Tuesday, April 12, 2011

Dahil minsan ako'y naging bata


Nanay, Tatay gusto kong tinapay
Ate kuya gusto kong kape
Lahat ay gusto ko
Kung sinong aalis ay kukurutin ko.

Nyehehehhe…. Naaalala niyo pa ba yan? Isa yan sa mga hindi ko makakalimutang kanta noong bata pa ako, eh pano naman kasi, kung Lupang Hinirang ang pambansang awit ng Pilipinas, yan naman ang parang naging pambasang awit ng mga kabataan noon at magpa sa hanggang ngayon. 

 
Leron Leron Sinta
Buko ng Papaya
Dala dala'y buslo
Sisidlan ng bunga
Pagdating sa dulo'y
Nabali ang sanga
Kapos kapalaran
Humanap ng iba.

Hanggang ngayon ay kabisadong kabisado ko pa rin ang kantang iyan, at hangang ngayon ay kinakanta ko parin, isa sa mga hindi ko makakalimutang bahagi ng buhay ko, ay ang minsang kinakanta namin yang magkakapatid noon, marahil mga edad tatlo hangang apat na taong gulang ako noon, tatlo pa lang kaming magkakapatid, wala pa ang bunso namin, ako pa lang ang bunso sa amin, nakaupo kami sa sahig, nakapalibot at nagsasaya, at nagkakantahan, ate ko ang nagtuturo sa amin ng kung ano-anong kanta, at isa yan sa mga naituro niya.


Pen pen de sarapen,
de kutsilyo de almasen
Haw, haw de carabao batutin 
Sipit namimilipit ginto't pilak
Namumulaklak sa tabi ng dagat.
Sayang pula tatlong pera
Sayang puti tatlong salapi

Wala siguro sa ating mga Pinoy ang hindi kinanta ang kantang iyan, isa yan sa pinakasikat na kanta noon at magpasahangang ngayon, iyan ang isa sa mga tumutukoy na naging masaya ang iyong kabataa, lumaki ka ng may maayos at normal na pamumuhay ng isang Anak Pinoy, dahil kapag hindi mo alam ang kantang iyan, aba! Nasaan ka ba noong naglalaro kami sa labas ng bahay niyo?, huwag mong sabihing nasa loob ka ng bahay niyo at naglalarong magisa ng Tagutaguan?. Aba! eh mabuti pa ang isang Arabong Supervisor namin dito sa kumpanyang pinapasukan ko sa Saudi, alam ang kantang iyan?

Humingi siya sa akin ng Pen, kasi nakalimutan ata niya ng kanyang Ballpen sa bahay, sa Arabo kasi, wala silang letrang “P”, kaya madalas ang sinasabi nila, BEN, hindi nila kayang bigkasin ng maasyos ang PEN, lalo na kapag dito lang nagaral sa Saudi at di pa nakakapunta ng Amerika, kaya naman, nahirapan akong intindihin ang sinasabi nila kapag may letrang “P” na… kaya ng manghingi sa akin ang Supervisor ko eh nahirapan akong intindihin ang sinasabi niya.


Supt: “You have Ben”

Ako: “Hah?”
Supt: “Ben Ben you know Ben”
Ako: “Ahhhh sir I can’t understand you?”
Suprt: “You know Ben, as in Ben Ben de saraben?”

OPO!!! Tama po kayo, kinanta niya yan sa akin, para makuha ko lang ang tinutukoy niya, tatlong lingo na ang nakakalipas at hindi ko parin makalimutan, isang Arabo ang kumanta nyan, kaya naman dahil dito, naisipan kong magsaliksik tungkol sa kantang iyan? Ito ba ay kantang Pinoy o hindi? Pero wala akong mahanap na kasagutan sa Internet. Kaya ipinagpaliban ko na lang.


Sasara ang bulaklak
Bubuka ang bulalak
Papasok ang Reyna
pakembot kembot
 
Ang saya naman, isa din yan sa pinaka malupit na kanta na nalaman ko, isa rin ata yang laro eh, alam ko na walang sino man sa atin ang hindi nakakalam ng kantang iyan, at kung meron man, napakalungkot siguro ng buhay niya noong bata pa siya, dahil kulang ang kanyang kabataan, hindi kumpleto, dahil para sa akin, wala nang ibang kahulugan ang pagiging bata kundi ang maglaro at magsaya habang hinuhumog ka ng mga magulang mo upang maging isang mabuting tao.

Hinding-hindi ko makakalimutan ang aking kabataan, naging masaya at makulay ito, halos nakanta ko ang lahat ng mga kantang pambata, nalaro ang halos lahat ng larong pambata, nagpapasalamat ako sa aking mga magulang at hinayaan nila akong maranasan kung papano maging isang masayang bata, naranasan kong maglaro, kumanta, magsaya, marumihan, masaktan, madapa, pagtawanan, awayin, mangaway, asarin, mangasar, matakot, manakot, umiyak, magpaiyak, naransan ko ang kahulugan ng isang pagiging tunay na bata Pilipino.
 


Salamat ng marami.



Yehey.




SALAMAT Boom! bOOM! BoOm!.


D"N


-----------------------------

20 comments:

  1. parang may blog akong ganito...about BATA.

    http://akonilandiya.blogspot.com/2011/04/bata.html

    ReplyDelete
  2. ang saya naman ng kabataan mo..

    'Sasara ang bulaklak Bubuka ang bulalak.....'larong pambabae yan ah..hmmm ano vah? hahaha joke.

    ReplyDelete
  3. Nung pagdating ko dito sa america nainggit ako sa mga pinsan ko (alam kong nagtataka ka paano naman nauwi sa ganitong comment ang comment ko AL) so anyway.. yun nga.. nainggit ako sa kanila dahil dito na sila halos lumaki.. marunong pa rin sila magtagalog kase tagalog pa din magsalita ang lola't lolo ko. Anyhoo.. sabi nila ibang iba daw nung nandun pa sa Pinas... ang turo sa school ay paano magtahi, magluto, at kung anik anik..samantalang nun nandito na sila..super hirap na hirap..

    nung una nainggit ako, pero naisip ko masaya pa rin ako na naging pilipino ako.. kase natutunan ko paano maging bata... wala lang...

    Anyhoo.. di ko talaga lam ang lyrics ng pen pen de sarapen.. pero syempre alam ko yung kanta na yun.. tapos yung Bulaklak... may kwento din ako sana jan..

    Ayaw ni mama ipakanta sa kin yun.. lol..

    At kala mo blog ko toh kung maka-comment ako eh noh?

    ReplyDelete
  4. @Akoni: Uu sayo ko nga pala nakita ang ganitong kwento.. tungkol sa bata.. naalala ko na.. iniisip ko nga kung kanino eh... meron din ako ginawa pa.. about naman larong kalye... di ko rin maalala kung kanino ko naman yun nabasa... haysrt..

    @Mommy_Razz: ahahha... pambabae po ba? naku po.. alam niyo po ba na mahilig akong laruin yan... kaya pala tinutukso akong bayot nuon ni Mark.. hayst... chrush ko pa naman siya...

    @Kamila: ok lang yan... magcomment ka.. pahabain mo kung gusto mo.. babasahin ko0 naman eh.. eheheh... walang problema.. kala ko naingit ka sa mga pinsan mo kasi kung magsalita sila... sa ilong na lumabas at kinakain na ang salita sa kakaslang... ehehhe... ang hirap kaya nila intindihin... ehehhe

    teka nga kamil.. bakit ayaw ipakanta sa iyo yan ng mama mo?

    ReplyDelete
  5. ben ben di sar ben... naimagine ko ang pagkakakanta ng arabo natatawa ako at ang itsura mo ang cute.nakakatawa ka al.Masaya din ang kabataan ko kasi puro ako pasaway.Pero wala ng sasaya sa batang pinoy na lumaki sa probinsiya.

    ReplyDelete
  6. hahanap ako mamaya ng arabo at magrerequest akong ipakanta yan. gusto ko lang marining kong paano bigkasin.

    ReplyDelete
  7. ahahahha.... hindi ka nga nagkamili Mond, ganyan nga talaga ang pagkakanta niya.. Ben Ben de Saraben ... ehehhehe... oh di ba.. ang mga Arabo.. nahihirapan sa letrang "P"... kung si Kamil ay sa letrang "R".. Arabo naman ay Letrang "P"... ehheheh... Uu.. tama ka ulit.. walang ng sasaya pa sa batang lumaki sa Probinsya.. and I am proud to say that I am one of those few people...

    ReplyDelete
  8. naaaliw ako sa conversation nyo nung Arabo. irerelate ko lang sa work ah... kasi kapag may tumawag na indiano (hindi arabo ah) tapos parang ganyan ang banat sakin sa phone, naku... minumura ko na sya habang naka-mute ako! ahahaha



    nung bata ako, hindi ako lumalabas ng bahay. taong bahay ako. baka daw kasi tumakbo ung bahay namin eh... kelangn ng bantay. lol

    ReplyDelete
  9. @Rap: ano ba ang work mo? ako kapag may tumawag sa akin na Indiano at ganyan ang salita... yung hinid ko maintindihan... escalate ko agad ang call niya sa costumer relation.. ahahha... para wala ng problema...

    Bakt mo nman di tinalian ang bahay niyo? para makapag laro ka.... ang bahay niyo parang bahay ni telang bayawak ahhhh....

    ReplyDelete
  10. akala ko joke ulit yung kanta ng arabo na "Ben ben desaraben", truth pala. hahaha! Tama ka, pag hindi mo alam ang mga kantang yan parang hindi ka dumaan sa pagkabata at hindi mo naranasan ang pagiging batang pilipino. Though hindi din ako masyado lumalabas. Ang sarap magbalik tanaw sa magandang nakaraan. Yes.!!! hahaha! sige magre-reminisce muna ako saglit.

    ReplyDelete
  11. ahahha.. napatawa mo ako ng malakas Sey.. buti na lang at ako lang mag isa sa loob ng opis ko.. eheheh... weee.... wala akong kasama.. kung nagkataon may kasama ako.. baka nagulat na asa akinn yun... ehehheh.. sige sabay tayo magreminisce ng past natin...

    ReplyDelete
  12. ngayon tanungin natin ang bata sa mga kanatang alam nila...

    "tantaran chutchurut-churut"

    "baby baby baby ohhh, like baby baby baby ohhh"

    haha..

    Yung chikiding alam mo?

    ReplyDelete
  13. @Jhengpot: ahahahha... Boob Boom paw... yan ang mga alm nilang kantahin no.. ehhehehe...

    Hindi eh.. ano ba yung Chikiding na yan?
    ..

    ehehhe.. ano ba yan?

    ReplyDelete
  14. ang funny ng kwento tungkol sa arabo. haha!you could have asked pano nya alam un. curious lang. :)

    ReplyDelete
  15. alam mu bang hanggang ngayon gusto ko pa din maglaro...pero no time ih...kahit mga kapatid ko na lng klaro ko okay lang...kasu naiilang sila dhil matanda na ko...jejeje..tinutro ko yung ilang larong nabnggit mu like nanay-ttay..and so on...

    kaw nilalaro mu pa bayan?! jejejeje..

    ReplyDelete
  16. laro ko dati nanaynanayan at tataytatayan! hahha! at kakanata kami nanay tatay gusto kong tinapay gusto kong kape lahat ay gusto ko! hahahah!

    siguro yun nabasa mo tungkol sa larong pilipino kay maldita yun,nabasa ko din yun.

    ReplyDelete
  17. ay nakakamiss naman ang pagkabata. na notice ko lang ngayon yung mga pamangkin ko hindi na yan ang kinakanta.I doubt kung alam pa nila yan. hehe..

    ReplyDelete
  18. ang sarap balikan ng nakaraan. halos lahat ng iyong nabanggit ay dumaan sa ating buhay. Masaya at malayo sa problema.

    Hanggang ngayon naman, nariringi ko pa din ang mga kantang iyan. Pero napakadalang na, nakakalungkot isipin na unti unti na talaga tinatalo ng teknolohiya ang ating mga kinagisnan lala na sa mga larong pambata. Ating mapapansin ngayon, sa computer shop karaniwang naglalagi ang mga bata o kung hindi man, nasa bahay at doon nagdodota. Pero ang mas malupit pa nito, ang karamihan pa sa mga bata, naglipana sa kalsada hindi upang maglaro kundi upang mamalimos o magkalkal ng basura.. nakakalungkot...

    masyado akong nagdarama yata sir hehehe

    magandang araw sayo:)

    ReplyDelete
  19. Ang sarap maging bata.. puro laro, walang problema.. but then, noon yun. Sa ngayon kasi, andami nang mga abused children.. at marami na ring mga batang sa halip na naglalaro, eh nagtatrabaho na para lang may maipakain sa mga kapaitd (at nanay at tatay) nila.. Nakakaslungkot, pero yun ang totoo.. Di ko lang alam kung alam ba nila yung mga kantang yan... tsk.

    Ako, alam ko ang mga kantang yan... ang saya diba? pero hindi ako masydaong nakaaglaro sa ibang mga bata when I was a kid. Medyo strict ang parents ko eh.. mapili sa pwede kong maging playmate. Yet, di naman ako nadeprive sa saya na dulot ng pagkanta sa mga songs na yan.. lalo na ang pambansang awit.. Leron, leron sinta.. hehehe...

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...