Showing posts with label Good Byes. Show all posts
Showing posts with label Good Byes. Show all posts

Wednesday, April 13, 2011

Salamat sa ala-ala


Oh!!!! How sad naman…

Hindi sana ito ang blog entry ko ngayon, may ginawa akong bago kagabi, kaso kanina ng dumating ako dito sa Office, nakita kong may Missed Calls ako sa phone ko dito sa office, kaya naman, bilang nakaugalian ko na, tiningnan ko agad kung sino ang walang hiyang tumatawag sa akin, 7:04 am may tumatawag na sa akin, hanu vah yan, nakita ko si Kuya Jeffrey pala ang tumawag, isang Pinoy at siya rin ang Safety Inspection Officer namin dito, mabait siya at pala kaibigan, kaso istrikto pagdating sa trabaho, pero kung nasa Cafeteria kami, siya na ang makulit, kahit kung minsan libre siya at napapasyal dito sa akin to the max and to the highest level ang chikkahan namin, pero ganun pa man.

Kaya ng makita ko na siya ang tumawag, ginawa ko agad ang pinapagawa niya sa akin, tatlong araw na kasing may pending work ako sa kanya, hindi ko pa nagagawa, eh kasimple simpleng trabaho lang naman yun, pero di ko pa nagagawa, kaya naman, ginawa ko agad, ayun, in less than 5 minutes natapos ko na, talo ko pa si Flash at Superman, ako na ang mabilis, ako na ang magaling, di ba, may pinapahanap lang kasi siyang scanned file na nasa computer ko, kaya ng mahanap ko ito agad ko namang pinadala sa kanyang Outlook, ayun, magbilang ka ng hangang limang sigundo, o kaya kantahin mo lang ang Leron-Leron Sinta, bago ka matapos, tumawag na ulit si Kuya Jeffrey. Bang. Lagot na ako nito, baka pagalitan ako nito.

Phone: Kring Kring Kring

AL: “Thank you for calling Toshiba, my name is Derek! How may I help you”

Ay ehehehe.. sorry na carried away lang. spiel ko pala yan sa Toshiba noong nagtatrabaho pa ako doon at phone name ko naman ang Derek, ehehhe.

AL: “Thank you for calling Pilot Plants, my name is AL! How may I help you”

Ay hindi pala ganun ang sinabi ko, kasi alam ko namang si Kuya Jefrrey ang tumatawag kaya ganun Filipino na lang ang salitang ginamit ko.

AL: “Hello kuya”

Jefrrey: “Hello! ALDISHER! Kamusta kana!”

AL: “Ok lang po kuya, ikaw?”

JEFFREY: “Ok lang din! Ano! Ahhh.. tinawagan lang kita kasi ahhh.. busy ka ba?”

AL: “Di naman po! Bakit po?”

JEFFREY: “Ano ahhh.. nagresign na kasi ako, last day ko na ito ngayon, eh gusto sana kitang imbitahan para sa konting salo-salo dito sa Safety Department, mga 9am mamaya.”

Ayun oh!!!! May kakaibang lungkot akong naramdaman, yung lungkot na ayaw ko, ewan ko ba, ganito talaga ako, madali akong magtiwala sa tao, at madaling napapamahal ang tao sa akin, kaya ng sinabi niya yun sa akin, na last day na daw niya ngayon at may padespedida siya para sa amin, eh super nalungkot ako, naalala ko agad ang sinabi ni Iya_Khin sa kanyang blog “Paano na kung isang araw hindi na ako magparamdam”, ayun oh!!!! Nakakalungkot isipin, bakit ba kasi kailangan magkahiwalay ang mga taong pinagtagpo na, bakit ba hindi nalang pwede magsama-sama ang mga tao, sabi  nga ni Anciro sa blog niya “Mahirap palang iwan ang mga kaibigan na nakasama mo na ng halos dalawang taon,” alam mo yun? Yung nakasanayan mo na ang isang lugar tapos lilisanin mo rin, nakakalungkot talaga, naalala ko tuloy si Arcio, ang Secretary na pinalitan ko, dalawang lingo ko rin yun nakasama, at kahit papano, naging mabait yun sa akin, alam mo ba? hangang ngayon, naaalala ko parin ang mukha niya ng huli kaming magkita, kinamayan niya ako at sinabihang “Noy! Pagbutihin mo hah! Mababait naman ang mga iyan”, super nalungkot din ako that time, pero ok lang, dahil siguradong pag-uwi ko ng Pinas ete-threat ko agad yun, eh! este treat pala, kung nasa Manila kaming Pareho.

Sa mga ganitong sitawasyon, marami akong naaalala, mga bagay na nagbigay sa ng isang malaking marka, mahirap akong makalimot sa isang kaibigan, hindi ako marunong magtanim ng galit sa tao, inisin mo na ako, tiyak maiinis ako niyan, pero mawawala rin yan maya-maya o kinabukasan lang, sabi sa akin ni Akoni “Iba kasi sa akin ang ibig sabihin ng salitang kaibigan, MALALIM”, Uu, tama siya, ganun din ako, masyadong malalim ang salitang iyan para sa akin, pero bakit napakadali kong magtiwala sa isang tao?, alam mo bang, meron akong nakilalang isang babae sa Manila, nagdadrama sa akin, wala na daw siyang pambili ng ticket pa uwi ng Zamboanga City, ayun, binilhan ko naman ng ticket sa barko, nakausap ko pa ate niya at asawa niya sa phone, nangakong papadala agad sa akin ang pera sa susunod na lingo, ehehehe, hangang ngayon, wala akong natatangap na bayad. Take Note (naka-CAPS LOCK yan, kaya dapat magTAKE NOTE ka), nakilala ko lang yun sa Pier hah! Kasi may hinatid din akong isang kaibigan na umuwi ng Zamboanga din noong araw na yun.

anyway (to the highway), hayun, ito phwowzz hangggg qwentow qow (hirap palang maging jejemon… HIDOL NA TALAGA KITA LHUY), 

alam kong sa mga susunod na araw, maiintindihan ko rin at matatangap ko rin ang mga bagay na nangyayari sa akin sa ngayon, tulad ng sinabi ni Raymond R “may bagay na di man natin lubos matangap sa kaagad-agad pero sa tamang panahon malalaman mo ito”.



Salamat sa pagbabasa.




D"N
-----------------------------



Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...