Oh!!!! How sad naman…
Hindi sana ito ang blog entry ko ngayon, may ginawa akong bago kagabi, kaso kanina ng dumating ako dito sa Office, nakita kong may Missed Calls ako sa phone ko dito sa office, kaya naman, bilang nakaugalian ko na, tiningnan ko agad kung sino ang walang hiyang tumatawag sa akin, 7:04 am may tumatawag na sa akin, hanu vah yan, nakita ko si Kuya Jeffrey pala ang tumawag, isang Pinoy at siya rin ang Safety Inspection Officer namin dito, mabait siya at pala kaibigan, kaso istrikto pagdating sa trabaho, pero kung nasa Cafeteria kami, siya na ang makulit, kahit kung minsan libre siya at napapasyal dito sa akin to the max and to the highest level ang chikkahan namin, pero ganun pa man.
Kaya ng makita ko na siya ang tumawag, ginawa ko agad ang pinapagawa niya sa akin, tatlong araw na kasing may pending work ako sa kanya, hindi ko pa nagagawa, eh kasimple simpleng trabaho lang naman yun, pero di ko pa nagagawa, kaya naman, ginawa ko agad, ayun, in less than 5 minutes natapos ko na, talo ko pa si Flash at Superman, ako na ang mabilis, ako na ang magaling, di ba, may pinapahanap lang kasi siyang scanned file na nasa computer ko, kaya ng mahanap ko ito agad ko namang pinadala sa kanyang Outlook, ayun, magbilang ka ng hangang limang sigundo, o kaya kantahin mo lang ang Leron-Leron Sinta, bago ka matapos, tumawag na ulit si Kuya Jeffrey. Bang. Lagot na ako nito, baka pagalitan ako nito.
Phone: Kring Kring Kring
AL: “Thank you for calling Toshiba, my name is Derek! How may I help you”
Ay ehehehe.. sorry na carried away lang. spiel ko pala yan sa Toshiba noong nagtatrabaho pa ako doon at phone name ko naman ang Derek, ehehhe.
AL: “Thank you for calling Pilot Plants, my name is AL! How may I help you”
Ay hindi pala ganun ang sinabi ko, kasi alam ko namang si Kuya Jefrrey ang tumatawag kaya ganun Filipino na lang ang salitang ginamit ko.
AL: “Hello kuya”
Jefrrey: “Hello! ALDISHER! Kamusta kana!”
AL: “Ok lang po kuya, ikaw?”
JEFFREY: “Ok lang din! Ano! Ahhh.. tinawagan lang kita kasi ahhh.. busy ka ba?”
AL: “Di naman po! Bakit po?”
JEFFREY: “Ano ahhh.. nagresign na kasi ako, last day ko na ito ngayon, eh gusto sana kitang imbitahan para sa konting salo-salo dito sa Safety Department, mga 9am mamaya.”
Ayun oh!!!! May kakaibang lungkot akong naramdaman, yung lungkot na ayaw ko, ewan ko ba, ganito talaga ako, madali akong magtiwala sa tao, at madaling napapamahal ang tao sa akin, kaya ng sinabi niya yun sa akin, na last day na daw niya ngayon at may padespedida siya para sa amin, eh super nalungkot ako, naalala ko agad ang sinabi ni Iya_Khin sa kanyang blog “Paano na kung isang araw hindi na ako magparamdam”, ayun oh!!!! Nakakalungkot isipin, bakit ba kasi kailangan magkahiwalay ang mga taong pinagtagpo na, bakit ba hindi nalang pwede magsama-sama ang mga tao, sabi nga ni Anciro sa blog niya “Mahirap palang iwan ang mga kaibigan na nakasama mo na ng halos dalawang taon,” alam mo yun? Yung nakasanayan mo na ang isang lugar tapos lilisanin mo rin, nakakalungkot talaga, naalala ko tuloy si Arcio, ang Secretary na pinalitan ko, dalawang lingo ko rin yun nakasama, at kahit papano, naging mabait yun sa akin, alam mo ba? hangang ngayon, naaalala ko parin ang mukha niya ng huli kaming magkita, kinamayan niya ako at sinabihang “Noy! Pagbutihin mo hah! Mababait naman ang mga iyan”, super nalungkot din ako that time, pero ok lang, dahil siguradong pag-uwi ko ng Pinas ete-threat ko agad yun, eh! este treat pala, kung nasa Manila kaming Pareho.
Sa mga ganitong sitawasyon, marami akong naaalala, mga bagay na nagbigay sa ng isang malaking marka, mahirap akong makalimot sa isang kaibigan, hindi ako marunong magtanim ng galit sa tao, inisin mo na ako, tiyak maiinis ako niyan, pero mawawala rin yan maya-maya o kinabukasan lang, sabi sa akin ni Akoni “Iba kasi sa akin ang ibig sabihin ng salitang kaibigan, MALALIM”, Uu, tama siya, ganun din ako, masyadong malalim ang salitang iyan para sa akin, pero bakit napakadali kong magtiwala sa isang tao?, alam mo bang, meron akong nakilalang isang babae sa Manila, nagdadrama sa akin, wala na daw siyang pambili ng ticket pa uwi ng Zamboanga City, ayun, binilhan ko naman ng ticket sa barko, nakausap ko pa ate niya at asawa niya sa phone, nangakong papadala agad sa akin ang pera sa susunod na lingo, ehehehe, hangang ngayon, wala akong natatangap na bayad. Take Note (naka-CAPS LOCK yan, kaya dapat magTAKE NOTE ka), nakilala ko lang yun sa Pier hah! Kasi may hinatid din akong isang kaibigan na umuwi ng Zamboanga din noong araw na yun.
anyway (to the highway), hayun, ito phwowzz hangggg qwentow qow (hirap palang maging jejemon… HIDOL NA TALAGA KITA LHUY),
alam kong sa mga susunod na araw, maiintindihan ko rin at matatangap ko rin ang mga bagay na nangyayari sa akin sa ngayon, tulad ng sinabi ni Raymond R “may bagay na di man natin lubos matangap sa kaagad-agad pero sa tamang panahon malalaman mo ito”.
Salamat sa pagbabasa.
D"N
-----------------------------
Noy nasa Qatar na si Arcio...hehe...teka muna, may malalim na relasyon ba kayo ni Jeffrey? hahahaha..kidding!
ReplyDeleteNalungkot din ako pero kaunti..hehe...masarap ung cake niya...haha..
aw i hate goodbyes talaga. :(
ReplyDeletetama naman, in time malalaman mo kung bakit sila kailangang umalis sa ating buhay. be happy na po sir. :)
bkit lahat ng blogs ngyn malungkot? ano ba ito? knina pa ito ah, pag gising ko kaninang umaga ung kay bino, pagdating ko sa ofis ung kay banjo, ngyn pagdating ko itong sayo, pwd ba? last muna ito ngayon araw.. hehe.. dapat masaya ako kasi ito ung unang araw ng una naming pagkikita ni coco martin.. dapat masaya! hehe! malungkot din pala kasi na miss ko siya.. :(
ReplyDeletesad pag nagpapa alam ang isang kaibigan..:(
kakalungkot nga yan sir.. pero maging masaya na lang tayo.. for sure meron good reason kaya nangyayari ang di inaasahan diba? natawa ko sa jejemon mo sir.. hindi bagay hahaha.. si katie lang ang may karapatan nyan jejejeje ay hehehe pala...
ReplyDeletemagandang araw sayo sir...
hay i can relate sa nagpapaalam na kaibigan na napamahal na sa atin. Ang dami kong friends na nasa malayo ngayon. nakakalungkot na yung mga nakasanayan mo ng tao mawawala agad.
ReplyDeleteAbay napakabuti mo naman at nag-charity work ka sa pier. AL kailangan ko din pala ng tulong mo kasi hindi pa ako nakakapunta ng Palawan baka naman pwedeng pautangin mo ako ng pamasahe sa eroplano. babayaran ko pag nakaluwag-luwag na ako. TAKE NOTE: PROMISE. send mo na lang sa bank account ko.. hahaha.. etchos lang baka makalusot lang. Kung minsan kailangan maging mapanuri tayo sa mga tutulungan natin kasi hindi lahat sila deserving..pero ako deserving.. haha.. joke lang!
Anyway, parehas tayo hindi nagtatanim ng galit. basta pag may ayaw ako sa tao sasabihin ko tapos ok na yun maya maya lang bati ko na sya. pero hindi ako mabilis magtiwala. Sa uri ng trabaho ko kabisado ko na ang scripted na paghingi ng tulong sa totoong nangangailangan.
Siguro naman magkakausap pa kayo ni Kuya jeffrey kasi madami naman ng means ngayon with facebook, ym at iba pa. napansin ko ang haba ng comment ko hindi ko naman to blog.. hehe..
malungkot din ung post. pero magandan naman :)
ReplyDeleteAkala ko naman nagpaalam ka sa dating template ng blog mo mali pala. alam mo Al sadyang (lalim nun) mahirap magpaalam sa mga taong natutunan na nating mahalin. Pero ganito na lang isipin mo "Goodbyes are needed so that we can meet again" (naks-gumaganon). hahahaha
ReplyDeletePero serious ako, pinahiram mo talaga? Siguro chika-babes yun no. hahaha! Alam mo Al madali din ako magtiwala kaya ayun madalas din ako maloko pero okay lang, konsensiya nila yun. Pero serious talaga, need ko rin ng pamasahe papuntang Cebu...pwede bang sagutin mo muna, TAKE NOTE isasabay ko ang bayad dun sa bayad ni Mayen. Hahahahaha!
Stay in touch with Kuya Jeffrey, siguro aman may FB siya. Maraming ways to communicate, kaya SMILE KA NA!
Bumalik ako kasi may gusto akong ipahabol. Natatawa ako kasi iba-iba tawag mo kay Diamond R. Napansin ko lang....Mond, Raymond R ---- nalito tuloy ako! hahaha! napaisip ano kaya talaga name niya. woshooo!
ReplyDeleteHuwaw nice bagong template..lay out.. ano mang tawag dito...
ReplyDeleteAt akala ko naman magpapaalam ka... toink.. mahirap talaga magpaalam sa mga kaibigan na minahal na.. at sabi.. itago mo daw lagi mga kaibigan,..wag kalilimutan!
PS: Al.. wala na ba ang vblog natin? Hahahah.. okay lang kung di na tuloy yun ah! Naisip ko kase baka di mo lang masabi sa kin.. hahaha Naku sabihin mo sa kin!!! Okay? Okay?
@Akoni: ahhhh... nasa Qatar na pala yun? wow.. nice... at least kung makapunta ako dun.. eh... may makakatropa na agad ako.. eheheh..
ReplyDelete@Kyle: thanks fo dropping by... eheheh... uu in times malalaman ko rin at maiintindihan... mahina ksi pick up ko eh..
@Kmil: nyehehehe,,... kulits mo talaga... uu.. ready na ang bagong vlog ko,... ehehehhe... make way...
@Mommy_razz: thanks for dropping by... uu.. bakit kaya puro kalungkutan ang nababaas natin now? heehehe
@Istambay: opo.. maaya na ako para a knaya.. atleast makakasama na niya ang kanyang pamilya...
@Bino: salamat sir a pagparito.. nice to you hear,,,
@Mayen: eheheh.. nadala na ako eh.. a pagpapahiram a taong hindi ko kilala... naawa lang din kai talaga ako sa babaeng yun.. kaya binilhan ko siya.. yun ang time na kung saan malaki ang kita ko sa FOREX sa MAKATI.. kaya balewala lang ang 3k sa akin... eheheheh
@SEY: ahahahha... yun din sana ang gagwin ko.. ang magpaalam sa luma kong templates.. eheheh... musta na... at tlagang bumalik kapa no.. uu.. ano kaya ang name ni Mond no... ? tama ka.. napaisip din ako...
"Goodbyes are needed so that we can meet again" (naks-gumaganon)... nakas naman.. eheheh.... at talagang may ganyan ka pang nalalaman SEY hah.. eheheh
ReplyDeleteso sad........talagang ganun ang buhay.....
ReplyDeletebinasa ko ang comment mo sa post ni jhengpot na Si WB.......ang kinuha mo dahil nasusunog ang kapitbayay ay baraha........ibang klase..
ReplyDelete@Arvin: ahahahha... yun kasi ang uang pumasok sa isipan ko eh... .. ewan ko kung bakit ganun.... basta naging instinct ko na yan.. ehehhhe
ReplyDelete