Marami na akong napanood na Pelikula mula pa noong bata ako, karamihan dyan ay aksyon, pero noong bata pa ako ang pinaka bloodiest movie para sa akin ay ang Under Siege, hindi ko alam kung bakit, pero basta iyon ang unang pelikula na talagang kinabahan ako ng husto, bilang bata, super hinangaan ko na noon ang pelikulang iyan, at saka paborito ko rin talaga si Steven Seagal noon pa man.
Sa betamax ko lang yan napanood, naalala ko pa ang Ate ko, kinwetohan niya kami tungkol sa pelikulang iyan, maganda daw talaga kasi napanood daw nila sa sinehan ang pelikulang yan, kami namang mga bunso niya ay gusto ring manood kaso hindi kami makapanood dahil mga bata pa kami noon at kailangang may kasamang chaperon bago kami payagang makapanood o lumakad, kaya ang nangyari ng mabalitaan kong meron nang tape sa rentahan naming ng bala ng betamax eh humiram agad ako, naalala ko pa Php11.00 ang halaga ng Betamax at Php12.00 naman ang VHS.
Pagka uwi ko ng bahay, tinago ko agad ang hiniram kong tape, kasi takot akong malaman ng tatay ko na humiram na naman ako sa rentahan, baka magalit siya kasi ang perang baon ko ay imbes na pinambili ko ng pagkain eh napunta lang sa betamax tape, kaya naman hindi ko ipinaalam sa kanila at kinabukasan na namin pinanood ang pelikula.
Sa ngayon, sa tuwing napapanood ko ito ay naiisip ko ang mga masasayang ala-ala nang aking kabataan, naaalala ko rin si Aiko Melendez sa Pelikula nila ni Aga Mulach na “May Minamahal”, kasi sa pelikulang ito, ang paboritong pelikula ni Aiko Melendez ay ang Under Siege, oh hah!!! Isipin mo yun, kung sakaling sa totoong buhay iyon nangyari eh papaano mo liligawan ang isang katulad niya na astig at siga pa kesa sa iyo di ba?
Naaalala ko rin ang kuya ko noon, minsan gumuhit siya ng isang Naval Ship tuald ng sa Uder Siege, ang galing ng kanyang pagkakagwa, ang kaso nga lang ay hindi niya ito tinago at pinahalagahan, hindi rin niya ito pinagtuunan ng pansin, sayang ang kanyang talento.
Naaalala ko rin ang dating Provincial Treasurer ng Tawi-Tawi na si (Insert name), paborito niya kasi si Steven Seagal eh, at talagang ginaya niya ang buhok nito, may hawig din sila sa totoong buhay, kaya nga bagay din sa kanya ang tawaging Steven Segal ng Tawi-Tawi.
…. … .. .
Hindi ito isang review sa pelikula kundi ito ay isang kwento sa likod ng pelikula, naisip ko lang idagdag ang segment na ito upang aking mailathala ang mga pangyayaring naganap sa buhay ko upang mapanood ko lang ang isang pelikula, dahil sigurado ako na sa bawat minutong lumilipas sa buhay natin ay may masayang karanasan na masarap balikan.
Tulad ng isang pelikula kapag napanood mo ito, lilipas ang panahon magiging luma ito, makakalimutan ng tao, pero sa oras na muli mong masilayan ang pelikulang iyan, masasabi mo parin sa sarili mo na “napanood ko yan”, naisip ko lang din na gawin ito dahil narin sa 30 Days Picture Challenge na sinalihan ko, alam niyo bang marami akong natutunan doon? Isa na dito ay ang ginagawa ko ngayon, nalaman ko mula sa Day 2 ng Challenge na marami palan akong pelikulang napanood na puno ng kwento at ito ang dahilan kung bakit ko ito ginawa.
Maraming samalat sa pagbabasa.
D”N
may similarity kayo ni Steven Seagul Al. baka kaya naging idol mo siya.
ReplyDeleteKagabi nagumpisa akong panuurin ulit ang Prison Break.
hindi ko napanood yan.. hehe! those we're the days.
ReplyDeletebetamax.nakakamiss din pala. inaabot kami ng tulog sa bahay nila Aling Nelia, makapanood lamang ng mga pelikula, pero ang uso sa amin ay mga Filipino movies
ReplyDeleteHappy Birthday