Marahil mga limang taong gulang ako noon nang marinig ko ang balitang binaril daw si Ninoy sa Air-Port habang pababa ito ng eroplano, aaminin ko hindi ko siya kilala at wala pa akong masyadong nalalaman sa panahong iyo, pero hindi yun nangangahulugang wala akong naiintindihan, makalipas ang halos tatlong taon, bigla na lang sumabog ang balitang bumaba na daw si Marcos sa kanyang pwesto, ito ang mga pangyayaring hindi ko makakalimutan, kung aking iisipin, parang natatakot akong mabuhay sa panahon na yun, kung saan samot-saring patayan ang nangyayari at kaguluhan, bigla na lang may dadamputin at mawawala ng tuluyan, hindi alam kung saan na napunta basta bigla na lang nawawala.Isang halimbawa dito ay ang JABIDAH Massacre, opo, bago pa man nagkaroon ng Maguindanao Masacre nauna na po ang JABIDAH Masacre, kung saan mga kapatid naman po nating mga Muslim ang walang awang pinagpapaslang. Ayoko na magbigay ng madiing kwento dito, pero kung gusto niyo pong malaman ang tungkol dito, pwede niyo itong eresearch sa PIC (Philippine Information Center). “take note: naisapelikula pa ito”
Nang minsang makausap ko ang aking lola ng masinsinan (sumalangit sana ang kanyang kaluluwa at sana hindi magalit dahil sa dinamay ko pa siya dito), masaya daw at masarap ang buhay noon, di tulad ng buhay natin ngayon, mura ang bilihin, kahit papano makakakain kana sa halagang sampung piso, at ito’y pinapatunayan ng mga napapanood nating lumang pelikula. Sa mga ganitong kwento parang gusto ko humiram ng Time Machine ni AKONI kapag natapos na niya ito at umiskapo sa mga problema ko sa kasalukuyan, pero kung aking iisipin naman ang kaguluhang nangyari noon, masgusto ko pa magkaroon na lang sampung PGMA at least alam ko kapag nag retiro ako sa aking serbisyo may limangpung milyong piso akong matatangap saka ako magpapakamatay dahil sa kahihiyan.
Maraming nagawa si Marcos para sa atin, lalo na si Imelda, sino ba ang nagpatayo ng Lung Center, Heart Center, Kidney Center, PICC, alam niyo ba? Ako hindi ko alam, pero sabi nila lahat niyan ay nangaling sa utak ni Imelda at hangang ngayon pinapakinabangan parin ng sambayanang Pilipino, pero aminin man natin o hindi may mga pagkakamali ding nagawa ang mga Pamilya Macos, hindi ko alam kung bakit pero masasabi kong na-corrupt sila ng sestemang kanilang ginagalawan, at medyo… medyo lang namang nakalimutan nilang paglingkoran ang bayan, marahil lubha sialng nagenjoy sa kanilang pananatili sa MalacaƱang at nakalimutan nila na may bayan pala silang baon sa kahirapan. Bagkos nang Makita niyang unti-unti ng nagaalsa ang mga tao laban sa kanya, bigla na lang niyang dineklara ang batas military, 12 mid-night yun 1972. At unti-unti na niyang pinatalsik sa pwesto ang lahat ng kilalang personalidad na kumokontra sa kanya.
Hindi ito gawa-gawa ko lang, ito’y nakasulat at papatunayan din ng libo-libo nating kababayan, kahit di ko na ipaliwanag ng detalyado ang Blog Entry ko, alam ko naman na lahat tayo ay magsasabi na mas mainam na ang mabuhay sa panahon ngayon kesa ang mabuhay sa Batas Militar.
Hindi ako galit sa Marcoses dahil hindi ko naman sila kilala, lalong lalo na hindi ko naman sinasabing gusto ko ang mga Aquino dahil hindi rin naman kami close, pero isa lang ako sa mga masugid na nagmamasid sa nangyayari sa bayan natin, aminin man natin o hindi, magbulag-bulagan man tayo o hindi, may masamang naidulot si Marcial Law sa dekada 70’s.
I declare Martial Law.
- Ferdinand Marcos.
P.S.
Binoto ko po si Ferdinand Marcos Jr. sa pagka Senador.
(dahil naniniwala po ako sa kanyang kakayahan.)


