Saturday, July 9, 2011

Day 9- A picture with you and your mother.




Response to 30 Days Picture Challenge.



June 20,2010… ito ang huling araw ko sa Pinas… ang araw na ako’y tumalikod sa aking bayang sinilangan upang magkaroon ng lakas at tibay ng loob na ito’y haraping muli, ito rin ang araw na kung saan pinatay ko ang aking sarili upang muling buhayin sa ibang bansa, ito ang araw na nilimot ko ang nakaraan upang muling mag-ipon ng mga bagong ala-ala. Ito rin ang araw na kung saan ay lubos kong kinaawaan ang aking sarili subalit akin ding hinangaan, kinailangan kung umalis upang muling makabalik ng buo at kumpleto, dahil sa sakit at sama ng loob na nararamdan ko, kinailangan kung magpakalayo-layo upang malaman ko kung gaano ako kalapit sa mga minamahal ko sa buhay.

Sa mga arw na iyon, isang babae sa buhay ko ang higit na nagpahalaga sa akin, sa kabila ng kalagayan niya, pinilit parin niyang humabol sa akin upang kami ay magkita, hindi man ako ang kanyang tunay na pakay sa Manila, pero masasabi ko na talagang itinaon niya ang kanyang pagpunta duon upang kami ay magkita bago ako lumayo, siya ang aking Ina, ang pinaka mamahal kong Ina, ang nagiisa. HADJA SULMA DIWALLAY.




Taong 2001 natapos ko rin ang aking kurso, sa kabila ng hirap at pagod na dinanas ko sa aking pag-aaral, sa wakas masasabi kong may natapos na ako, totoo nga’t ito lang ang kayamanang hinding-hindi pwede bawiin sa inyo ng kahit na sino man, ito ang kayamang maipagkakaloob natin sa ating sarili, hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na ito, ang araw na ako’y nagtapos at tumanggap ng parangal, makikita mo naman sa larawan ang kasiyahang nararamdaman ko di ba, katulad ko, masaya rin ang aking magulang, lalo na ang aking Ina.




Maraming salamat sa pagbabasa.



D”N


1 comment:

  1. hello po nanay ni AL..

    natawa ako don sa picture mong naka toga ka.. hehe! parang wala ka pang muwang sa mundo..:P

    grabi one day tatlo post mo?

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...