Una ko itong nabsa noong high school pa lang ako, sa ding-ding sa loob ng isa sa mga toilet sa aming paaralan, nakasulat sa pagkaliit-liit na handwritings, di naman sa Malabo ang mga mata ko, pero kailangan ko pang ilapit sa ding-ding ang mukha ko na parang makikipaglips-to-lips para lang mabasa ang nakasulat, pagkabasa ko napangiti ako at napailing, kasi hindi ko magets ang ibig nyang sabihin, ang basa ko kasi ay letters by letters and using English pa “A-B-N-K-K-B-S-N-P-L-A-ko”, makaraan ang ilang lingo, umihi ako ulit sa toilet na iyon at nabasa kong muli ang nakasulat, at ngayon, sa di ko malamang dahilan eh, binasa ko siya sa pamamagitan ng lumang alpabetong Pilipino, ayun oh!!! Napangisi ako ng husto habang hawak ko si “PAG-ASA” (alam niyo na kung ano yun!) Napansin ako ng kasama ko, at tinanong kung bakit ako nakangisi, sabi ko, pare pakebasa naman ito, ayun, nabasa niya rin agad, “bakit ganun? Siya nabasa niya agad, ako hindi” ganun na ba siya katalino o ganun lang talaga ako kabobo?.
Nang mauso naman ang cellphone, napadalhan naman ako ng ganitong text message, pero hindi na ako nahirapan, kasi alam ko na yan eh,, pero ang malupetz, buti pa ang pamangkin ko na grade 3 pa lang noon ay nabasa niya agad yan ng tama, pero bakit ako noong high school ako, hindi ko nabasa ng tama iyan.
2006. Nagtatrabaho na ako sa Makati noon, nang mapansin ko ang librong kulay berde na binabasa ng kasama ko, natatawa siya at napapasabing “ASTIG”, at dahil sa ingitero nga ako, ay nagtanong na agad ako, “Ano ba yang binabasa mo at kanina kapa tawa ng tawa dyan”, sagot niya sa akin, “LIBRO”… hahahha… gusto kong batukan siya, pero may tama naman siya, nagtanong kasi ako kung ano ang binabasa niya, natural Libro, pero nagtimpi ako, kasi curious ako, kaya nagtanong ulit ako “anong title niyan at sino ang sumulat?”, “Ahhh!, ito ang unang libro ni Bob Ong, abnkkbsnplAko, ang pamagat”, “Ahhh!!! Narinig ko na yan ahhh, yan ba ang gumawa ng bobongpinoy forum?”, “Forum? Di ba website yun?” “Ewan ko, di ko naman navisit yun eh!, eh bakit ka nga pala tawa ng tawa dyan?”, “Ahhh!! Kasi kapag binasa mo kasi ito, tapos nakapag aral ka sa public school, sigurado, matatawa ka sa mga banat niya dito”, hmmmm!!! Umandar talaga ang pagka-curious ko kaya naman, sinabihan ko siyang hihiramin ko kapag natapos na niya, binigay naman niya agad sa akin, kasi tapos na daw niyang basahin, isauli ko na lang daw next week, tamang tama, weekends na bukas.
Pinilit kong tapusin ng isang gabi lang ang libro niyang iyon, at aaminin ko sa inyo, halos lahat ng mga nakasulat sa librong iyon ay pingdaanan ko lahat, lalong lalo na ang gumawa ng parol, tapos ng dumating na ang takdang araw ng paghuhukom ay sumaglit lang ako sa kanto at bumili na ng parol sa tindahan, di ko rin makakalimutan ang pangarap niyang makatawid ng over pass mag-isa, pangarap ko talaga yun, kaso, malaki na ako at matanda na ng mabigyan ako ng pagkakataon, kasi naman ang noon na kaisa-isa at pinaka unang over pass sa aming lugar sa Zamboanga ay para lang sa mga estudyante, ang masakit pa dun, eh di naman ako pwede mag-aral doon kasi para sa mga intsik lamang yun, kaya ayun, di ako nabigyan nang pagkakataon na maging ASTIG.
Naranasan ko rin ang 2 in one sa iisang libro, at ang magkaroon ng silid aralan na luma na eh kulang-kulang pa ang mga silya, napakalakas ng tawa ko noon, pero ngayon habang nagsusulat ako, eh napaisip ako ng malalim, habang natutuwa akong balikan ang aking nakaraan, napansin ko ang isang suliranin na ewan kong mabibigyan pa ng lunas, simula pa pala noon, kulang na ang suporta ng gobyerno sa ating edukasyon, o kung sobra sobra man, hindi ito nagma-materialist dahil sa kurapsyon.
Sa Malaysia, kapag nagaral ka, sagot ng kanilang pamahalaan ang kanilang pagaaral mula elementary hanggang kolehiyo, may nakukuha pang allowance, isipin mo yun? Anyway hindi ito pakutsada sa gobyerno natin o pagpuri sa gobyerno ng iba, ito’y isang katotohanan na lahat tayo ay apektado.
Hindi ko rin makalimutan ang adviser ko na nambabato ng eraser, ayun sinumbong ko sa mama ko, wasak ang kaliwang panga ko, kasi ng malaman ng mama ko kung bakit nagalit ang titser ko, eh huwag na lang, di ko nalang ikwento. Ehehehhehe.
Di ko rin makakalimutan ang unang babaeng nagpatibok ng aking puso na hangang ngayon ay di ko parin nasasabi sa kanya at wala parin akong balak. Pero nitong huli, ngang matagpuan ko siya sa FB, nalaman ko na patay na patay pala siya sa akin noon, sayang naman.
Di ko makakalimutan ang mamili ng mga laruan, ang mamili ng mga ballpapen at lapis at ang manguha ng mga stationary ng ate ko na nabibili niya noon sa tickles. Patay na naman ako nito mamayang pag-uwi ko ng bahay, tiyak magaaway na naman kami ng ate ko, ewan ko ba bakit gustong-gusto ko talagang gawing laruang bangka ang stationaries niya at ipaanod sa kanal sa likod ng aming silid aralan noong elementary pa ako.
Naranasan ko rin ang magbenta ng yema, inuutusan ako ng ate ko noon, kasi requirements nila daw yun sa kanila T.H.E subject noon, na madalas eh binabayaran lang ng mama ko o ng lola ko kasi ako lang ang nakakaubus ng paninda ko, ATE KO TALAGA, MARUNONG TALAGA MAGNEGOSYO, ipinapalako niya sa akin upang maubus, kasi alam niyang kakainin ko lang, at hindi ako titigilan sa pangaaway kung di binabayaran ng mama ko o ng lola ko. GALING. Kinabukasan, bati na ulit kami, at uutusan na naman akong magbenta.
Naranasan ko rin ang maglakwatsa, imbes na pumasok eh mamitas na lang ng aratilis o bayabas, kaya ayun, kinabukasan, habang nasa labas ang lahat at sinusulit ang recess eh ako naman ay nagsusulat sa block board ng “MA’AM I’M SORRY, I PROMISE I WILL NOT DOT IT AGAIN”, kung pwede lang sana mag cut and paste noon eh ginawa ko na.
At higit sa lahat. Naranasan ko rin ang MATAE SA PANTALON.
Ang dami kong tawa sa librong ito, nakakarelate talaga ako ng husto, kasi naman nakapag aral ako sa isang pampublikong paaralan, pero sa lahat ng librong naisulat niya, ito lang ang nagustuhan ko.
Mrmng slmt s pgbbs.
D"N
--------------------
Curious ako bakit nagalit ang titser mo.. hahaha at naalala ko lang may nang-arbor ng book ko na yan... una ko yang nabasa hiram lang din, pero nag-collect ako bago umalis.. tatlo lang yata nabili ko.. pang apat yan.. eh hiniram ng bes ko..di na binalik... pero okay lang.. napasakin naman ang little prince.. toink.
ReplyDeletemeron akong libro niyan at yan lang naiiba sa mga libro na meron ako ngayon. Nabasa ko kaagad yan. ang sa tingin ko kaya di mo kaagad naintindihan kasi nasanaya kang magbasa ng english.Mga foreigner lang ang di nakakabasa niyan.in short sosyal ka kasi Al.Joke.
ReplyDelete@Kamil: ahahhaha... sekreto ko na yun.... kung bakit ako binato ng titser ko.. uu katulad mo... hiram lang din nun una kong mabasa yan.. tapos bumili ako ng sarili ko... yun lang... isa lang naman ang binili ko.. yan lang... yan lang naman ako nagandahan... tapos wala na... ehehhehe...
ReplyDeleteMOND: Sosyal sige pwede... ehehheh joke... hahhaha... kasi bising bisi ako kay Manoy eh.... hawak-hawak ko kasi siya habang binabasa ko yan... ehehhehe... pareho tayo.. yan lang ang naiiba sa mga libro ko sa zamboanga... as in yan lang talaga ang libro.. kasi yung iba eh pocket book na ni ATE... mga Precious Romance... ehehhehe... by Gilda Olvidado... tama ba ako? o kaya Juan Solis... Marie Crisostomo... Naks... ate ko talaga....
ReplyDeletenatawa ako sa eksena sa CR. ahaha.. si "PAG-ASA?" ahahaha... siguro may iba kang ginagawa nun... ahahahahaha... *demon grin*
ReplyDeletemaganda lahat ng books ni BOB ONG. nabasa ko lahat un at meron akong book nya lahat (except sa 2nd book nya na mejo mahla kasi 250 lol)
2nd yr hiskul ko to nabasa kasi ginawa naming book-report. at dahil dun nakilala ko si bob ong. pero hindi ko naabutan ang NUTRI BUN... at diko alam ang lasa ng SAPAL. ahahaha... basta ang daming gago sa book ni bob ong.. na kung iisipin mong mabuti, tama naman sya.. basta.. idol ko sya...
dahil jan, basahin mo post ko dati about sa books nya. hehe
CHECK MO TO
hindi ko nabasa ang buong libro, konti lang, may ganyan kasi and pamangkin. I know a lot of people who are into bob ong, pero ewan ko ba bakit hindi ako nakigulo sa kanila. hehe..Pero natuwa naman ako sa konting nabasa ko.
ReplyDeleteAko din na curious kung bakit ka binato ng eraser. inisip ko tuloy baka sinilipan mo si ma'am.. hehe..Tapos siguro kaya di mo agad nabasa ang vandal sa CR kasi sosyal ka english alphabet ang nasa isip mo. lol.
♥adik.. hehe! minsan na rin akong na-adik dyan... bob ong, d best :)
ReplyDeletenice post, dear!
at dahil sa post mong ito. pagdating na pagdating ko binasa ko ulit nag librong ito. hangang sa makatulog. ang galing niya mag sulat masaya at makulit
ReplyDeletemayron ako niyan.. isa yan sa paborito kong libro ni BOB ONG.. hehe!
ReplyDeleteang astig ng mama mo ah, nasapak ka niya.. haha! buti nga sau.. joke! wala pa yata akong nasasapak sa mga kids ko, kurot lang.. hehe
op kors meron ako nito hehehe at lahat ng libro ni BO. sa lahat ng sinulat na books ni bog ong ito ang paborito ko
ReplyDeletehahahaha, grabe din ang tawa ko jan nung nabasa ko yan dati, di ko na maaalala kung first year college ako o high school. nakarelate ako sa iba nyang sinabi. idol ko talaga yan si bob ong, nagcollect din ako ng books nya from ABNKKBSNPlako gang sa McArthur. hehehe. epic yan.
ReplyDeletewasak ang panga?? grabe siguro karumaldumal yung ginawa mo no? haha! dapat sinabi mo na sa girl na gusto mo siya dati tutal dead na deadbol pala siya sayo. sayang ang chance mo. bakit mo pinalagpas?
ReplyDeleteSosyal ka gumawa ng bangka ah, at talagang stationery pa. Sayang hindi ko naranasan mag-cut ng classes, masaya siguro yun. natae sa pantalon??? PRomise- yhak! hahaha
Alam mo ba Al, kaya ako umalis sa pagtuturo kasi gusto ko sumali sa isang foundation na magtuturo sa mga batang hindi makapag-aral. Gusto ko humanap ng work na may maayos na sahod para marami akong matulungan. Sayang kung marami lang resources, sana mag maraming teacher ang pipiliin na mag-stay sa Pilipinas. sayang talaga.
Bakit po ba ABNKKBSNPLAko?! yung pamagat na libro ni Bob Ong?
ReplyDeleteBakit po ba ABNKKBSNPLAko?! yung pamagat na libro ni Bob Ong?
ReplyDelete