Monday, March 21, 2011

Sa buhay ng isang OFW

Tahimik ang mundo ko ngayon, walang gulo, walang ingay, walang istorbo, wala rin kasi ang mga makukulit na kasama ko, dito sa opis namin, limang kwarto ang meron, opis ng manager namin, dalawang process engineer, isang safety supervisor at isang JQP specialist, huwag niyo na akong tanungin kung ano ang ibig sabihin ng JQP, dahil ilang beses ko na silang tinanong, JQP lang ang sinasagot nila (ngek), sa kabila naman nitong opisana namin ay isang malaking bulwagan kung saan naroon naman ang control room ng planta, sa harap naman ng opisina namin ay isang malaking gusali, ang Admin Building, may apat na palapag ito, dalawalang phase, phase 1 and phase 2, naks!, dito nakabase ang lahat ng transakcyon ng opisina namin.
Alas siete ymediya ng umaga ang umpisa ng trabaho dito at nagtatapos sa alas kwatro ng hapon, mula sabado hanggang miyerkules ang pasok, huwebes naman at biyernes ang pahingan, parang weekends na nila yun dito, alas onse ymediya kumakain na kami ng lunch namin, kaming mga pinoy lang ang halos nasa cafeteria nun, kasi alas dose ymediya naman kumakain ang mga ibang lahi, alam mo naman ang mga pinoy, kahit alam nang hindi pa oras ng pahinga nagpapahinga na sa cafeteria.

Tuwing papasok kami sa umaga ay hinahatid kami ng company service namin, 10 minutes ride lang naman ang layo namin, sa aming tinitirhan, pero maaga kaming umaalis kasi hindi lang kaming mga pinoy ang ihahatid ng driver, meron pang bang ibang lahi (Indiano at Nepali), sinusundo naman kami sa hapon, bago uuwi, dadaan kami ng bakala (parang Mini Mart), bibili ng kung ano-anong pwedeng papakin, kadalasan ang binibili ko ay isang uri ng tinapay na may palaman na kung tawagin naman nila’y “7 Days”, yan ang pangalan ng brand na yan, “7 Days”, tandaan niyo “7 Days”, at isang Mousey in strawberry flavor, parang isang non-alcoholic drink nila dito, at bread kung (wala na akong nakatago sa bahay) para breakfast sa umaga.
Ako at si Dexter ang nauuna sa lahat ng pinoy na dumarating sa bahay, kasi ang iba naming kasama, sa Head Quarters sila ng opisina pumapasok, sa Exit 8, kami kasing dalawa, sa Exit 18, sa planta. Kaya madalas kaming dalawa ang nauunang dumarating, may tatlong kwarto ang pinoy dito sa Villa namin, ako sa kabila at si Dexter naman sa kabila, kaya madalas pagdating sa bahay, ako ang nagsasaing para sa mga kasama ko (ok lang naman sa akin, total ricecooker lang naman eh), meron pa akong mga 45 minutes para solohin ang sarili ko sa kwarto, kaya guys alam niyo na ang madalas gawin ko kung ako na lang mag-isa “MAG-CHARGE” hahahhaha (CHARGE as in MATULOG) wala kasing isturbo eh. Pero ng magka-Laptop ako kadalasan Internet na agad ang ginagawa ko, lalo na ng maadik na ako sa Blog.
Pagdating naman ng mga kasama ko, isa-isa na kaming nagluluto ng ulam, lima kaming nasa kwarto at kanya kanya kami ng ulam, sila dahil sa magagaling silang magluto at hindi gaanong nagtitipid, eh masasarap parati ang ulam nila, ako kadalasan itlog at sardinas lang, marunong naman ako magluto, kaso lately tinatamad na ako, simula ng magkanya-kanya kami ng luto, mas maganda naman kasi ang ganon kasi hindi ka pressure sa pagluluto at paghuhugas ng pinggan, kung tinatamad ka magluto eh hwag kang kumain, kaya nga I really see to it na may palaman ako parati sa cabinet ko at mga instant noodles, para kung sakaling tamarin ako, ready to eat na ang food ko.
Hindi ako tamad pero hindi rin naman masipag, tama lang, ok lang, parang ganun lang, basta yun na yun, kasi kung para sa sarili ko lang, kahit ang maligo tinatamad ako, pero kung para sa trabaho ko, kahit may sakit ako, pumapasok ako, alam niyo yun? Kung pwede lang sana hindi na magtrabaho ang tao, yung matulog nalang at kumain ang gagawin natin, talagang…. Hayst ewan ko. Siguro masarap ang ganung buhay no? pero hindi rin, kasi iispin ko pa lang, parang wala ng kachallenge challenge, anyways to the high ways, yan na lang muna sa ngayon ang maibabahagi ko sa inyo, bukas na lang ulit, nais ko lang naman ay masilip niyo ng konti kahit sa simpleng blog lang ang mga ilang kaganapan sa buhay ng isang OFW.

Maraming salamat po.

D”N





10 comments:

  1. ako mahilig magluto..pero pagtinamad ako noodles ang bagsak! ahahah!

    kami din sa bahay kanya kanya ng luto at ang daming nakahilerang rice cooker!!

    ReplyDelete
  2. oist Al.. hahaha natuwa ako... at tama yun magkanya-kanya na lang kayo.. naranasan ko rin kase yan sa dorm.. minsan tinatamad ako.. bahala sila sa buhay nila kung gutom sila o hindi.. parang ganun din.. okay lang kase sarili mo lang naman inaabala mo kung di ka magluluto.. ayuko din ng abala ako sa iba.. nice.

    ReplyDelete
  3. naala ko yong kwento ng panganay ko, parang ganyan din, kasi sa isang company/office lang kau diba..

    nice blog..

    ReplyDelete
  4. hahaha, pareho tayo kuya, kaibahan lang dito sa amin, puro pinay, ibang flat ang indiana, sa ibang accommodation naman ang mga chinese. paborito ko din ang 7 days..hehehe.

    ReplyDelete
  5. Buhay OFW nga naman, mahirap na masaya...tama nga si mama.

    ReplyDelete
  6. ok lang yan chong isipin mong bayani ka..w aheheh

    ReplyDelete
  7. @Iya: hahah... kami lima ka nasa kwarto.. at liamng ricecooker ang meron.. ahahhah..

    @Kamil: tama ka.. walang presure di ba....

    @Mommy_razz: sino po si akoni po ba?

    @Kringles: sarap kasi ng 7 days eh.. eheheh... asan ka ba mddle east... sa riyadh po ba?

    @Akoni: tama ka dyan.. parekoy... mahirap na masaya na malungkot na nakakatuwa...

    @Kiko: ahahha.. tamaaaaa...

    ReplyDelete
  8. bakit kaya ako din tinatamad maligo pero masipag naman ako magtrabaho? Kung pwede lang talaga mag-pahinga pero mahirap naman iasa ang buhay mo sa iba diba Al? Ang boring pala ng buhay niyo jan. Bahay-work, bahay-work........buti may laptop ka!

    ReplyDelete
  9. Arviv... thanks sa pagdalaw sa blog ko....

    Hi Sey.. thanks for the comment.. yes... wawa talaga si ako dito.... eheheh.. bahay-work lang talaga.... uu mahirap talagang iasa sa iba ang buhay mo.. ehehhe... mwah... thanks...

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...