pero this time hindi ako ang nagluto kundi ang kakwarto ko at kaibigan narin na maituturing si Nelo ng paralibot.
ito ang mga ingredients ng Tortang Sardinas:
1. Sardinas (syempre kaya nga siya tinawag na Tortang Sardinas eh)
2. Dalawang itlog (kung wala, kahit isa na lang)
3. Sibuyas (kung merong bawang ok lang din... kanya-kanyang trip yan)
4. Arina (Flour kung sa English)
5. Chilli Powder (kung wala kayo niyan.. kahit sili labuyo na lang... kung wala parin.. kahit wala na lang)
6. Syempre ang nagpapasarap sa lahat ng pagkain ang Maggi Magic Sarap.
Ito ang procedures sa pagluluto:
Una, hiwain ang sibuyas sa pagkaliit-liit
Basagin ang dalawang itlog
Batehin at ihalo sa sibuyas...
Buksan ang dalawang Sardinas
Ihiwalay ang Souce nito at ihalo ang isda sa itlog na may Sibuyas
Durugin ang isda at haluin ng mabuti
Lagyan ng Kompletong Sangkap ng Maggi Magic Sarap
Lagyan ng Flour
Lagyan ng Chilli Powder (Optional)
Haluing mabuti
Prituhin na parang torta lang o fishball.
Mga 2 minutes lang niyo lutuin sa low flame.
Tsalan..... ito na ang Final Out Come ng Tortang Sardinas ko...
Joke... Tocino po yan actually... napansin ko kasi na meron pa palang dalawang
natira sa Tocino ko kaya niluto ko na para meron akong pambaon kinabukasan...
Ito po ang tunay na out-come niya... masarap yan at masustansya...
saan ka pa? dito na sa Tortang Sardinas... oh hah!!! di ba...
Note:
Hindi rin po ako nakapag baon kinabukasan, kasi kulang pala ang kanin na naluto ko at tinatamad na ako magluto ulit, at saka pinapak ni Nilo ang Tocino ko eh... kaya wala ring natira.
hay buhay...
Sige na nga... yan na lang muna sa ngayon.
Salamat.
Oh balitaan niyo ako kung nagluto kayo niyan hah!
D"N
Hahaha tnt ako. At napromote pa ang blog ko. Hahaha mukhang foodblog ba bahay ko? Wala ko hilg sa sardinas pero mukhang masarap yang niluto mo.
ReplyDeleteay mukang masarap yan. mahilig din ako sa sardinas at hindi ko pa na try yan. matry nga minsan. thanks for this. :)
ReplyDeleteendorser ka ba ng maggie magic sarap? haha. XD
ReplyDeletenag aala moks! hehehe. parang endorser ng master sardines at magic sarap. heheheh
ReplyDeletemay ganyan pala hehehehe...
ReplyDeletemukhang yumyum nga...
edi ikaw na...ahahahaha
hahah natutuwa ako kasi gayang gaya talaga... hala par may taga hanga ka na.. hahha...
ReplyDelete