Friday, April 22, 2011

Blog Icon


Una ko itong narinig kay Rainbow Box, tinulungan daw siya ni Kiko (teka kung di ako nagkakamali, nagcomment ito si Kiko sa aking blog entry sa GMANetwork Website noong Januray 2,2011, tama siya na nga, di ko siya makakalimutan), sa totoo lang ng una ko itong marinig buhat kay Rainbow, agad kong hinanap sa site niya kung ano yung tinutukoy niyang Blog Icon na yun, di ko alam kung ano, pero ang una kong tiningnan ay ang kanyang chatbox, alam ko namang hindi yun ang kanyang blog icon, pero ewan ko kung bakit yun ang una kong hinanap, sumakit ang ulo ko sa kakahanap nito, basta sabi niya nasa may bandang taas lang daw, hmmm… tumigil na ako at nagdesisyong kalimutan na yun, di naman yun importante eh, kasi nahihirapan na akong hanapin yung tinutukoy niya.

Kaninang umaga, eh tanghali pala, kasi tanghali na ako nagising, una kong nabasa agad ang blog ni Kamil, at dito sa kanyang blog, meron siyang ipinagyabang, meron na daw siyang Blog Icon na nakuha daw niya ang idea kay Rain Box, aba!!! Teka muna!!! Di na ata pwede to ahhh, bakit si Kamil alam ang Blog Icon, bakit ako hindi, teka muna… magoogle nga yan, pero bago ko pa naopen ang google, ayun lumabas na ang picture na inupload ni kamil sa kanyang blog at nagpapakita ito kung ano ang BLOG ICON.

“HUUUUWWAAATTTTTT!!!! YAN LANG PALA ANG BLOG ICON?” napaupo ako mula sa aking pagkakahiga, sabay alis ng muta, anak ng, ito lang pala, muli kong binalikan ang blogsite ni Rainbow at nakita ko nga na meron narin siya, napailing lang ako, eh kung alam ko lang kasi na ito pala ang Blog Icon eh sana nagawa ko na noon pa.

Ang tamanag tawag kasi dito ay Favicon or Favorite Icon, ito ang makikita niyong maliit na icon katabi ng url address ng isang website sa address bar ng inyong web browser, katulad ng gawa ko letter "P" ang icon, parang Peter Pan lang, magandang gamitin ito, para kung sakaling e-bookmark ng visitor mo ang blog mo magsesave duon sa bookmark niya ang Favicon mo, tulad ng nasa Desktop mo, Favicon din ang tawa dyan, o diba, masmadali mong nahahanap ang mga hinahanap mo sa desktop kasi nga meron kang palataandaan, ako madalas, hindi ko na ako nagbabasa, hinahanap ko na lang ang icon, halimbawa, bubuksan ko ang aking Dreamweaver, Google, Photoshop, Flash, Vegas yung icon na lang nila agad ang hinahanap ko sa desktop ko.

Kaya ng malaman ko na ito lang pala ang Blog Icon na tinutukoy dati ni Rainbow sa kanyang blog, eh napailing na lang ako, natawa sa sarili at narialized tanga ko pala, matagal ko na kasing alam kung paano ito gawin, katunayan meron na ako niyan sa aking Unfinished Website, kaso hindi ko alam kung paano ito gawin sa blog, pero sa unfinished website ko na Pasumangil, eh nalagyan ko na yan dati pa. pero sa blog di ko talaga alam, kaya naman nagsearch ako sa google, at ayun, nakita ko rin kong paano.


Madali lang pala eh.


Una, dapat kang gumawa ng Favicon mo using Photoshop, 16x16 or 32x32, pero mainam gamitin ang 16x16, save mo siya as .ico, pwede mo itong gawin sa CS4, pero dapat may plug-in ka (maswerte ako meron ako nito) pero kung wala ka namang Photoshop, kahit anong image editor na lang, basta ba 16x16 or 32x32 ang width at length niya, tapos kung wala kang plug-in ng .ico, ok lang, save mo na lang siya sa mga sumusunod na format, .png (para sa transparent), .jpeg (para sa picture), .gif naman (para sa graphics), tapos save mo siya sa computer mo.

Tapos punta ka dito sa website na ito, para maconvert mo siya sa .ico, hindi ko na lalagyan ng instruction kung pano ang pagconvert sa kanya, kasi meron ng instruction duon, magiging redundant na lang ang lahat, at saka total self working lang naman yan eh., basta ang importante eh magbasa ka lang duon.

Now kapag na convert mo na siya, dapat mong idonwload ulit sa pc mo, tapos ito ang pinaka mahirap na part, ito ang hindi ko alam noon, at ngayon ko lang nalaman, kapag sa Blog pala, dapat meron kang image host, at duon naka save ang mga image na gagamitin mo para sa Favicon mo, eh ang problema wala akong image host, pero merong File Manager ang web hosting na ginagamit ko para sa unfished webite ko, kaya kinuha ko nalang duon ang Ulr add ng Favicon ko na ginawa ko noon.

Ngayon, kung wala kayong File Manager, pwede kayong magsign-up dito at gamitin ito para sa inyong Favicon. Magsign-up kayo dyan, tapos upload niyo ang ginawa niyong Favicon, tapos kunin niyo ang Url Directory niya. Kakailanganin niyo ito sa susunod at pinaka huling step.

Tapos go to you blogger account, tapos dashboard, tapos Edit Template.


Tapos save niyo na. 


This should work in all major browsers.


Note:

Sa pagkakaalam ko eh pwede mo siyang ilagay anywhere basta nasa loob siya ng tag ng 


Pwede mo ring gamitin yang simple code na yan sa website, di mo na kailangan ng image host kasi automatic nay an na kapag may web host kana, may image host na rin.


Yang code na yan din ang gamit ko sa aking simple unfinished website.


This is the part where you are suppose to try na maglagay ng Favicon or Blog Icon sa blog mo.



Thanks for reading.




D"N
------------------------

13 comments:

  1. nice nag tutorial ka na Al.. no need ko na siguro mag-tutor din... hahahah di ko makita blog icon mo.. kase wait tingnan ko kase nasa icon ng networked blog eh

    ReplyDelete
  2. ang galing mong magturo sir al, hehe! pero wala akong makitang bog icon dito sa bahay mo, pati yong kay meimei hndi ko mkita i dont know why?

    ReplyDelete
  3. blog icon 101 ito!!!! ahahaha

    ang blog icon mo ba ngayon ay letter P??? tapos green ung bground color nya?... un ang nakikita ko sa tab ng chrome ko eh... hmm... dahil maiingitin ako, gagawin ko to pag sipag ako! ahaha

    ReplyDelete
  4. aba tutorial na, inunahan mo yata si kamil. nag request ako nyan sa kanya. hehe. galing galing talaga!

    ReplyDelete
  5. wow! speysyal mention! :D

    maraming salamat kay kuya kiko for helping me sa blog icon ko. its so pretty! =P

    ReplyDelete
  6. Sir Al. ang gwapo naman ng icon mo astig.Ang ingot ko talaga dahil di ko rin makita yan sa blog ni Rosemarie.Eh kung iisipin mo naman Blog Icon nga self explainatory pero ewan ko kung ano yong gusto kong makita noong hinahanap ko ito. kasi may bago siyang pic doon akala yon.

    Gusto kong gawin yan. D naman ang sa akin.
    Salamat sa tuturial.

    ReplyDelete
  7. @Kamil: ahahaha.. pagkagising ko kahapon.. blog mo agad ang nabasa ko ayun gumawa ako ng sa akin...

    @Mommy_Razz: di ko po alam kung bakit dilumalabas.. pag ganyan daw.. dahil sa mahina ang net conection natin..

    @Rap: ahahahah..tama-tama... yan na nga ang blog icon ko... ahahaha.... yehey.. so successful pala ang gawa ko...hahaha pagsinipag pa talaga.. same here kung sinisipag lang ako.. saka ako gumagawa ng mga kung anong ani-anik..

    @Kamil: ahahah.. naunahan ko ba? may plano pala si Kamil.. sorry kamil.. di ko alam..weee.. Maye.. just follow tha step by step procedure... at makakagawa ka ng magandang Favicon..

    @Rain: syempre ikaw pa... hidol na hidol kita no... uu salamat kay Kiko.. pero mas maraming salamat sa pauso mo...

    @Mond: ahahah.. sir al talaga.. weee... ako nga rin.. sa chat box ako nagpunta noon sa site ni Rainbow.. ahahah... natawa naman ako... sa sarili ko.. teka ano ba ksi hinahanap mo.. hmmm.. destracted ka no sa pics bago niyang pics no... hahaha...

    yup gawa ka ng sarili mong Favicon.. eheheheh...

    ReplyDelete
  8. bkit walang lumalabas sa akin???... 48 hours ba bago makita un?... ahaha... baka naman 10 years.. dko tuloy alam kung tama ba ginawa ko... watever!

    ReplyDelete
  9. aba dahil nainggit ako, gagawa din ako nyan.hehehe

    ReplyDelete
  10. @Rap: ano ba ginawa mo? sinundan mo ba ang tinuro ko? ehhehe... weeee...

    @Kringles.. thanks for dropping.. sige gawa ka.. and let me know...

    ReplyDelete
  11. oo.. sinundan ko naman.... ahahaha...

    ReplyDelete
  12. mali pala ung nagawa ko nung una.. ahaha.... OK na.. panget nga lang, wala me maisip eh... pwede naman palitan un anytime. TY ^^

    ReplyDelete
  13. nakita ko nga my blog icon ka narin.. pasalamat tayo kay rain bo.. ahahha. siya pasimuno nito.. ehehehe

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...