Saturday, March 5, 2011

Isang kwento-tatlong mukha. (El Kumpletos Rekados) - Part II


Horror


Isang araw, umuwi si Ton-Ton mula sa skwelahan, palibhasa gutom kaya deretso ng kusina ang kawawang bata, naabutan niya sa kusina ang kanyang nanay na mukhang seryoso, nagtaka pa siya dahil hindi naman karaniwang ganito ang kanyang nanay, masayahin at masigla ito, pero iba ang timpla ng mukah ng nanay niya sa araw na ito, “Oh anak, dumating kana pala?” parang may bahid ng galit sa mukha ang kanyang nanay, mabait at masunuring bata si Ton-Ton, agad siyang nagmano sa nanay niyang maganda,“Mano po nay” pero, iniwas ng kanyang nanay ang kamay niya at hindi siya pinagmano, nagulat siya sa ginawa ng kanyang nanay, “Kumain kana ba?” tanong ng kanyang seryosong nanay “hindi pa po” sagot naman ni Ton-Ton,  “tamang tama, kumain kana dito, ayan ang ulam sa lamesa buksan mo na lang” marahang binuksan ni Ton-Ton ang takip ng ulam na nasa ibabaw ng lamesang malapit sa kanya, hindi niya alam kung bakit parang kinakabahan siya, parang ang bigat ng kanyang mga kamay para buksan ang takip ng kaserolang malaki na nasa lamesa, tumingin pa siya sa kanyang nanay na seryoso ring nakatingin sa kanya, may kakaibang nararamdaman si Ton-Ton sa mga titig ng kanyang nanay, “Buksan mo na” narinig niyang boses ng kanyang nanay, malamig ito at misteryoso, binuksan na niya ang kaserolang kanina pa naghihintay na may makialam, bumungad sa kanya ang katotohanan, isang ulo ng isang batang lalake ang nasa loob, ”Hindiiiiii!” alam na alam niya kung kaninong ulo ito, kilang-kilala niya, pero hindi, pano, ano ito, yan ang nasa isipan ni Ton-Ton ngayon, buhay pa siya, gising, teka nananaginip lang ata ako, pero parang totoo, litong-lito talaga siya, “ulo ko ang nasa loob ng kaserola”, “Eeehihihihihihihi” narinig niyang tawa ng kanyang nanay, tiningnan niya ito, kitang-kita niyang nagpalit ng mukha ang kanyang nanay, mula sa dating maganda, naging isang parang matandang mangkukulam ang kanyang nanay, “Eeehihihihihi” tawa ng mangkukulam, “Sino ka” tanong ni Ton-Ton, “Ako ang totoong mahal ng iyong ama, bago pa man niya nakilala ang iyong ina” sagot ng mangkukulam na namumula na ang mga mata, “Anong kailangan mo sa akin at bakit kamukha ko ang ulong nasa loob ng kaserola?” takot na tanong ni Ton-Ton, “Dahil kukunin kita, at ikaw ang magiging susi ng pag-iibigan namin ng iyong ama, mapapasaakin na siya muli” may kung parang anong bagay na kinuha ang mangkukulam mula sa loob ng kanyang mga damit, at itinapon sa kanya at sa isang iglap lang, parang nasusunog ang kanyang mga balat, “Ahhhhhhhhhhhhh, anong ginawa mo sa akin,” sigaw ni Ton-Ton, “Masakit ba? Mas masakit pa dyan ang ginawa sa akin ng iyong ama, ng tanggihan niya ang pag-ibig ko sa kanya, magbabayad ka,” sagot ng mangkukulam sa kanya, “Magbabayad ka” “Bhwahahahahaha! kaaaaaaaaaawwwccchhhhh, ahhhh, aaawwwwcccchchhhhttttt, anong giiiiinaaaaaawaaaaa mooooo.” Bigla na lang bumagsak  sa sahig ang matandang makukulam, duguan ang likod, at halos hindi na makagalaw, nakita ni Ton-Ton ang kanyang nanay, kakarating lang mula sa palengke, may hawak na kutsilyo,“Anak ko, ok ka lang” nag-aalalang tanong ng kanyang nanay sa kanya, “Ahhhhh, ang mga braso ko po, ang hapdi, parang napapaso, parang nasusunog” sagot ni Ton-Ton, ilang minuto pa ang nakalipas, nalagutan na ng hininga ang matandang makukulam, dahil sa tinamong saksak mula sa likod nito, pero bago siya tuluyang pumanaw, nagbitiw ito ng isang sumpa, “Magiging halimaw ang iyong anak, at katulad ko, kakamuhian siya ng mga tao, itataboy at papatayin” at nang marinig yun ng kanyang nanay, agad itong nagyayang magdasal silang dalawa para maalis ang sumpa, “Anak, magdasal tayo, walang hindi nakukuha sa dasal” at nagdasal nga ang dalawa, marahil dininig ng panginoon ang kanilang mga dasal, naging maaliwalas ang panahon at nanumbalik ang sigla ni Ton-Ton, nawala na rin ang hapdi sa braso niya at walang bakas na ito’y parang nasusunog o anu pa man, niyakap siya ng kanyang nanay ng makita ang nangyari sa anak at nagpasalamat sa Diyos “Salamat po, Diyos ko, samalat po” tumingin ang kanyang nanay sa kanya at ngumiti “Mahal na mahal kita anak” sabay halik ng kanyang nanay sa kanyang nuo, “Mahal din po kita inay”, sagot naman ni Ton-Ton …



itutuloy... .. .



D"N







9 comments:

  1. grabeng mangkukulam yan ang sama, dinamay pa ang bata. walang ganun. Pero nung una akala ko ulo ng kapatid niya ang nasa kaserola. Oh diba gumawa ako ng sariling kwento. hahaha.

    the best talaga ang mga nanay pag nagmahal! At wlang imposible sa pagdadasal.

    Continuation please................!

    ReplyDelete
  2. naku akala ko nananaginip di tonton.. sa unang part hindi ko aakalain ng may ganong eksena.. kung naputol ang kwento sa part na bubuksan ni tonton ang ulam, nandun ang suspense hehehe... nagulat ako sa twist ng eksena :)

    aabangan ang kasunod nito... :)

    ReplyDelete
  3. grabeeeh ang mga eksena!! very dark...at hindi nakakabitin ^_^

    ReplyDelete
  4. ay labet mangkukulam... hahahah hmmmm....ano naman pinaghugutan mo ng mga ganito AL? heheheheh :)

    ReplyDelete
  5. naku madami talagang nababaliw sa pag-ibig. galing galing mo namang story telling . ano pa kayang talento mo ang di mo pa napapakita sa amin? ilabas mo na! hehe.. nice one tol. can't wait for the next installment. :)

    ReplyDelete
  6. natakot ako sa magkukulam.. akala ko panaginip ni tonton? hehe!

    ReplyDelete
  7. mabuti dumating ang nanay ni ton ton..iyang mga mangkukulam na iyan unfair din sila......ang kaya lang nila ang kinukulam..napakadaming dapat kulamin na nasa gobyerno bakit di nila magawa..dapat magkaroon sila ng kulam kahit may ginto,hehe..

    ReplyDelete
  8. @Sey: wala talaga akong ma-say... eheheh... napakasama ng mangkukulam na yan... eheheh...

    @Parekoy: musta tayo dyan... tinatagalan mo ang tagay ahhh...

    @Riza D' Holic: huwahahahah... pinaglihi kase ako kay dark vader eh...

    @kamil: galit parin yan... eheheh...

    @Mayen: isa na ako sa nabaliw sa pagibig... eheheh... bwhehehhe... ako kaya ang mangkukulam na yan...

    @Mommy-Razz: nakakatakot po talaga ang mangkukulam na yan.. buti naisip kong patayin siya sa kwento ko... hmmp...

    @Arvin: ehehehhe.... tama no... pero masguto ko ipakulam ang mokong na yun.... si "She who must not be name..." ehehhehe.. hatred...

    ReplyDelete
  9. shuhada? horror?! i agree prayer is powerful more than anything!

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...