Sino ang may bukol sa ulo?
Alas dos ng hapon Kanina...
Kriiiinnnggggg!!!! Kriiiinnnggggg!!!! Kriiiinnnggggg!!!!....
Hello!!!
“Yah Ali.. can you please come to my office”, wika ng kausap kong Arabo na acting supervisor namin sa planta.
“Aiwa Sir!!!”, sagot ko naman sa kanya.
“Thank you very much”, pasalamat niya sa akin.
Pag dating ko sa office niya, simpleng tanong lang naman ang tinatanong niya, paano daw niya ma-update ang Shift Schedule ng mga operator, since hindi naman talaga siya ang supervisor namin at siya lang ay isang hamak acting so hindi daw niya alam.
“Sir! It’s just like this; you go here, click here, change here then save”. Pagtuturo ko sa kanya.
“Ahhh!!! Aiwa.. Shukran Yah Ali”, pagpapasalamat ng mabait kong supervisor.
Bago umalis, kinuha ko muna sa kanyang table ang mga documents na kailangan kong maifile saka ako lumabas, di naanan ko ang Control Room at tiningnan ang mga kasama kong arabo na operator at nakipag biruan sandali, saka ako lumabas ng masigurado ko na wala silang kailangan sa akin, nasa kabila kasi ang Office ko katabi ng Office ng Manager namin, hinanap ko muna ang Janitor namin at may pinahatid akong documents sa kabilang building, ganito kasi ako minsan, kapag tinatamad ako, eh inuutusan ko na lang ang Janitor namin o kaya tinatawagan ko ang UPS namin, opo… may opisina po ang UPS sa building namin, kahit nasa tapat lang namin ang padadalhan ng sulat o kaya dokyumento eh tinatawagan pa namin ang UPS upang sila ang maghatid nito, pero kapag sinisipag, kahit pa malayo yan ako na ang naghahatid.
Pero kanina, since nakita ko ang Janitor namin eh siya na lang ang inutusan ko, nakipag biruan pa sa akin ang Bangaling Janitor namin saka niya kinuha ang Documents at hinatid sa kabilang laboratory, ako naman ay kumuha ng tubig at uminom saka lumabas ng Tea Room.
Naglalakad na ako papalabas at akmang bubuksan ang pinto ng BAG@$%~%@!!@... Maraming star ang nakita ko, at mga ibon na nagliliparan sa aking ulo… huwaaaaa.. sumalpok ang nu’o ko sa pintuan ng control room, sanay na kasi ako na kapag lumalabas ako sa pintong ito eh tinutulak ko lang ng pa’a ko ng marahan mabubuksan na siya agad o kaya minsan tinutulak ko ng tuhod ko,pero kanina, since alam kong konting tulak ko lang eh mabubuksan na ito agad eh malakas ang pag bangga ko dito… opo.. bangga.. binangga ko po ang pintuan.. total alam ko namang mabubuksan agad ito, pero pagka bangga ko ko eh BAG$#%@*^#$%$! Nakakita ako ng mga ibon, parang nahilo ako at di makapagsalita at medyo nawalan ng panandali sa katinuan dahil sumalpok ang ulo ko sa pinto at ayaw itong mag bukas.
Lentek.. sino ba ang nag ayos ng pintong ito.. bakit walang nagsabi sa akin na inayos na pala ito… kaya ayun.. may bukol po ako sa nu’o ko ngayon… ehehhehehe!!!
Pasalamat na lang ako at alang nakakita sa pangyayari. Kundi naku… nakakahiya…
Bago umuwi.. nakasalubong ko ang isang operator.
“Yah Ali.. Going home?” tanong niya sa akin.
“Yeah!!! Going home”, sagot ko naman sa kanya.
“So how’s your head? What happened to you in the door way awhile ago?” Tanong ng niya sa akin.
Paksyet!!!... kala ko lusot na at walang nakakita.
Hmmmp… makapag luto na nga…
Yun lang…. may may post lang ako….
D”N
hahaha! ikaw na ang may bukol!!! gamot sa bukol meron ka?! ahahahaha
ReplyDeletehaha.. anong tawag dyan? lol... ok lang yan tol, sh*t happens..
ReplyDeleteoi, sa tanong mo bakit bihira ako mag blog.. medyo uninspired lang wala akong maisulat lately. hehe.. take care.. next time siguraduhing bukas ang pinto bago dumiretso. lol!
ang saya noh?... ahahha
ReplyDeletefeeling mo ata makakapag teleport ka eh.. lols.
ulitin mo uli ah... ^^