Sunday, May 8, 2011

Manny Pacquiao

Nasa Loob ako ng Taxi, may pinuntahan, hindi ko na maalala kung ano at papunta saan, basta ang naalala ko ay ang dalawang DJ na nagsasalita sa radio, may pinagtatawanan sila, isang sikat na boksingerong pinoy si Manny Pacquiao, pinagtatawanan nila ang pelikulang gagawin nito. Ang lakas daw ng loob na gumawa ng pelikula, kapal!, aba… teka.. naisip ko lang bigla, bakit nga ba nila pinagtatawanan ang taong yun? Eh buti pa nga yun, may ginagawang pelikula, kumpara sa kanila, wala! Sial ang makapal di ba!

Nasa carenderia ako at kumakain, marami ring mga tsuper ng Jeep at FX ang kumakain doon sa loob, sa di kalayuan sa Mesa ko, may tatlong tsuper na naguusap, pinaguusapan nila ang bagong commercial sa tv na napanood nila kanina habang kumakain, pinag-uusapan at pinag-tatawanan! Noon daw eh siya lang ang sikat, ngayon pati na buong pamilya niya at ang kanyang nanay na si Aleng Dionisa ay gumagawa na ng commercial sa tv, ang kakapal daw mga mukha.

Wait a minute pakeng mainit, teka muna, sino ba ang makapal ang mukha, eh buti nga nanay ni Manny Pacquiao eh may commercial Endorsement na, eh sila, wala, hanggang sa pagmamaneho lang ang kayang gawin.



Nasa MRT ako, nakaupo, sa harap ko ay mga grupo ng estudyante, naguusap, ang ingay ingay, meron silang pinagtatawan, ang interview sa isang sikat na boksingerong pinoy si Manny Pacquiao na naman, pinagtatawanan nila ang pag-eenglish nito, mali-mali daw ang grammar nito, hindi pa daw ma-pronounce ng maayos ang bawat salita, tawang-tawa ang isa habang ginagaya ang pagsasalita ng sikat ni Manny Pacquiao, halos maluha-luha sa katatawa. Agree ng agree naman ang iba sa kanya.

Pinagmamasadan ko naman sila habang naguusap, wala silang kamalay malay, sa loob-loob ko ano kaya ang tingin nila sa kanilang mga sarili, bakit nila kailangan pagtawanan ang isang tao, lalo na ang katulad ni Manny Pacquiao? Hindi ba nila alam na ang pinagtatawanan nila ay mas mayaman pa sa kanila, at lahat ng yaman niya ay pinaghirapan niya, halos mamatay na nga ang tao sa kakalaban basta lang manalo, hindi ba nila alam na ang pinagtatawanan nila ay isang tinitingala sa larangan ng boksing? Bakit kaya ganon ang tao?
2006, may bagyo, isang malakas na bagyo, pero hindi si milenyo, nauna siyang dumating sa bansa bago si milenyo, kagaya ng dati, maraming nasawi at naperwiso, habang nanonood kami ng tv sa boarding house eh pinakita naman ang interview kay Manny Pacquiao ukol sa nalalapit niyang laban na gaganapin sa taong ito, sa likod ko ay isang ka dorm-mate, nang-gagalaiti sa galit at inis, ang yabang yabang daw at ang kapal kapal ng mukha, para magpainterview, eh samantala ang dami-dami raw nating kababayan na walang makain at naperwiso sa bagyo eh hindi daw kayang tumulong nito.

Ohhh… naisip ko lang bigla, bakit kailangan niyang sabihin yun? Bakit kilala na ba niya ang tunay na pagkatao nitong si Manny Pacquiao? Bakit nakadaupang palad na ba niya ito? bakit naging magkaibigan ba sila? Mag-on? Nagkaroon ba sila ng relasyon para masabi niyang hindi daw tumutulong ito? Bakit sigurado ba siyang hindi talaga ito tumulong? At saka hindi niya resposibilidad ang Pilipinas, dahil hindi siya presidente, Boksingero lang siya na naging mambabatas. ANU VEH…. Kakawindang. Kung gusto niyang tumulong hayaan natin siya, kung ayaw niya, wala tayong magagawa, pera niya yan eh, pwede niyang gastusin yan kahit sa saan.

Bakit kaya tayo ganito, bakit hindi na lang tayo maging masaya para sa narrating ng iba, bakit parati tayong may napapansing mali sa ibang tao samantala sa sarili natin wala tayong mapuna, bakit hindi natin nakikita ang ating sarili, bakit ganun?

Hindi ko kilala si Manny Pacquiao, hindi ko pa siya nakakasalamuha, ni hindi ko pa nakikita yan ng personal, pero hindi ko rin naman kayang sabihin na wala siyang kwentang tao, dahil nga hindi ko pa siya nakikilala ng lubusan, kaya nga hindi ako nanghuhusga sa kanya, pero kahit ganon pa man, masasabi ko pa rin na isa siyang mabuting tao, base narin sa mga salaysay ng mga nakakita sa kanya at nakakakilala sa kanya, eh isa siyang mabuting tao, huwag po sana nating husgahan ang isang tao na alam naman natin na masnakakaangat pa sa atin, at kahit na tayo pa ang masnakakaangat sa kanya, wala parin po tayong karapatang husgahan ang kanyanag pagkatao.

Isipin na lang po sana natin na ang pinagtatawanan po natin ay si Manny Pacquiao, at alam naman po natin kung saan siya nanggaling at alam po rin naman natin kung nasaan na siya ngayon, at kung ano man po ang kanyang narating ngayon alam po natin na pingahirapan niya iyon, kaya masasabi ko na kahit sino kapa eh wala kang karapatan para husgahan siya, dahil mas di hamak na pogi siya kesa sa iyo.



No one other than Floyd Mayweather Jr. has ever said no to Manny Pacquiao - TIM DAHLBERG, AP




Congratulations to Congressman Manny Pacquiao for winning over Shane Mosley (with unanimous decision).




Salamat sa pagbabasa.



D"N


2 comments:

  1. ahahahha... ako na lang ang magcocomment sa post ko... ehehhe

    ReplyDelete
  2. hahaha, natawa ako! Parang nung Sunday lang nabasa ko greetings mo for me tapos ngayon, dami mo na biglang posts. Sobrang bumawi ka- hahaha!

    May mga tao talagang ganun, hindi sila masaya pag may umaangat na iba. Mga Crab yun. Mga inggitero. Inggit lang sila si Manny maraming money, pinakyaw niya lahat ng fame and money. hehehe.

    Saka anu bang pake nila kung pati si PacMom sikat, ngayon nga lang nag-enjoy yung tao eh, diba dati siya lang nagpalaki kila Pacman...anung pake nila..mga tao talaga pakialamero, mga walang magawa sa buhay.


    Grrrr.....inhale----exhale! :)

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...