Monday, April 18, 2011

Da Great Sitra


Ang tao talaga nagbabago at kung minsan kasabay nito ang nararamdaman natin.
-          Mayen

Isa yan sa mga hindi ko makakalimutang comment na natangap sa pinapalo kong blogger, ngayon marahil masasabi niyo na kung bakit ko pinapalo sila, simple lang, dahil may napupulot akong aral sa kanila, samot-sari nang kwento ang naisulat ko, marahil kahit papano, nakilala niyo na kung sino ako, at tulad ng comment ni Mayen na nakasulat sa taas, lahat nagbabago, at minsan kasabay nito ang nararamdaman natin, gusto ko itong paniwalaan, dahil sa ito’y may katotohanan, aminin man natin o hindi nagbabago talaga ang tao at ang nararamdaman nito, nagbabago ang pananaw sa buhay at paniniwala, dahil kung hindi at walang nagbago sa pagkatao mo, sabi nga ni Mohammed Ali (The Legendary Boxer), sinayang mo lang ang buhay mo ng walang natutunan.

Ano ba ang punto ko dito? bakit ko ito sinusulat at mukhang nandamay pa ako ng ibang tao na walang kinalaman sa buhay ko, ehehhehe, wala lang, trip ko lang yan na gawaing intro ko, sabi nga ni Leonrap, Palabok na intro lang daw. Malalim ba? Ano? Nagets mo ba ang mga pinagsasabi ko sa taas? Kasi kung hindi, ok lang yan, ako man din ay hindi ko rin naintindihan.



Anyway ang post ko ngayon ay tunkol sa isa sa mga Nepalese na kasamahan namin sa Villa namin dito sa Riyadh, same din ang kumpanya namin, siya si Sitra A.K.A. Abno, bakit ko nasabi yun, kasi inis ako sa kanya, isipin niyo hah, isa siyang lalakeng normal ang pagiisip at pangangatawan, nasa 5’4 siguro, medyo kulot at medyo maputi, malaki ang boses, lalakeng lalake, pero ewan ko ba kung baking kapag ako na ang kaharap niya ay, pinipilit niyang ipitin ang boses niya at nag-aarteng parang bata? Naaalala niyo ang character ni “Dino Tengco” played by one of “Philippines Best Comedian Actor” “Anjo Yllana” sa Sitcom sa “Abangan ang susunod na Kabanata”, naku po, maaappreciate ko pa si Mr. Yllana kasi alam kong nagpapatawa talaga yun at magaling ang pagkaka arte niya, pero itong si Sitra, hindi ko magets ang nasa isipan niya, at bakit sa tuwing magkaharap kami, always at never ko pa siyang nakitang inayos ang pagsasalita, parating iniipit ang boses at nagaarte na parang bata, yun bang parang boses dwende? Ito ang parating banat niya sa akin “Magic Man, Kuais, Finish Cooking Ahhh…” basahin niyo yan na parang dwende lang kayo, at umasta na parang bata.

Hayst, windang na windang kaming lahat, hindi namin maisip kung bakit kapag ako na ang kausap ni Abno ay ganun ang asta niya sa akin, actually dalawa kami, yung isa naman ay si Kim, ang tawag naman niya dito ay “Photo Man, Kuais, Finshed Cooking ahhhh” kasi mahilig naman itong si Kim na kumuha ng Pictures, Ako naman ay Magic Man, alam niyo na marahil kung bakit? hayst. Magkahalong inis at tawa ang nararamdaman namin kay Sitra, ikaw ba naman ang kausapin ng ganun, hindi ka ba mawiwindang?

Kaya naman, ang ginagawa ko now, kapag nakikita ko siya, bago pa man siya makalapit sa akin at makapag salita eh inuunahan ko na siya, kung ipit ang boses niya, mas iniipit ko naman ang boses ko, at super ini-exaggerate ko ang boses ko, yung tipong pati siya eh napapahiya “My Fren, how are you my fren, ahhhh finished cooking ahhhh”, sa ganung paraan, eh effective naman, natatawa siya na parang napapahiya, tapos kinakausap na niya ako ng maayos. Anyway… natatawa lang talaga ako sa ugali niya, hindi naman sa galit ako, natatawa lang talaga.

Note:
- Hindi ko alam ang correct spelling ng salitang “Kuais” pero Arabic yan ng “Magaling”

- “Magic Man, Kuais, Finish Cooking Ahhh…” yan ang parating unang banat niya sa akin, kasi madalas sa kusina kami nagkikita, tuwing nagluluto ako ng ever specialtist ko na ginisang sardinas.

- Ewan ko kung nakwento ko na ito, pero alam niyo bang minsan eh nagsipilyo ako sa labas kasi may gumagamit ng lababo naming, nakita ko si Sitra na bagong gising at nagtatangal pa ng muta niya, lumabas din at kinuha ang kanyang medyas, pagkatapos ko magsipilyo eh nakita ko siya sumakay na ng service car naming at ready nang pumasok sa trabaho… huuuwaaatttt!!!! Laglag ang panga ko… tapos na siya… di man lang naligo o naghilamos?

- hanggang ngayon hindi ko parin maisip kung ano connection ng comment ni Mayen sa post ko sa taas.


Salamat sa pagbabasa.



The man who views the world at 50 the same as he did at 20 has wasted 30 years of his life.
-          Muhammed Ali





D”N

------------------------


15 comments:

  1. baka type ka nya... ahahaha... weird talaga mga ibang lahi.. ewan ko ba sa kanila.

    special mentioned pa ako dito.... salamats...

    ReplyDelete
  2. ahahahha... ambaho nun... Rap.. eow... alam mo yung amoy patis na amoy kilikili pa na amoy bangoong na amoy bulok na isda pa na amoy ewan... basta yun... ambaho nun... eow.. di bale na lang kahit di na siya magkagusto sa akin...

    ReplyDelete
  3. akala ko naman may isi-share kang makabagbag damdamin ngayon. Yun pala maka-ngawit panga hehe.. Tawa ako ng tawa at akalain mong binasa ko nga na parang duwente at parang bata mas lalo akong natawa. Nakakaloka yan si sitra or abno ah? bakit nga kaya ganun sya sayo?hehe..Hindi na bago sa pandinig ko ang mga ibang lahi na di naliligo pero pag nakakarinig ako ng kwentong ganun ewww pa rin.

    sya nga pala naaliw ako sa pag quote mo sa akin. Akalain mo hinilera mo ako kay Muhammed Ali. hehe..(ngiti hanggang tenga) Sa totoo lang hindi ko na maalala na sinulat ko yan kundi dahil sayo. Kaya mas natuwa ako na natatandaan mo. At hindi ko din malaman kung anong konek nyan kay sitra. hehe.. di kaya nagbago na ang pakiramdam mo kay sitra, hindi kaya napamahal na sya sayo? chos lang!! hehe.. thanks al, sobrang natuwa ako na kahit walang konek nasama ako sa post na to at pinahahalagahan mo ang mga sinasabi namin sayo. Tenchu tenchu!!

    ReplyDelete
  4. naks ah, ang haba ng hair ni mayen, special mention comment niya d2 sa blog mo.. ^_^

    ReplyDelete
  5. sa description mo kung gaano sya kabaho... what more pa kaya pag namatay sya noh?> ahahaha....

    ReplyDelete
  6. malamang nagpapacute sayo si Sitra,type ka nya kuya! lol (sorry naman feeling close)
    at sa hygiene naman.. nakuuuu ung boss ko nga dati na patan nabati ko lang isang umaga na bagay kako sa kanya ung suot nyang damit aba at kinabuksan eh un pa rin ang suot.. pero this time gusot-gusot na nga lang.. ung tipong itinulog ang damit.. at take note, may linya pa ng pinagdaluyan ng natuyong laway sa fez. hahaha

    napadaan at nag-ingay...


    (huhuhu pati dito walang name/url option sa comment section huhuhu)

    www.lifes-a-twitch.com

    ReplyDelete
  7. hahaha! baka kala nya alien ka kaya ganun ka nya kausapin dahil nag-mamagic ka! hahah!

    at no wonder kung di sila naliligo, natural na yun s kanila! hahahah kader-der lang

    ReplyDelete
  8. Akala ko tungkol kay Mayen yung post mo or may conenction sa kanya akalain mong narating ko ang dulo pero hindi ko naabot ang connection. haha! Buti ka nakapag-tiyaga ka kay Sitra. Siguro crush ka niya, naku pre, i-check mo baka hindi siya 100%. baka 50-50 yan. hahaha! Wuy, love story!

    Alam mo totoo yung snabi ni Mayen, siguro agree ako dahil naranasan ko. Sa buhay ng tao minsan kailangan magbago pero mas mabuti kung for the better and pagbabago. Kapag ang mga tao sa paligid mo naman ang nagbago isipin mo na lang na hindi sila ang taong nakilala mo dati. Maging masaya na lang sa memories.

    Ang pananaw sa buhay ng isang tao nagbabago din. I can attest to that. Alam ko ang point of view ko nagbago ganun talaga, habang tumatagal at napupunta tayo sa tamang edad, nahuhubog tayo ng panahon sabay mas nagiging open minded tayo and madaling maisip kung ano ang pinagkaiba ng tama sa mali. BOW!!!

    ReplyDelete
  9. wow..new lay out..marami nang nagbago hehe

    good am po sa iyo!!

    ReplyDelete
  10. The great Sitra. gawan mo nga ng video Al at gayahin mo ang boses.or kuhanan mo mismo si Sitra.Pilit kong iniimagine ang boses niya di ko ma get.

    Baka nilalambing ka lang AL.

    ReplyDelete
  11. @Mayen: yes.. ako din.. akala ko may i-she-share na ako na tungkol sa iyo.. kaso wala pala eh.. except sa quotes mo... ehehhe... anyway... nasabi mo yan sa isa sa mga comment mo sa akin last time.. naalala ko lang... alam mo naman ako.. pag gusto ko ang isnag quotes tinatandaan ko yan...

    ewan ko ba.. basta ganun talaga ako.

    @Mommy_Razz: ahahaha.. upo.. daig pa si Rapunzel sa haba ng hair... eheheh

    @Rap: naku.. grabe.. mabahu talaga... ikaw ba naman di naliligo.. once or twice a week la ata...

    @Yanah: naguguluhan ako sa blog mo.. may blog add ka sa baba.. visit ko.. maganda siya.. tapos my nakita na naman ako na blog mo na iba naman ang laman... naguguluhan ako.. tapos gustuhin man kitang ipalo.. naka disable ata eh...

    @Iya_Khin: ka der-der talaga.. as in.. ehhehe.. natawa naman ako sa comment mo.. baka akala nila alien ako.. PWEDE!!!

    @SEY: yes.. ako rin.. naniniwala ako dun.. kaya nga.. pinagconnect ko ang sinabi niya sa sinabi ni Muhammed Ali eh.. kasi naniniwala ako sa kanilang dalawa... nagbabago ang tao, kasama na ang damdamin at pananaw.. kahit na sabihin natin na "PINANININDIGAN" niya ang kanyang paniniwala... I DOUBT KUNG GANUN PARIN YUN HANGANG SA HULI NIYANG HININGA?... ehehhehe..

    nagbabago talaga ang papanaw natin sa buhay... ehehhe..

    ako naman eh hangang ngayon.. iniisip ko parin kung ano talaga ang kinalaman ni Mayen kay Sitra?

    EM: wow.. welcome back... saan ka ba nagpupunta... namiss kita tuloy.. halika nga dito.. imamasahe kita... eh este ano pala.. kuwan.. ahhh.. wala... ehehhe

    @Diamond: Good Idea... sige.. ivideo blog ko siya.. kapag may time ako this Thursday... ehehhehe

    ReplyDelete
  12. At dahil ga matagal tagal na rin akong hindi nakakbisita sa blog, ngayon ko lnag napansin na may nagiba na pala dito. Sa palagay ko katulad ko rin ata si Sitra.

    Good day folk.

    http://arandomshit.blogspot.com/

    ReplyDelete
  13. ahahhaha... you mean Denase... abno ka rin? ahhahaha... Joke... Abno talaga yun si Sitra na yun...

    ReplyDelete
  14. nagpapacute sayo si sitra. hindi kaya type ka nya sir hahaha...

    sabihin mo pag hindi pa din umayos eh gagawin mo kamo syang dwende.. tingnan ko lang hahaha...

    ang nakakainis lang dito, nagpahid lang ng muta tapos ready na gad sa trabaho.. musta naman un kung sya ang makakatrabaho mo hahaha...

    magandang araw sayo sir AL.

    ReplyDelete
  15. @Parekoy: ehwan ko nalang... kung siya ang katrabaho ko... hindi ko alam ang gagawin ko.. buti nga at di ko siya kaopis eh... pero mabait naman.. at maaasahan.. parati nga namin inutusan... yun ehy....

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...