Monday, February 7, 2011

No comment

No comment
Sinulat ni AL Diwallay


January 12, 2011, Wednesday saktong 10:26 PM dito sa Riyadh, Saudi Arabia. 3:26AM naman sa Pilipinas, January 13, 2011 Thursday, nakaupo ako sa ibabaw ng aking kama at naka sandal sa pader, balot ang aking paa ng isang makapal na kumot dahil sa sobrang lamig, kakatapos ko lang manood ng Happy Feet, yung animated movie about penguin na gawa ng Warner Brothers, nang maisipan kong magsulat ng blog, pero wala akong makapang magandang paksa sa aking isipan, kaya nag login na lang ako sa aking Facebook at ang bumugad agad sa akin ay ang Status ni Trycks sa kayang Facebook account.

“Ang utak pwedeng  makalimot pero ang puso laging nakakaalala” nagandahan ako sa sinabi ni Trycks at sasabihin ko na sana na talagang may talent ang batang ito sa pagbibigay ng mga magagandang words of wisdom nang mapansin at mabasa ko ang sumunod na nakasulat sa kanyang Facebook Status.

              --  my Amnesia Girl ♥

Ayun naman pala eh, kaya naman pala maganda, sa bagong pelikula pala ni Toni Gonzaga at John Loyd Cruz niya ito nakuha ang My Amnesia Girl, kunsabagay, ako mandin ay nag enjoy ng husto sa  pelikula nang mapanood ko ito kamakailan. maganda ang pagkakagawa, magaling ang pagkakasulat at mahusay ang pagkakaderek, hmmm si Derek Cathy Molina-Garcia talaga, hanep kung gumawa ng pelikula.

Anyway so much for that, hindi yung pelikula ang gusto kong pagtuunan ng pansin, dahil hindi naman ako movie critics, ang talagang gusto kong pagtuunan ng pansin ay ang Status ni Trycks, “Ang utak daw ay pwedeng makalimot pero ang puso laging nakakaalala” habang kasalukuyan kong sinusulat ang artikulong ito, siyam na tao na ang naglikes sa status ni Trycks, wow, ibig sabihin ba noon, siyam na tao narin ang nagiging korni katulad niya o maganda lang talaga ang status ni Trycks sa kayang Facebook? hmmm ma-cross examine nga.


    
Ang utak pwedeng makalimot pero ang puso laging nakakaalala.
     
       -- my Amnesia Girl ♥

      Mark Anthony Alquiroz, Hyzel Romero Granadozin, Justin Pinon and 6 others like this.

Ang pinaka unang nagcomment sa Status niyang ito ay si Anri Ong,

Anri Ong drama mo nman.. sus! haha miss u guys!
Yesterday at 10:38am · Like

Hmm bakit kaya nasabi ito ni Anri? wala siya siguro sa Manila? Kasi kung nasa Manila ito, tiyak na nasa TSC Gathering yun pagsapit ng sabado.

Meiz Ster HARING EMOW
Yesterday at 10:38am · Like

Sabi naman ni Meiz Ster sa kayang comment kay Trycks. Natawa ako doon? Sino kaya ang parang EMO sa kanilang dalawa?
At last sumagot din si Trycks sa mga kaibigang nakapansin sa kanyang Status?

Richard Trycks Gutierrez ‎:) miss na rin namin kayo nila joelian
Yesterday at 10:38am · Like

sagot niya kay Anri so ibig sabihin, wala talaga sa Manila si Anri, hmmm! Asan kaya ang lokareta?

Richard Trycks Gutierrez EMOez ster ka hehehe
Yesterday at 10:39am · Like

sagot naman ni Trycks kay Meiz Ster, at yun na, napabulalas na ako sa tawa, kitams sabi ko naman sa inyo, sino kaya sa kanilang dalawa ang EMO, ahahahha.

Meiz Ster princess lng ako ikaw HARI
Yesterday at 10:40am · Like

At talagang ayaw patalo ni pareng Meiz Ster at ayaw ring umamin, nakilala ko si Meiz Ster January of last year sa TSC, aba January ngayon di ba?! Akalain mo, isang taon na pala kaming magkaibigan ni Meiz Ster, anak ng. Anyway, mabait naman si Meiz Ster emo nga lang talaga siya sa aking paningin, at alam niyo ba na hindi ko makakalimutan ang minsang sinabihan niya akong “AL huwag kang maging loner”  toinks, ako loner? Pano naman nangyari yun? Hindi kapani-paniwala.. At siya rin ang nagsabing “Tuwing Friday may problema si AL” hahahahah, sa tuwing naaalala ko ito, napapangiti talaga ako, kase naman, tuwing Friday nagyaya akong gumimik sa kanila at ang madalas kong sabihin sa kanila ay “may problema kase ako pare kaya gusto kong magwala”  ang hindi nila alam tuwing Friday lang ang restday ko noon sa aking trabaho. weee... di nga...

Anri Ong haha.. see you this coming sat.. :)
Yesterday at 10:40am · Like

 hmmm, wala nga ba talaga sa Manila itong si Anri o abala lang talaga ito sa ibang gawain kaya hindi na nakakadalaw sa TSC gathering.

Richard Trycks Gutierrez yun oh punta sila hehehe
Yesterday at 10:47am · Like

Mukhang masaya naman si Trycks sa sagot ni Anri. Well ako man din, Masaya rin naman ako, kase at least matatag parin ang TSC.


Ysabelle Romero bespren- pakidala po ng books. :) thank you! :D
Yesterday at 10:49am · Like · 1 person

Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy ni Ysabelle dito, pero one thing is for sure, kung hindi si Trycks ang naglike sa comment ni Ysabelle, si Ysabelle lang talaga mismo ang gumawa nito.

Sababa napansin ko ang sagot ni Anri.


Anri Ong sure bespren..! muah!! :)
Yesterday at 10:50am · Like

Ahhh! Si Anri pala ang tinutukoy niya kala ko Meiz Ster. kase kung si Meiz Ster nga ang sinabihan Ysabelle? Parang ayaw ko maniwala? Nagbabasa ba yun ng libro? Joke lang Meiz Ster baka sumbong mo ako kay Angel niyan, ehhh!!! Este kay Tong pala. Alam mo namang malakas ka sa akin eh.

Ysabelle Romero see you!! mwuah! :D
Yesterday at 11:03am · Like

Hay naku... mga tao nga naman.. makapag reply lang. Ehehehe. Joke ulit, sweet talaga si Ysabelle at Korni naman si Trycks, bagay nga silang dalawa, hindi sila halaman, hindi rin hayop, bagay sila, BAGAY...

James Paul amf! gumaganyan ka pa!
Yesterday at 5:38pm · Like

Mill Corpus magic man!
17 hours ago · Like

Skip tayo sa dalawa, kina James at Mill , hindi pa kase kami close, at hindi ko pa sila nakakadaupang palad, si James nakita ko na yan 3x sa gathering ng TSC, una noong 1998 sa Starbucks Araneta, ikalawa sa Cerca Trova and TSC Conference last April 2010, pero hindi ako sure sa exact date niya, ang ikatlo naman sa Satarbucks Araneta ulit, May na ata yun, ang alam ko sa kanya, magaling ito sa Coin Magic at mahilig sa Photography, si Mill naman, wala akong masabi, as in wala talaga akong alam tungkol sa kanya, kaya skip muna tayo sa ating dalawang bida. Hmmmp.


And lastly

Richard Trycks Gutierrez ‎@mill - boxer man hehehe
17 hours ago · Like

Yan ang reply ni Trycks kay Mill. Ehehhe. Uu nga. Parang boxer siya sa kanyang profile pics. Hip-Hop Boxer... peace bro...

Sadyang masarap mag post ng bagong status sa iyong facebook wall, lalo na kung may nagcomment dito, kase sa ganong paraan, nalalaman mo kung may nakapansin ba sa sinulat mo. Sa katulad kong malayo sa mga minamahal ko sa buhay, ang pag-login lang sa Facebook ang aking pangunahing kasangkapan upang masilip ko ang mga nangyayari sa taong malapit sa aking puso.

Ako po si AL Diwallay at ito po ang aking kwento.

You don’t get 500 million likes without getting few dislike...


Edited by musingan on 14 January 2011 at 2:04am

(Sinusulit ang pagiging makulit.)
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------
 

0 According to them:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...