Wednesday, July 6, 2011

Day 6 - A picture of your dream house.



Response to 30 Days Picture Challenge.

Lahat tayo ay may pangarap, lahat tayo ay gusto ng marangyang buhay, masagana at masayang pamilya, pero papaano tayo magkakaroon nito kung sa araw araw na na ginawa ng Diyos uuwi tayo sa baronng barong na masahol pa sa bahay ng isang daga.

Kailan man ay hindi ko pinangarap ang magkaroon ng sariling tirahan wala yan sa akin, pero ang tanging hinangad ko ay ang magkaroon ng sariling Tahanan, tahanan na maipagmamalaki, bunga ng aking pagkayod at pagpapakahirap.

Simpleng tao lang ako na lumaki sa simpleng pamilya, bagamat may maayos kaming tahanan na bunga ng pagpupursige ng mga magulang namin ay masasabi namin na pinalaki kaming may mababang kalooban na may simpleng pananaw sa buhay.

Simula ng mapunta ako ng Saudi, pinagtuunan ko na ng pansin ang pagiipon upang magkaroon ng pera at makapagsimula ng maliit negosyo, meron na akong naisip na negosyong papasukin kung gusto niyong maki sosyo eh DM niyo lang ako sa Twitter ko, naks…


At syempre nag-iipon din ako para makagpagawa ng sarili kong bahay.


Parang ganito po sana ang bahay na gusto ko.



Similar to this picture.


Na may Luxury Interior.



Na may sariling swimming pool.



Malawak na backyard.



May half court o Tennis Court.



At may sariling Jacuzzi (masarap kasing makipag date sa Jacuzzi eh, peksman)



Wala na sigurong mas sasarap pa na tumira sa sarili mong tahanan… dito pwede mong gawin ang kahit na ano, walang magbabawal sa iyo at walang makikialam sa iyo, dito magkakaroon ka ng espasyo at katahimikan, di mo kailangang makisama at makibagay, di mo kailangan makiramdam.

Sana dumating ang araw na matupad ko rin ang aking pangarap ang magkaroon nito..

Pero sa ngayon kahit Townhouse na lang muna.. eh ok na ako.




There’s no place like home.


Salamat sa pagbabasa.


D”N



2 comments:

  1. as usual madami kang favorite..hehe! type ko ung unang picture.. hahay! ganda ganda..

    ReplyDelete
  2. Solid na solid. mukhang simple lang din.masarap talaga ang alam mong sa iyo at wala kang pinakikiramdaman kahit itoy kubo laang.

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...