Tuesday, March 15, 2011

Eat Bulaga


Mula Aparri Hanggang Jolo
Saan ka man ay halina kayo
Isang libo't Isang tuwa
Buong bansa... Eat Bulaga

Sina Tito, Vic at Joey
Si Aiza at si Coney
Silang lahat ay nagbibigay
Ligaya sa ating buhay

Buong bansa ay nagkakaisa
Sa tuwa't saya na aming dala
Isang libo't isang tuwa
Buong bansa... Eat Bulaga!


(isa po yan sa mga unang bersyon ng kanilang theme song, sensya na hindi ako sure sa lyrics niyan)


Sinu ba sa atin ang hindi nakaka-alam ng kanta na yan, marahil masasabi kong walang pinoy na hindi nakakaalam ng kantang iyan, tuwing tanghali, pagsapit ng alas dose, parang isang Flag Ceremony na ang maririnig mo sa kabahayan ng mga Pilipinong nananghalian, parang kulang ang hapagkainan kapag di mo mapapanood ang kaguluhang hatid ng Eat Bulaga.


Ang Eat Bulaga ay maituturing nating bituin sa tanghaling tapat na ginagabayan ng tatlong hari kasama ang mga dabarkads na lalong dumadami, silang lahat ay nagibibigay ligaya sa ating buhay, ipinanganak ang All Time Favorite Noon Time Show ng Pinas noong Hulyo 30, 1979 saktong dalawamput isang araw  pagkatapos akong isilang sa mundo, kaya masasabi kong kinalakihan ko ang panonood ng Eat Bulaga.


Masasabi ko rin na magkakaisa ang buong bansa kapag sinabi kong napakarami na ng taong napasaya ng Eat Bulaga, humigit kumulang nang siyam na libong epesodes na ang kanilang naipalabas sa telebisyon, at ang mga parangal na kanilang nahakot hindi rin matatawaran, ang mga papremyo at sangkatutak na katatawanan at halakhak hindi na kayang ilista ng kamay lamang.


Noong bata pa ako, paborito ko ang pakontes nilang Gaya-Gaya Puto Maya, ito’y isang stand-up comedy na paligsahan na pakkulo ng Eat Bulaga na kung saan ang mga kalahok ay gagayahin nila ang kanilang idolo, at hinding-hindi ko makalimut-limutan ang isang episode nito na may kalahok na ginaya nila ang Eat Bulaga Host na sina Tito, Vic at Joey.


Bulagaan time, isa rin ito sa mga inaabangan ng karamihan, lalo na ang porsyon na kung saan si Aiza ay magtatanong kay Tito Sen ng kung ano-anong bagay na hindi naman masasagot ni Tito Sen, at isa sa pinakamalupit na tanong ni Aisa kay Tito Sen ay.


Aisa: “Sir! I have a question”
Tito Sen: “Ok what is your Question”
Aiza: “Anong pie ang nilalagay sa kalendaryo?” nabubulul pa si Aisa ng sabihin niya yan.
Tito Sen: “Anong pie ang nilalagay sa kalendaryo? Meron ba nun?”
Aiza: “Meron po”
Tito Sen: “Eh ano?”
Aiza: “Eh di Petsa Pei”


Lupetz no, marahil konti lang nakakaalam niyan, pero ako naaalala ko pa ang eksenang iyan, hinding hindi ko pa nakakalimutan, sariwang sariwa pa sa aking isipan. Nakatayo si Aiza sa taas ng bangko habang nagjojoke.


Sila rin ang nagpa-uso ng pinaka malupit na joke ng pinoy ang “WALA KAYO SA LOLO KO”, naks naman! Eh kung Joke Time lang naman ang paguusapan natin at blog tungkol sa Eat Bulaga naku mga MARE at PARE “Wala kayo sa lolo ko” dahil ang LOLO ko, ang pinaka malupit na sa lahat ng LOLO.


Anak ng, puro na lang Lolo nila ang magaling, pano naman ang Lolo ko. eheheheh

Inaabangan din noon ng mga tao ang pakontes nilang hango sa pelikulang pinoy na kung saan ang mga kontestan ay gagayahin nila ang ilang eksena sa pelikula. Inaabangan din ang Little Miss Philippines kung saan naging kalahok sina Camille Prats, Jessa Zaragoza, Gladys Reyes, Donna Cruz, Dindin Llarena, Francine Prieto, Dessa, Pauleen Luna, Lady Lee and Aiza Seguerra, naging kalahok naman ng That’s My Boy sina Atong Rivilla, Goyong at Tolits , at sa Mr. Pogi naman naging kalahok ang ngayong iconic idol ng bayan na si Jericho Roseles at Danilo Barrios. isa rin sa mga naging kontestan nila ang Pamoulive Commercial Model na si Miss. Alice Dixson na famous sa kanyang punchline na “I can Feel It”.


Hindi lang isa dalawa o tatlong tao ang napasikat na ng Eat Bulaga, kundi napakarami na, halos lahat ng mga naging main stay host nila ay nabiyayaan ng kasikatan, ang Eat Bulaga ay isang ng Institusyon ng Pinoy Telebisyon Show at sina Tito, Vic at Joey at isa nang Haligi ng industriya.

Hindi matatawaran ang kanila narrating.


Salamat sa kanila.


Salamat sa Eat Bulaga.




D"N


13 comments:

  1. institution na nga silang masasabi.
    ibang klase ang eat bulaga kahit saan mo itong stasyong ilagay panonourin ng tao.

    ReplyDelete
  2. aw.. eat bulaga. favorite ko dyan ang Little Miss pangarap ko dati sumali kaya lang hindi naman ako nakasali. haha.. Si atong, naging schoolmate ko pa sya, ahead sya sa akin pero di nya ako kilala..haha. tapos yung mga sis ko naging classmate pa yung mga kapatid nya. pero sandali ko lang sya naging schoolmate kasi sumisikat na sya nun, tos lumipat na ng school or nag stop, i'm not sure. wala lang naalala ko lang. ikaw kasi eh. hehe..take care al. :)

    ReplyDelete
  3. @Mond: Uu tama ka dyan... eheheh.. kahit anong station pa... talagang papanoorin sila ng tao..

    @Mayen: bakit di ka nakasali... sayang naman... sana sumali ka... ako nga rin... pangarap ko sumali rin sa little miss philippines... kaso di pala ako pwde.. kasi pang batang babae lang pala.. joke... ehehhe

    ReplyDelete
  4. Solid and dabarkads nila. Lumipat na ns Tv station sila parin magkakasama, tangay buong barkada kaya astig sila. Naaalala ko pa yung "Lotong bahay" ba yun ang dancer si Gracia, dun nagsimula ang "Sexbomb". Grade one ako naaalala ko halfday lang kami sa school. Pag-uwi ko bago siesta, noon muna. Kahit bago na ang version ng kanata nila, ganun pa rin and impact sa mga tao. Galing.

    @Mayen: Oo nga dapat sumali ka, sayang. tsk! Isa pa yun sa paborito ko. Little Miss Philippines.

    ReplyDelete
  5. @Sey: uu si gracia.. na naging blod star.. eheheh.. nalala ko pa... ako naku grabe... gaya-gaya puto maya ang favorite ko... ehehhe..

    ReplyDelete
  6. totoo lang bilib ako sa eat bulaga kase nagagawa nilang i-stable pa rin ang show nila... tapos yung abscbn papalit palit.. walang stability.. pero di na ko nanunuod ng afternoon show ngayon.. nauumay na ko sa lahat hahaha

    ReplyDelete
  7. wala silang kapantay na noon time show..mahirap pataubin..

    ReplyDelete
  8. dabarkads!!!! i love them, i love the pinoy henyo segment also!!! pang masang pinoy talaga

    ReplyDelete
  9. @Kamil: ako rin kamil... bilib ako sa kanila.. super galing nila..

    @Arvin: uu.. wa silang kapantay...

    @Iya: pinoy henyo.. masarap yan laruin.. ehehhe... nalaro ko na yan minsa sa callcenter pa ako...

    ReplyDelete
  10. madami na ring napataob na katapat na programa ang eat bulaga. walang maisip ang kalabang istasyon kung paano nila kukuhanin ang manonood sa oras ng pananghalian.

    institusyon na sa larangan ng entertainment ang eat bulaga.. iba kasi ang diskarte nila. ang pagpapatawa, on s spot.. hindi scripted, natural na natural.. un ang gusto ng mga pinoy.

    lalo nga ngayon, talamak na talamak ang pinoy henyo.. kakabilib talaga..

    saludo din ako sa eat bulaga...

    ReplyDelete
  11. Solid GMA ako hehe.. marami na ring natulungan ang Eb lalo may plastik ni juan na sila ngayon.
    kaya Saludo ako sa kanila.

    ReplyDelete
  12. I must agree with you al, tlgang wla na nga tlgang makakatalo sa tagal ng Eat Bulaga kahit saang channel mo ata sila ilagay eh patok pa din sa tao....

    btw new follower mo po ako...if you have time you can visit my blogs

    www.itsmenash.blogspot.com
    www.nashlovetonzi.blogspot.com

    ReplyDelete
  13. sorry kapamilya kami eh.. hehe! pero pag nasa bakasyon ako kapuso ako kasi kapuso weshart ko.. hahaha! pag wala ako sa mga lansangan, napapanood ko cla..:p

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...