Sa di kalayuan, may mga matang nagmamasid kay inang habang naglilinis sa kusina, di antala ang panganib na nagbabadya, patuloy lang si inang sa pagliligpit ng hapagkainan, sa loob naman ng bahay ay masayang nanonood ng telebisyon si amang kasama ang dalawang anak, maya-maya, nagpaalam na ang dalawang dalagita nila na matutulog na at may pasok pa daw sila kinabukasan, tumango lang si amang sabay silip sa kusina kay inang na abala parin sa pagliligpit, “Matagal pa ba yan mahal ko, tulog na rin tayo kasi maaga pa ako bukas, ihahatid ko pa ang mga anak natin sa eskwelahan", tanong ni amang, “Tapos na ako, itatago ko na lang ang tirang ulam”, sagot naman ni inang na wala paring kamalay malay sa mga matang nagmamasid sa bawat galaw nilang mag-anak.
Tapos na naghugas si inang, at sabay na silang pumanhik sa taas ng bahay, pinatay ang lahat ng ilaw na nakabukas liban sa isang lampara na siyang nabibigay liwanag sa karimlan, naglatag na ng kumot si inang at nagpahinga na ang magasawa, bago pumasok ng kwarto si amang, sinigurado niya munang maayos ang pagtulog ng dalawa niyang anak.
Hating gabi, tahimik ang paligid, madilim, tanging ilaw lamang ng posteng nasa labas ng bahay ng mag-anak ang nagsisilbing tanglaw sa paligid at sa kalsadang masikip, ni isang kaluskos ng daga, wala kang maririnig, mahimbing na ang tulog ng lahat, ngunit naroon parin sa di kalayuan ang mga matang nagmamasid, naghihintay ng tamang pagkakataon, maya-maya, pinatay narin ng mag-asawa ang ilaw sa kanilang kwarto, “Heto na” bulong ng matang nagmamasid, tumayo na siya at nagsimulang lumakad papalapit, halatang alam na alam ang gagawin, walang kahirap hirap, nakapasok siya sa butas ng bintana sa kusina, napasok niya ang bahay ng walang malay ang may ari, luminga-linga, nagmasid at nakiramdam, “Wala na ngang tao, tulog na ang lahat” wika ng salarin, marahan niyang hinanap ang kanyang pakay, ilang saglit lang ay nakita na niya ito, ngumiti siya “Masmadali pala ito kesa sa iniisip ko”
PLAG#@$!!&* BLAG!@#!$%.
Isang malaking ingay at karipas ng takbo ang narinig ng dalawang magasawa na galing sa baba, “Naku!!!! Napasok na naman tayo ng PUSA!!!!”, gulat na sabi ni inang, “Nakalimutan kong takpan ang butas ng bintana sa kusina”, Bumaba ang mag-asawa, at nakita nilang nagkalat na naman ang mga plato sa sahig, at ang mga isda sa lalagyan ay wala na, inis na nagligpit ulit si inang, wala naman siyang magagawa eh, napasok na naman sila ng PUSA.
At ang mga matang kanina’y nagmamasid sa di kalayuan hayun masayang kumakain ng isang inihaw na isda.
MEOW… HAPPY APRIL FOOLS' DAY…
D"N
Hahaha adik AL.. kinabahan naman ako dn! Ayuko ng ganun! Hahaha napasok na kase kame dati ng masamang loob..kaya medjo ang traumatic lang.. hehehe pero buti na lang... pusa lang
ReplyDeleteseryoso ako sa binabasa ko at sa una may fear factor effect pa. yon pala mga pusa lang ang mga matang nakatingin.
ReplyDeleteakala ko november 1...haha
ReplyDelete@Kamil: napasok na rin kami ng magnanakaw... nuun...
ReplyDelete@Diamond: akorin... seryoso sa pagsusulat kanina... nagulat nalang ako at pusa lang pala ang pumasok...
@Akoni: weeeeeee.... happy april fools' day...
Buti pusa lang, infairness hindi ko nahalata na pang-April Fools Day to.
ReplyDeleteakala ko horror na naman. yun pa pusa lang ang nagmamasid. happy fool's day!
ReplyDeletebuti nalang nagskip read ako.. hahaha...
ReplyDeleteakala ko horror kwento.. hehe! happy april fool's day!
ReplyDeletenatawa ako sa comment ni kiko. :P
ReplyDeletebelated april fools! :)
@Mayen: hahaha... ako din.. kala ko horror na isusulat ko... kaso bigla nagulat ako.... joke pala.....
ReplyDelete@Sey: Later ko na naisip na April Fools day pala kahapon...
@Kiko: anak ng.. wala man lang ka suspense suspens.... nag skip... jajajja
@Rain: ako din tawang tawa kay Kiko sa comment niya...
buti na lang nabasa ko muna ang ibang posts na naloko din ako! kaya di na ko masyado nagpaapekto dito..hehe
ReplyDelete@Jhengpot: ahahhaha... belated na lang po sa iyo....
ReplyDeletenapadpad lang po.. astig ang post.. akala ko magnanakaw or rapist ( kasi may dalawang babaeng anak si amang.. :p ).. yun naman pala pusa lang! hahaha
ReplyDelete