Wednesday, March 9, 2011

Isang kwento-tatlong mukha. (El kumpletos rekados) Last Part


Comedy
Isang araw, umuwing pagoda cold wave lotion si Ton-Ton mula sa skwelahan, palibhasa Tom Jones kaya naman deretso ng kusina ang kawawang backstreet boys, naabutan niya sa kusina ang kanyang mamacitang masayahin, kumakanta ito  ng “Like a virgin, Touched for the very first time, Like a virgin, When your heart beats, Next to mine” habang naghuhugas ng pinggan “Hay naku, dumating na pala ang aking nagdadalagang binata”, mabait, masunurin at puno na kaartehan sa katawan ang batang-x na si Ton-Ton, agad siyang nagmano sa mudra niyang maganda, “Manay po mamita” wika ng ating syoklang atribida “Lumafang ka na ba, mi unica iha” tanong ng kanyang lucresia kasilag na lokaretang mamacita “dahins pa po mamita” sagot naman ni Ton-Ton,  “Tamang-tama, lafang kana dito, ayan ang ulam sa lamesita bubukish mo na lang,” agad namang binuksan ni Ton-Ton ang ulam na nakapatong sa lamesang malapit sa kanya, nakita niyang piniritong itlog ang ulam, “Ahahaayyyyyy… mamita, wagi ka na naman, pagdating sa food dressing, magaling ka talagang magchenelyn mama, talagang cookie monster” kase, ang lafang na nakahanda napara sa kana’y akala mo’y, inorder pa sa Manila Hotel, sa dami ng mga churvanes na naka lagay dito, may kamatis at sibuyas, may kalamansi nang nakahiwa, at matching sili at ketchup sa side, oh di ba bonga, kahit  washington sa that’s entertainment at purita kalaw ang family care ng lola mo, beauty rest parin sa kanya ang lahat, hindi naman naging careless whispher  sa kanya ang kanyang mga magulang, yun nga lang, talagang parating washington sila sa andalu.
Agad siyang kumuha ng plato at naglagay ng kanin dito saka lumafang, habang lumalafang nakatirik ang mga mata ni Ton-Ton at kumakanta ng “I’m not a girl ni Britney Spear”, pinagmamasdan naman siya ng kanyang mudra, napapangiti ang kanyang mamacita dahil kahit na simpleng ulam lang ay walang reklamo ang kanyang dalagitang binatilya at unica iha, bukod pa dito, masipag, mabait, magalang at higit sa lahat scholar ang kanyang anak sa skwelahang pinapasukan, yun nga lang ay naging bakla ito, “Hayst…” sabi ng kanyang mamacita, lumapit ang kanyang mudra sa kanya at hinawakan siya sa kanyang likod at saka kinausap siya “pasensya kana anak hah! Karpintero lang ang tatay at ang nanay naman isang labandera lang”, “Ok! lang po mamita, kaya nga po ako nagstudy hard ng maayos, para sa atin, masarap naman po ang piniritong egg eh,,,” sagot naman ni Ton-Ton, “Hindi naman yung piniritong egg ang pinoproblema ko eh” sagot ni mamacita “Eh ano po” nagtatakang  ask naman ni Ton-Ton “Meron ka bang lipstick, pahiram naman, at rarampa ako mamaya”, “Gusto niyo po, make up-pan po kayo” sagot ni Ton-Ton “Marunong ka ba?” tanong ni mamacita “Ako pa mamita, ako bahala sa beauty mo, Magmumukha kang kumadrona mamaya”, “Ok, cash & carry ko yan, kaya nga mahalia jackson kitang bakla ka” sabay halik ni mamacita sa nuo ni Ton-Ton, “Eow!!!! Mamita, di bagay sa iyo, tama na yang emote system na yan” “magpapa make-up ka lang, drama effect to the max kana agad dyan at saka excuse me, TIN-TIN na po ang name ko… hindi na Ton-Ton”,  tawanan ang dalawa……


HUUUWAKAS





17 comments:

  1. bat parang pereho lang ung part 1 ang 2 pati itech?!
    eniwi ang ganda ng story...nakakaantig..nakakatuwa ung mga salitang ginamit.,..ang creative!

    ReplyDelete
  2. ibang klase saan mo naman ninakaw ang kwentong ito.aber?

    tumawa lang ako tumawa. this is good pagkatapos magbasa doon sa blog ko dumiretso lang dito tapos ang problema.

    ReplyDelete
  3. @Lhuy: kaya nga ang pamagat ay isang kwento; tatlong mukha... kasi pinapakita ko na ang isang simpleng kwento ay pwde mong gawing nakakatawa, nakakapigil hininga, nakakatakot, nakakaiyak, dipende na sa kung ano ang trip mo... ehheheh..

    @Mond: ano na nangyari sa watchman mo?

    ReplyDelete
  4. Ang mga kaguluhan nila sa kanilang village dinadala dito. hayaan mo na nga sila.

    alam mo nakakabilib itong ginagawa mo sa kwentong tatlong mukha ng kwento.Ibang level ng kagalingan ito. May magic trick ba ito ituro mo nga sa akin.

    ReplyDelete
  5. Napraning ako sa mga words na ginamit mo! Hahaha! Ang cool ng mudra ni Tonton. Kung ganyan lahat ng mudra, happy lahat ng beki! diba? Apir! Galing.

    ReplyDelete
  6. Adik AL!!!!!!!!!! hahahaha pero dame kong laughtrip sayo hahahahah ahhahahaha ahhaha..panalo... kahit mahaba

    ReplyDelete
  7. hahaha parang adik lang!! natawa ako dun sa bubukish! kala ko may bukbok!!! hahahaha! jolog ka talaga,apir-apir nalang kami ni tin-tin! hmm

    ReplyDelete
  8. @Mond: eheheh... uu nga.. pabayaan na lang nagtin sila.. eheheh.. sasakit lang ulo natin... kaya nga nagboblog na lang ako..

    @Sey: nakuh... alam mo ba... research to the max ako niyan... with matching help sa consultant pa ako sa aking kasamang badap dito... eheheh..

    @Kamil: adik talaga ako... yo ma man... may five figers ka dyan.. eheheh

    @Iya: ako rin,,, kala ko kung ano na bubukish ni ton-ton... eheheh

    sa lahat APIR

    ReplyDelete
  9. nakakatuwang basahin to hehe..nice one po!

    ReplyDelete
  10. Tom Jones it means gutom, haha!

    fafa pala c ton-ton i mean tin-tin.. hehe

    ReplyDelete
  11. ayos ah. natatawa ko habang nagbabasa ng conversation nila.. ang beki language.. bakit parang sanay ka gamitin ito parekoy hahaha....

    magandang araw.. ganda ng kwento.. :)

    ReplyDelete
  12. ang cool ng mudra at ni tin tin. nakakainspire yung relationship nila. inspiring tong post na to :)

    ReplyDelete
  13. at bakit walang kaupdate-update?ako na ang demanding. so inulit ko ulit ang post mong ito doon pa lang sa unang pangungusap pa lang humagalpak na ako ng tawa. pagoda at cold wave lotion. nakuha ko yong pagoda pero cold wave lotion hindi. mamaya ulit.

    ReplyDelete
  14. ay tapos na. I'll miss ton-ton. haha..it's a comedy indeed. natawa ako ng bonggang bonga. winner ang like a virgin ni mudra at pagoda cold wave lotion ni ton-ton.. hahaha...

    ReplyDelete
  15. jusko si tonton... di ko kinaya! ahahahaha!

    magaling! magaling!

    ReplyDelete
  16. naku... di niyo lang po alam... habang tinatype ko ang article na yan... naka gurl posture po ako.. ehehhehe.... eheheh..

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...