Sunday, May 8, 2011

Happy Mother's Day

Sino po sa dalawang magulang natin ang dapat nating unahin? Tanong yan ng isang lalake kay Prophet Muhammed (PBUH), sagot niya “Ang iyong Inah”, sino naman po ang ikalawa?, sagot niya ulit “Ang iyong inah”, sino naman po ang ikatlot?, “Ang iyong inah”, at sino naman po ang ikaapat, “Ang iyong amah”, tatlong beses niyang binanggit ang iyong inah bago ang iyong amah, ibig lang sabihin nun ay dapat tatlong beses mong mahalin ang iyong inah kesa sa iyong amah, dahil kahit ano pa ang mangyari, walang makakahigit sa pagmamahal ng isang inah sa kanyang anak, walang makakapantay dito, lubos na busilak at walang hinihintay na kapalit.


Happy Mother’s Day po sa aking pinakamamahal na Inah, ang inang nagluwal sa akin mahigit tatlongpung taon na ang nakakalipas, salamat sa lahat, salamat sa pagaaruga, salamat sa pagmamahal, hindi niyo man naibigay sa amin ang lahat ng ginusto namin, naibigay niyo naman lahat ng pangangailangan namin, salamat sa pagpapaaral sa akin at pagpapalaki ng tama, alam kong madalas tayong magkatampuhan at mag-away, alam kong madalas akong maging pasaway, alam kong madalas akong sumusuway sa lahat ng payo niyo, pero hindi nangangahulugugang hindi ko po kayo mahal.

Ilang beses din akong naglayas at pumunta ng Manila, upang makipagmatigasan sa inyo, ilang beses akong lumuwas ng may sama kayo ng loob sa akin, pero ilang beses niyo rin akong pinadalhan ng pangatos dahil alam niyong wala na akong pera, ilang beses niyo rin akong pinadalhan ng pambili ng plane ticket pabalik para umuwi na, ilang beses ko kayong tinalikuran, pero ilang beses mo rin akong kinupkop ulit.

Alam ko matigas ang ulo ko, at ako ang iyong mahigpit na kaaway, pero pilit mo parin akong inintindi at pinaglaban, kahit na ako ang naging dahilan para mawala ang pera mong mahigit na kalahating milyon, pilit mo parin akong minahal at di nagpakita ng katiting na galit.

Ilang beses akong nadapa, ikaw ang umakay sa akin para bumangon, naaalala ko pa noon, ayaw na ako bigyan ni Paps ng pera para pang-enroll dahil binagsak ko lang ang aking kursong Chemistry, pero ikaw ang nagbigay sa akin ng pera para makapag enroll ng ibang kurso, at dahil dyan, nainspired akong tapusin iyon.
Sa kabila ng lahat ng sama ng loob na naidulot ko sa iyo, sa kabila ng lahat ng aking kapalpakan sa buhay, sa kabila ng lahat ng mga nangyari sa akin, nandyan ka upang tulungan ako, kahit na alam kong hindi na kaya ng katawan mo dahil sa kada dalawang linggo eh naglalagy ang doktor ng dugo sa katawan mo, pinilit mo parin ang iyong sarili na lumuwas ng Manila, upang makipagkita sa akin bago ako umalis papuntang Saudi.

Maraming pagkakataon ang nawala at sinayang ko lang, pero ikaw ang nagbigay sa akin ng pag-asa, dahil sa perang binigay mo, ngayon narito na ako sa abroad, Humihingi po ako ng tawad sa lahat ng maling nagawa ko, humihingi po ako ng tawad sa iyo, isa lang ang tanging hiling ko ngayon, sana maging maayos na ang lahat sa atin, nagpapakabuti na po ako at nagpapakatino para pos a inyo, sana humaba pa ang buhay niyo ni Paps para naman kahit papano eh makabawi kaming magkakapatid sa inyo.



Maraming salamat po at Happy Mother’s Day po sa lahat ng nanay dyan.


P.S. sana di mapadpad dito ang mama ko... ehehhehe...



Salamat sa pag babasa.


D"N





4 comments:

  1. dear al, ito ang mama.. salamat sa iyo anak. napaiyak mo ko dun...

    -yan siguro ang sasabihin ni mudrakes mo kung mababasa niya toh. At sana mabasa niya to o maipabasa mo hanggang naanjan pa siya sa inyo. Basta ayun. hehe

    ReplyDelete
  2. Ganda naman. Dakila talaga ang mga nanay. Happy mother's day sa mom mo Al. :)

    ReplyDelete
  3. Jhengpot and Mayen... thanks....

    ReplyDelete
  4. at para san pa at sinulat mo kung hindi niya malalaman? hmmm...siguro payo ko sabihin mo na sa kanya ito habang kaya ka pa niya ng marinig..

    Alam mo ba Al, simula pagkabata ko lahat yata ng gusto ko sabihin sa Nanay ko nasasabi ko, Lovelife, pag-aaral, hearthaches, basta lahat ng desisyon ko kasali siya, kasi feeling ko mali ang gagawin ko pag walang blessing niya.

    Mahalaga talaga ang papel nila sa buhay natin. Show her the love she deserves while you can! GO!!!

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...