Saturday, May 7, 2011

Movie Marathon

Wow.. For two days na nawala ako sa mata ng mga Bloggers… isa lang ang masasabi ko… wow… parang namissed niyo ako.. eh este… namissed ko pala kayo…

Nagkaroon kasi kami ng Problema sa Internet Connections namin.. Actually 5 days na yan kaming walang internet connections.. kaya lang naman ako nakaka internet last week kasi nasa office ako… pero last Thursday and Friday eh hindi ako nakapag-internet dahil sa weekends dito sa amin sa Riyadh, every Thursdays and Fridays kasi ang weekends dito eh.

Kaya naman, sa loob ng dalawang araw. Eh wala akong ginawa kundi ang manood ng Movies at maglinis ng kwarto namin.

Yes… manood ng Movies… MOVIES ahhh… kasi marami… nagumpisa ako Wednesday Night… mga classic movies muna…


Ang una kong pinanood ay ang “The Last of the Mohicans” na pinagbidahan ni Daniel Day-Lewis, pinalabas ito noong 1992. Maganda ang kwento niya at very historical and informative, una ko itong napanood sa Sinehan, noong High School pa lang ako, umiskapo pa kami noon, para lang makapanood niyan. Aaminin ko.. noong bata pa ako.. hindi ko pa iyon lubus maintindihan, nagagandahan lang talaga ako sa pelikula, kaya naman naging paborito ko ito noon. Tapos napanood ko rin ito sa Betamax ng ilang beses. Pero noong Wednesday night ko lang talaga naintindihan ang boong kwento niya.

“Legend of the fall (1994)” Starring Brad Pitt.

Kwento ito ng tatlong magkakapatid na lalake at isang ama, na nakatira sa isang remote area na lugar, habang pinapanood ko ito, di maalis sa isipan ko ang pelikulang Dekada ’70, kasi parang ganito rin ang kwento niya, isang pamilya na pilit na nilalabanan ang lahat at di nagpapaapekto sa nangyayari sa kapaligiran. Una ko itong napanood sa Betamax, at tulad ng una akong nabangit, hindi ko rin ito lubus maintidihan, pero pinanood ko lang din kasi nga si Brad Pitt yan.. Actually di ko naman siya masyadong kilala noon eh… napapanood ko lang… kasi idol na idol talaga siya ng ate ko.


“Top Gun (1986)” wow!!! Sino ba naman ang di nakakaalam sa Movie na ito, Top Gun, halos lahat ata ng mga batang kasabayan ko noon eh alam ang pelikulang ito, siguro nasa edad 8 or 9 na ako ng mapanood ko ito sa Betamax (hindi ako sigurado sa edad ko hah…) basta isa ito sa mga paborito kong pelikula noon at ngayon, para sa akin kasi, parang panlalake talaga ang pelikula na ito. Super like ko siya noon, pero alam mo ba na meron yang contemporary movie? Yes… meron po siyang kasabayan noon, ito po ang “Iron Eagle”.. mas gusto itong pinapanood ng kuya ko kesa sa Top Gun.


Tapos, Pinanood ko rin ulit ang “My Amnesia” na pinagbidahan ni Tony Gonzaga at John Lloyd Cruz… nyeheheheh… at tulad ng dati, tawang-tawa parin ako at kilig na kilig sa kanila… Idol na Idol ko kasi talaga si Tony Gonzaga eh, siya ang klasse ng babae na halos natural lang ang pagkakalokray niya sa pelikula, at siya ang klasse ng artista na super mapapanganga ka sa ganda at galing sa pag pag-arte.


At pagkatapos naman noon eh pinanood ko rin ang pelikula ni “Ate Sarah Geronimo at ni Kuya Gerald Anderson” ang “Catch me! I’m In-Love”  hindi ako sigurado sa title niyan… kasi nakinood lang ako sa laptop ng kasama ko…ahahha.. at tama nga si Diamond… maganda nga ang Pelikulang ito.. Super Like at super kilig din… hahahah.. hindi ko maisip na lokohin ko at asarin na parang bata lang at isang ordinaryong tao lang ang anak ng isang Presidente, tapos naku hah.. ang banat nilang dalawa eh kakawindang din.


At syempre hindi ko rin nakalimutan ang pelikulang “Hating kapatid” ni Ate Sarah at Ate Judy. Ehehhe… maganda talaga siya at sobra ko siyang nagustuhan, super mahilig kasi ako sa mga ganitong movies eh, yun bang tinatawag nilang ano nga ba yun? “Feel Good Movies” ba yun? At yung mga pelikulang patungkol sa mga pamilya. Super natatawa ako sa pagaalaga ni Rica (Ate Judy) kay Cecil (Ate Sarah), yun bang over protective siya, pero ginawa nilang comedy… eh alam naman natin si Ate Judy.. magaling din yan magpatawa at si Ate Sarah di ba… tapos isali mo pa si Vice Ganda at Gina Pareno. Naku.. wala ka na talagang sense of humor kung di ka matatawa or kung hindi eh super classy mo na talaga.


Tapos pinanood ko rin ang pelikulang “Babe I love you”.. Starring Sam Milby and Anne Curtis, ahahahha.. grabe na to… alam ko.. magtatanong kayo sa akin… Mais ka ba AL? kasi ang corny mo eh…. Super gusto ko talaga ang nanonood ng mga pinoy corny movies… kasi natatawa talaga ako at napapangiti at super kilig din ako.. nyeheheheh…. Super like ko siya.. at habang pinapanood ko ito.. eh di mawala sa isip ko si “Lala”.. remember her? yung isang babaeng bida sa post ko na “Eva paano ka ginawa” ehehehhe… tapos alam niyo ba ang ending noon eh napanood ko pa ng ginagawa pa nila ito.. nagkataon kasing nasa Recto ako noon eh. Kaya napanood ko yung shooting noon.


Hayst!!! super dami kong nakasave na movies sa External Hard Disk ko at karamihan dun eh mga paborito kong movies lahat, pinanood ko rin pala ang “The Sorcerer’s Apprentice” starring Nicholas cage… gustong gusto ko rin ang mga ganitong tema ng pelikula… actually eh lahat na lang halos eh gusto ko eh… wala akong pinapalampas.. basta ba may nakapag sabi sa akin na maganda siya, eh madali na akong macurios dyan.

At ayun.. yan nga ang pinaggagawa ko sa buhay ko nitong nakalipas na araw. Bukod dyan eh nalinis din ako ng kwarto namin, and take note… wala ako ni isang maruming damit, lahat eh malinis na, mula sa Pillow Case ko, Blanket Curtain ko, at mga damit, sapatos, eh nalabhan ko lahat. I spent almost a day to wash it, buti na lang at may washing machine na kami. Kung wala naku… ang hirap pa namang labhan ng comforter, super hirap, Di ba Diamond?.

Hayst.. ang hirap talaga ng walang internet no? nakakaboring din pala… pero ang kagandahan doon eh.. napansin ko na parang gumaan ang utak ko.. parang wala nga akong utak eh.. sa sobrang gaan… nakapag pahinga ako ng maayos. At ngayon eh nakakapag isip ako ng tama, at napakarami kong gusto isulat.
Pero sa susunod na kwento na lang. ehehehhe..



Thank you sa pagbabasa.




D”N.


5 comments:

  1. sana pala laging walang internet connection jan para mas nagiging productive ka at lagi kang naglilinis... hahah...

    ReplyDelete
  2. welcome back al. Type ko yang mag napanood mo. Ang Legend's of the fall di ko na mabilang kung ilang beses ko yan pinanood. Super crush ko kasi si Brat Pitt. Tapos dyan sa movie na yan ang fresh fresh nya pa. haha.. tulo laway ko pag pinapanood ko yan.

    Ako din puno ng movies ang computer ko. Mahilig kasi ako manood pero hindi lahat ng klase. Basta ayoko ng gore or bloody scenes tsaka horror.

    I'm glad your back!

    ReplyDelete
  3. haay kung movie nalang pag uusapan etong si lablayp panalo sa dami ng website at downloaded movies!! kaso di ko sya masabayan kc wala talaga akong hilig manood depende kung horror movie yan type ko yan! gusto ko dyan yun my amnesia girl! panalo yan! ginaya namin yan ni lablayp! hahaha

    ReplyDelete
  4. ayun naging productive ka naman pala kahit nawala sa sa sirkulasyon eh. hehehe, paglalaba ang isang bagay na hirap na hirap akong gawin...masakit sa likod..hehehe.

    yung "the last mohicans" napanood ko yan nung college ako, requirement namin sa humanities, tapos gagawan ng review pero nakalimutan ko na yung story niya. panoorin ko ulit. Yung "top gun" di ko pa napapanood.

    "Ipapapulis kita...kasi ninakaw mo ang puso ko", dahil sa my amnesia girl naging uso mga lines na ganyan. Napanood ko na rin yung "Hating Kaptid" pero yung "Catch me Im inlove, hindi ko pa nabigyan gpansin...busy me..hehe.

    I'm glad you're back!!! yahoooo!

    ReplyDelete
  5. @Leorap: Uu nga.. naging productive nga ako.. ang saya nga nila.. nagulat nga sila sa akin eh... kasi naglinis daw ako at tumulong sa pagliligpit...

    @Mayen: Weebeee.... eheheh.. im back.. ehehhe.... uu crush ko rin si Brad Pitt.. at talagang tulo laway ako sa kanya hangang ngayon... ehehehhe. joke... crush yan ni ate.. kaya kayo dalawa ang magusap dyan... sa iyo siya twing monday to wednesday kay ate naman siya thrusday to saturday,, akin naman siya Sunday,,, ehehehhe... ako mahilig din ako sa mga horror movies...

    @Iya: torrents lang ako nagddownload eh.. pero madals hinihingi ko lang sa mga kasamahan ko dito.. dami naman kasi nila collections eh... pero ako.. super like ko talaga ang mivies..

    @Sey: "alam mo... para kang tae.. hindi kita kayang paglaruan..." eheheheh ..sa banat na yan ako sobrang natatawa... "Alam mo.. ngayon lang ako na ikumpara sa tae" sabi pa ni Tony... even before ako pumunta ng riyadh last year... wala pa ang amnesia girl.. eh ginagawa na namin yan sa TCS.. yung biritan ng mga banat... naku... mahilig ka rin pala sa mga movies eahhh... magkakasundo tayop niyan.. yung ex ko... alam niya yung schedule ng ipapalabas na movie... at kapag nagtatanong yung mga kaoffice mate niya kung papanoorin ba niya ang certain movies... sasagot lang siya,,, malamang.. kasi excited si al na mapanood eh.. basta pag dating sa movies... yun bang parang "makuha ka sa tingin lang" alam na niya na manonood kami.. at kahit di ko na siya sabihan.. alam na niyang manonood kami sa firstday of showing... eheheh

    hay.. namissed ko tuloy ang manood ng sine.. wala kasi dito sa Riyadh eh...

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...