Friday, July 15, 2011

Day 14- A picture of your favorite fast food place.



Response to 30 Days Picture Challenge.



Malaki ang naitutulong sa atin ng mga fast food, bukod sa ito’y mura na eh nararanasan pa natin kung paano ang kumain sa restaurant. Para sa katulad ko masgugustuhin ko pang kumain na lang sa fast food kesa sa mga karenderia sa tabi-tabi.


Ito po ang mga sumusunod.
Marami akong paboritong fast food nangunguna na rito ang Jollibee, ilang taon din akong binuhay nito noong nasa Manila pa ako. 
Sunod dito ang Tokyo-Tokyo, paborito ko rito ang Chicken Karaage nila, meron din silang rice all you can, nauna pa ata sila sa Mang Inasal na nag-offer ng ganon eh, tapos nagustuhan ko rin ang chilli powder nila.


Gusto ko rin ang Mang-Inasal dahil bukod sa masarap na ang pagkakaluto ng manok nila eh rice all you can din sila, tapos pwede pang kamayin na lang ang pagkain.

Masarap ang Pizza nila, kaya gustong gusto ko talagang kumain dito, gusto ko rin ang hot souce nila na kahit buhusan ko na ng maraming sauce ang pizza ko eh wala paring anghang, pero masarap ang lasa niya.



Hindi ako sure kung pwede siyang tawaging fastfood, pero madalas akong kumain dito, gusto ko kasi ang pasta nila.


Yaw... di ko makakalimutan ang minsang kumain kami dito, isang basong juice ang nabuhos sa likuran ko, basang-basa ang long sleeve ko, buti na lang at tapos na ang trabaho ko, kaya ok lang kahit magtanggal ako ng long sleeve dahil t-shirt ako sa loob, di pa naman ako madalas magsuot ng t-shirt kapag naglolongsleeve ako.


Yan lang po ang mga paborito kung pinupuntahan na mga fast food.


Salamat sa pagbabasa.


D”N


3 comments:

  1. Love ko ang mang inasal dahil sa grilled chicken. mahilig ako sa mga inihaw at toKyo-tokyo dahil sa signature drink nila.

    Yan ang mga namimiss ko sa PInas.

    ReplyDelete
  2. ang dami mong gusto.. love ko din mga yan..

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...