Tuesday, February 22, 2011

Dekada '70s

Marahil mga limang taong gulang ako noon nang marinig ko ang balitang binaril daw si Ninoy sa Air-Port habang pababa ito ng eroplano, aaminin ko hindi ko siya kilala at wala pa akong masyadong nalalaman sa panahong iyo, pero hindi yun nangangahulugang wala akong naiintindihan, makalipas ang halos tatlong taon, bigla na lang sumabog ang balitang bumaba na daw si Marcos sa kanyang pwesto, ito ang mga pangyayaring hindi ko makakalimutan, kung aking iisipin, parang natatakot akong mabuhay sa panahon na yun, kung saan samot-saring patayan ang nangyayari at kaguluhan, bigla na lang may dadamputin at mawawala ng tuluyan, hindi alam kung saan na napunta basta bigla na lang nawawala.
Isang halimbawa dito ay ang JABIDAH Massacre, opo, bago pa man nagkaroon ng Maguindanao Masacre nauna na po ang JABIDAH Masacre, kung saan mga kapatid naman po nating mga Muslim ang walang awang pinagpapaslang. Ayoko na magbigay ng madiing kwento dito, pero kung gusto niyo pong malaman ang tungkol dito, pwede niyo itong eresearch sa PIC (Philippine Information Center). “take note: naisapelikula pa ito”
Nang minsang makausap ko ang aking lola ng masinsinan (sumalangit sana ang kanyang kaluluwa at sana hindi magalit dahil sa dinamay ko pa siya dito), masaya daw at masarap ang buhay noon, di tulad ng buhay natin ngayon, mura ang bilihin, kahit papano makakakain kana sa halagang sampung piso, at ito’y pinapatunayan ng mga napapanood nating lumang pelikula. Sa mga ganitong kwento parang gusto ko humiram ng Time Machine ni AKONI kapag natapos na niya ito at umiskapo sa mga problema ko sa kasalukuyan, pero kung aking iisipin naman ang kaguluhang nangyari noon, masgusto ko pa magkaroon na lang sampung PGMA at least alam ko kapag nag retiro ako sa aking serbisyo may limangpung milyong piso akong matatangap saka ako magpapakamatay dahil sa kahihiyan.
Maraming nagawa si Marcos para sa atin, lalo na si Imelda, sino ba ang nagpatayo ng Lung Center, Heart Center, Kidney Center, PICC, alam niyo ba? Ako hindi ko alam, pero sabi nila lahat niyan ay nangaling sa utak ni Imelda at hangang ngayon pinapakinabangan parin ng sambayanang Pilipino, pero aminin man natin o hindi may mga pagkakamali ding nagawa ang mga Pamilya Macos, hindi ko alam kung bakit pero masasabi kong na-corrupt  sila ng sestemang kanilang ginagalawan, at medyo… medyo lang namang nakalimutan nilang paglingkoran ang bayan, marahil lubha sialng nagenjoy sa kanilang pananatili sa Malacañang at nakalimutan nila na may bayan pala silang baon sa kahirapan. Bagkos nang Makita niyang unti-unti ng nagaalsa ang mga tao laban sa kanya, bigla na lang niyang dineklara ang batas military, 12 mid-night yun 1972. At unti-unti na niyang pinatalsik sa pwesto ang lahat ng kilalang personalidad na kumokontra sa kanya.
Hindi ito gawa-gawa ko lang, ito’y nakasulat at papatunayan din ng libo-libo nating kababayan, kahit di ko na ipaliwanag ng detalyado ang Blog Entry ko, alam ko naman na lahat tayo ay magsasabi na mas mainam na ang mabuhay sa panahon ngayon kesa ang mabuhay sa Batas Militar.
Hindi ako galit sa Marcoses dahil hindi ko naman sila kilala, lalong lalo na hindi ko naman sinasabing gusto ko ang mga Aquino dahil hindi rin naman kami close, pero isa lang ako sa mga masugid na nagmamasid sa nangyayari sa bayan natin, aminin man natin o hindi, magbulag-bulagan man tayo o hindi, may masamang naidulot si Marcial Law sa dekada 70’s.


I declare Martial Law.
-          Ferdinand Marcos.



P.S.
Binoto ko po si Ferdinand Marcos Jr. sa pagka Senador.
(dahil naniniwala po ako sa kanyang kakayahan.)




18 comments:

  1. I am waiting for arvin...LOL...

    clap-clap-clap para sayo for this blog at sa pag-bangkit sa akin pangalan. LOLOL.

    ReplyDelete
  2. ang galing! tamang tama sa anniversary ng edsa revolution..

    ReplyDelete
  3. astig ha..I declare martial law!! weh!!

    kung pwede nga talaga ibalik ang panahon sasakay di ako sa time machine ni akoni, kaso paano yan wala pang ipad at bb noon, wala ding blogspera!!

    ReplyDelete
  4. @Akoni: ahahahha...ikaw pa.. eh IDOL kita... basta ba yung Time Machine mo.. pag natapos mo na eh... papahiram mo sa akin... eheheheh..

    @Adang: I just Love history...

    @Mommy-Razz: ahahaha... uu nga eh.. Aniversary nga pala not ng EDSA... marami raming beses na rin ako naka sali sa mga rally... ehehehhe

    ReplyDelete
  5. hala...d ko toh' naabutan ih...I mean pgkatapos nitong event na toh ako pinanganak..thankful ako dhil mraming Pilipino ang nag-lakas luob na lumaban sa dating pmahalaan..,bow!

    ReplyDelete
  6. ahahah... Iyakin... madalas kong mapanood ang reply ng pagdeklara ni marcos sa Batas Militar...e ehheheh... ako rin.. hihiram ako ng time machine kay AKONI..

    @Lhuy: pasalamat ka na lang at di mo naabutan... ehehhehe....

    ReplyDelete
  7. si Marcos ang the best na naging pangulo ng bansa para sa akin..sa panahon niya mura ang mga bilihin..ng mapatalsik siya unti unti ng nagmahal ang presyo ng mga paninda..wala siyang katulad..lalong dumami ang corrupt ng mawala na siya sa poder..

    ReplyDelete
  8. @Arvin: if that is your opinion... I respect it.. ehehhehe.. batsa promise mo lang huwag mo ako ipahunting pag uwi ko ng pinas...e ehhehehe

    ReplyDelete
  9. Nang magdeklara si Marcos ng martial law hindi niya sinabi sa mga militar na mang abuso.....ang mga militar ang umabuso na walang alam si marcos..ganun ang nangyari.....sa mga ginawa ng militar dahil nasa kamay nila ang batas ang naapektuhan ay si marcos iyon ay dahil nang aapi ang mga militar..

    sinamantala ng mga negosyante para sila magkapera lalo ang pagkawala ni Marcos sa poder..unti unti ng tumaas ang mga bilihin..walang kontrol..

    ReplyDelete
  10. Maganda ang pagkaka deklara niya ng martial law.....ang hindi lang maganda ay umabuso ang mga militar na walang kaalam alam si Marcos..nasira ang imahe ni Marcos dahil sa mga militar na ang batas inilagay sa kamay nila..mga hayop sila..........

    ReplyDelete
  11. anu na ang nangyari sa pilipinas pagkatapos ng rehimeng marcos? marahil iyan ang pinakamagandang konklusyon ng rehimeng marcos. sayang... sana tumagal tagal pa ang termino niya.

    ReplyDelete
  12. "if that is your opinion... I respect it"

    musingan,wag mo ginagamit yan sa debate kasi matatalo ka, tanda ng pagkatalo yan..ipaglaban mo ang pinaniniwalaan mo..LOL

    ReplyDelete
  13. @Akoni: di naman ako nakikipag dibate eh... at saka hindi ko na kailangan makipag dibate kasi alam naman natin lahat ang katotohanan.. ehehhehe...

    ReplyDelete
  14. @Ais: ahahaha.. Uu no... sana tumagal-tagal pa ang termino niya... para masmaganda... eheheh...

    @Akoni: no need.. di ba sa bi ko "Ikaw man ang pinaka matalinong matsing... hindi lahat ng ungoy ay sasang-ayon sa sinasabi mo..." sa buhay kasi natin.. may kontra at sang-ayon.. hindi mo pwde iinject sa utak ng isang tao ang pinapaniwalaan mo... lagi po sana nating isipin na ang opinyon ng isang tao ay nagiging tama o mali dipende sa pagkakaunawa natin....

    hmmmm... ma blog nga ito..

    ReplyDelete
  15. Hindi natin masisisi si Arvin kung yan ang pinapaniwalaan niya... mukhang malalim kasi ang pinaghugutan ng kanyang opinyon... sa akin kasi sa totoong eksperyensa ko lang nakuha... ehehhehe...

    ReplyDelete
  16. kahit nag declaire si Marcos ng Martial Law, marAmi naman siyang ginawang mabuti.example dito sa Ilocos.marami siyang buhay na binago.

    ReplyDelete
  17. @Em: tama ka dyan... marami siyang nagawa para sa bayan... 20 years kasi siyang naging presidente... kaya marami talaga... I agree to that... nasa blog ko nga di ba?

    "Maraming nagawa si Marcos para sa atin, lalo na si Imelda, sino ba ang nagpatayo ng Lung Center, Heart Center, Kidney Center, PICC, alam niyo ba? Ako hindi ko alam, pero sabi nila lahat niyan ay nangaling sa utak ni Imelda at hangang ngayon pinapakinabangan parin ng sambayanang Pilipino"

    ehehehhe...

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...