Mabagal ko pong sinulat ang blog entry na ito dahil baka may ilan sa atin na mabagal din magbasa, kaya para maging patas, binagalan ko na lang po.
Maraming salamat po.
Paano ba magsulat?
- Minsan tinanong ako ng kasama ko, paano ba daw magsulat?
Sinagot ko siya, una hinid ako nagsusulat, nagtatype ako! Kasi MS Word ang gamit ko eh, hindi lapis o ballpen, o di ba tama ako, pero joke ko lang po yun sa kanya.
Seryoso na.
Sa totoo lang, hindi ko alam kong paano magsulat, I don’t have any formal training in writing, nor have read any books for dummy, I just base everything through my own experiences and observation, that’s why if most of the time my entry are terrible, I don’t even know if I am making any sense because I am not that good when it come to writing (Naks! English)
- Bakit daw ang hilig hilig kong magsulat?
Wala lang, napagtripan ko lang, I first got the interest in writing sometimes 2003, I just arrived back to Zamboanga from Malaysia then, I was so bore and depress at the same time, perhaps I was looking for new staff to fill my loneliness when I came back from abroad. I was playing games on my PC when I suddenly thought of writing something, it was not really a formal journal, but I just thought of writing down everything I remember when I was still in Malaysia, so that’s it, that’s the first time I’ve wrote something about myself (Todo na to).
- Ano daw ang nakukuha ko sa pagsusulat?
Joy, maykakaibang kasiyahan akong nararamdaman tuwing nagsusulat ako, minsan para akong loko-loko na tumatawa mag-isa habang nagsusulat, napapangiti ako parati sa tuwing may naaalala akong nakakatawang eksena sa buhay ko, nagiging masaya ako kapag nakikita kong may nagcocomment sa gawa ko, maging nega man ito o posetibo walang problema, kasi ang mahalaga ay binabasa nila ang mga sulat ko.
- Ano ang mga ritwal na ginagawa mo bago magsulat.
Wala akong ritwal, nagsusulat ako kapag gusto kong magsulat, nagsusulat ako kapag kailangan kong magsulat, kadalasan umaga ako nagsusulat pagdating ko sa opis, wala pa kasi ang mga kasama ko, pagkatapos ko magsulat saka naman ako bibisita sa bahay ng mga pinapalo ko at magbabasa doon, magbibigay ng kumento para kunwari masabi nilang naiintidihan ko ang sinasabi nila (joke), tapos sa hapon o gabi ko naman pinopost ang mga sulat ko.
- Tingin mo may chance pa ako maging magaling na manunulat katulad mo?
Una, lilinawin ko, hindi ako magaling magsulat ok! Mahilig lang at nakikisabay, pero di ako magaling, ikalawa, Uu, may chance ka pang magsulat, walang age limit ito, kung gusto mo ngayon kana magsimula pwede, kung gusto mo bukas pwede, ikaw na bahala, malaki kana.
- Ano ang mga favorite topic mo?
Saan sa pagsusulat? Well ako naman, isa lang talaga ang favorite topic ko, ang JUST ABOUT ANYTHING (naks) kasi napakalawak ng topic na yan, walang specification, walang definite, kaya pupuwede mo siyang paglaruan hangang sa kung saan ang kaya mo.
matapos siyang magtanong, ngumiti na siya saka umalis, yung tipong parang walang nangyari sabay sabing “Oh! Sige.. maglalaba pa ako”
Anak nang…
Hindi biro ang pagsusulat, maging katatawanan man ang sinusulat mo, horror, aksyon o drama, hindi parin ito biro, maging trip trip lang, nakikisuso, nakikisabay o kahit ano pa man yan, hindi parin ito biro, maging simple man ito o sadyang napakaganda, maiksi man ito o sadyang napakahaba hindi parin ito biro, dahil kapag naguslat ka responsibilidad mo ang bawat letra, salita at pangungusap na sinulat mo, maging makabuluhan man ito o hindi, ikaw ang may pakana kaya ikaw ang dapat managot.
Maging maingat po sana tayo sa pagsusulat, dahil marami tayong pwede masaktan dito.
"Words, once they are printed, have a life of their own"
D”N
Sa Profession na teaching, hindi pwedeng hndi ka magsulat..kasi kailangan talaga ito. I was engaged to write when I started creating my blog. Mahirap man pero ngumingiti ka pa rin sa huli..
ReplyDeleteMagandang hapon pala.
:-)
buti na lang mabagal ka magsulat kasi mabagal ako magbasa eh.hehe.. ako din sumasaya pag nagsusulat. kahit puro sarili ko lang ang topic. Anyway, may sinulat ka dito na sobrang natawa ako. sabi mo "nakikisuso" haha..ikaw talaga al oo.. nakakaloka ka! hahaha..at marami pang hahaha..
ReplyDeleteah ganon ba.o sigi maglalaba din ako. pagkatapos ng pagpapaliwanag ganon lang.
ReplyDeleteKung may pagkakataon na may gagabay sa akin magsulat parang gusto ko itong aralin. Hanga kasi ako sa mga magagaling magsulat. Gaya gaya lang din kasi ako. para may magawa at pagkabusyhan.
buti na lang may blog.pero more on mahilig akong magbasa lang ng mga blog kahit ano ito. naliligayahan ako. wag lang yong sobrang hahaba. sumasakit ang ulo ko.
tama, you are responsible for whatever it is that comes out of your mouth. in a blogger's case, of what it is that he types and publishes.
ReplyDeleteo baket english den, dami mong english eh. :P
kung ano man ang rason ng iyong pagsusulat, as long as it makes you contented and happy, ipagpatuloy mo yan.=)
dati hindi ko alam paano magsulat, pero dahil sa kasusunod s mga blog ng anak kong c akoni, natuto yata ako hehe! dati n yan blogger sa gmn(social networking exclusively for msuans) at dahil sa inyong lahat dto, nagagawa ko ng magsulat nang may lakas na loob.. hahaha! sana marunong na nga ako.. hehe!
ReplyDeletewell said este written pala...jejeje..
ReplyDeleteI agree kua al..at dhil jan I will follow some ov ur advce here...;p
gusto ko ang quote sa huli...
ReplyDeletepwedeng gawing FB status :)
nice... words once are printed have a life of their own..parang narinig ko na pero di ko alam san.. pero oo nga di talaga biro..di rin biro mag-maintain ng blog.. at ang sakit ng ulo ko. alam kong walang konek yun dito pero sare ko na din hahaha :)
ReplyDeleteUna gusto ko yung banat na Hindi ako nagsusulat, nagta-type ako Tama nga naman. bakit hidni ko naisip agad yun. Grabe ako din yata, hindi naman ako marunong magsulat, pero pangarap ko ito. Ang sinusulat ko, bahala na din basta and alam ko nakakagaan ng feeling and pagsusulat lalo na pag badtrip ka.
ReplyDelete"Words, once they are printed, have a life of their own" naks, galing nito. Dapat talaga maging maingat sa pagsusulat dahil kapag naisulat mo wala nang bawian.
Galing, napahanga mo ako!
power of your word ika nga!! lahat pwede magsulat!
ReplyDeleteKadalasan, nagsusulat tayo base na din sa ating karansan o karanasan ng iba. Walang may kontrol sa ating mga kamay kundi ang ating isip. Ano man ang maging ng ating sinulat, aminin natin na meron tayong gusto ditong ipahiwatig sa mga magbabasa.
ReplyDeleteMay kanikanyang opinyon ang tao, maaring hindi natin sinasadya, masaktan natin ang iba o masaling nating ang damdamin ng iba sa ating mga sinulat. Ito ay base sa kanilang opinyon.
Pero, tama ka, dapat din nating isipin ang maaring maging opinyon ng iba. At handa din tayong panindigan ang ating mga sinulat lalo na kung itoy tungkol sa mga bagay na may malalim na usapin.
Magandang araw sa iyo parekoy, ako yata ay huli na.. busy kasi hehehe... :)
thanks po sa mga nagcomment.. eheheh... grabe.. hindi ako makapagcomment... super hina ng connection namin now...
ReplyDelete