Blog ang mundo (Bersyon ko to)
Ni AL Diwallay
Wednesday na.
February 9, 2011.
7:40am here in my office.
It’s too early to start with my so so so so hectic and busy schedule daw.
Though alam naman ng lahat ng mga kasama ko na wala akong ginawa sa opis ko at kahit ipagsigawan ko pa sa buong mundo na busy ako, sasabihin lang siguro sa akin ng Boss kong Arabo na “Ulol! Mukha mo… wala ka ngang ginagawa dyan buong maghapon”. Yun naman ay kung marunong siyang magtagalog. Ehehhehe.
Anyway, makagawa nga ng blog entry, hmmm! Kasi naipangako ko sa sarili ko na pagtutuunan ko na ng pansin ang pagsusulat ng mga walang kakwenta-kwentang bagay at magbasa ng mga blog entry ng mga taong sinungaling ding katulad ko at makakuha ng edeya at baluktot na prinsipyo. Nyehehehehh.
Promise seseryosohin ko na ang blog ko, ay hindi pala, maloko kasi akong tao eh, hindi ko pala seseryosohin, bababuyin ko na siya. Ehehehhe, hindi ko kasi sya masyadong ginagalaw eh.
Ok let’s do this.
I am not a newbie to blog anymore, marahil masasabi ko, simula ng sumikat ang Internet sa early 90’s kasama na ako sa pagunlad nito, nasaksihan ko ang unang bersyon ng Yahoo na noon isa pang uri ng beta web site, parang isang simpleng directory page lang siya na may search engine hangang sa inalis na nila ang kanilang yellow page at dinagdagan ng kung ano-anong feature, Ang pinaka sikat noong search engine ay ang Altavista. Nasaksihan ko rin ang pag-usad ng Chatting, mula sa ICQ, mIRC, Absolute Chat, hangang sa nagkaroon na ng YM, MSN, at ngayon Skype at FB Chat, tulad ng mga nabanggit ko, alam niyo bang malayo na rin ang napuntahan ng blogging.
Ang edeya ng blog ay hango sa diary at ito’y pinaiksing katawagan ng Web Log and later on ginawang We Blog at hangang sa naging Blog na lang. cute no? anyway ayoko na magbasa sa gugel kaya yan na lang muna ang pagtsagaan niyong basahin, kung gusto pa niyong lumalim ang inyong kaalaman sa istorya ng Blog, kausapi niyo na lang si Mang Guge at si Manong Wiki.
2003 ng una akong magsign- up sa Blogspot, may limang entry ako duon na pawang walang kwenta, sa hindi ko malamang dahilan eh nawalan na lang ako ng gana, kaya pinabayaan ko na lang ang aking account hangang sa makalimutan ko na ang password ng email ko at password ko sa blog na yun. Kaya tumigil na rin ako, nagtago, nagpakalayo layo, nagpalipas ng sama ng lood (hmmmp drama).
Septyembre 2009 muli akong nagsign-up ng panibagong account sa blogspot gamit ang pinakabagong email ko sa gugel at naglagay agad ako ng isang entry na ang pamagat ay “Probinsyano in the city” wala lang, trip ko lang.
Matapos nun ay wala na naman, pasilip silip na lang, hangang sa last month, out of the blue, the feeling’s so true, bigla ko na namang naisipang bisitahin ang bloggie ko, bigla ko na namang naisipang makipagsabayan sa mga bloggers ng buong mundo.
Hmmmm!
I wonder
Kung hanggang kelan na naman kaya to?
Kaya watch ka…..
Ako po si AL-Diwallay at ito po ang aking Blog.
Hala 8:20am na… ma post na kaya to.
musta po kuya..dumaan lang
ReplyDeleteEmmanuelmateo... samalamat sa pagdaan..
ReplyDelete