Sunday, July 10, 2011

Day 10- A picture of a random item you own.



Response to 30 Days Picture Challenge.

Sa katulad kong mabusisi… isa sa mga kailangan ko ay ang Laptop o Desktop, hindi mo pwede alisin ito sa akin, dahil kapag ginawa mo iyon para mo na rin akong nilumpo, wala akong magagawa buong maghapon kundi ang tumunganga.

Kaya naman ng makapunta ako dito sa Saudi, nahirapan talaga ako sa tuwing nasa bahay ako, kasi wala akong sariling laptop, nakikigamit lang ako sa mga kasama ko na madalas eh mahaba na ang 10 minutes na gamitan at madalas na ang isang beses sa isang linggo, kasi una, nahihiya akong magtagal sa paggamit ng laptop nila kasi tulad ko alam kong gusto rin nilang makausap ang kanilang mga mahal sa buhay, ikalawa, nahihiya naman akong dalasan ang paggamit sa laptop nila para hindi sila agad manawa sa pagpapahiram sa akin.

Pero ganun pa man, nahihirapan parin ako kasi ang dami kong namimiss na mga kaguluhan sa Net kapag hindi ako nakakagamit ng laptop sa isang araw, simulan na natin ang mga updates sa majika at forum ng mga majikerong sinalihan ko, araw-araw my updates kami tungkol sa majika at habang tumatagal na wala akong laptop eh maslalo akong nahihirapan.

Sa Facebook halimbawa, yun na lang ang nagiging parang bridge of communication ko sa mga mahal ko sa buhay eh mawawala pa ba? Ang hirap kaya ng malayo sa family mo, Di ba?

Kaya naman, ng magkapera ako eh pikit mata ko nang binili ang laptop ko, ayaw ko rin naman bumili ng netbook, kahit na yun daw ang wise move na magagawa ng isang baguhang OFW na katulad ko, pero para sa akin, hindi yun wise move, kasi kailangan ko ng magandang klaseng computer hindi yung pang net lang, kasi nga sa dami ng mga applications na gusto kong pag=aralan eh kailangan ko talaga ng magandang klaseng computer di ba.

Marami din akong mga Applications na ginagamit, nangunguna na dyan ang Dreamweaver, Adobe at Vegas, ngayon pinag-aaralan ko naman ang Fruity Loop at Cakewalk, mga applications yan na ginagamit sa pag-gawa ng beat, I was thinking na gumawa ng mga beat, wala lang, gusto ko lang pag-aralan, kaya hindi pwede sa akin ang netbook dahil wala akong magagawa dito, karamihan kasi sa mga applications na ginagamit ko eh nangangailangan ng mga higher version ng laptop, tulad na lang ng Maya, 3D Max at AutoCAD, although wala pa ako ng mga ito, pero im sure pag uwi ko magkakaron ako nito dahil meron akong software nito sa kwarto ko, may konti rin tayong alam sa pag gamit ng mga ito, kaya masasabi ko na talagang dapat laptop ang bibilhin ko.

So here is the picture of my laptop.

Ladies ang Gentle Dog… presenting…. “Mustaza”, opo, may pangalan po talaga ang lappy ko, siya si Mustaza, ang pinakamamahal kong si Mustaza. Maka ilang beses narin akong nanood ng porn na gamit siya.. Ehehhehehe… wala lang.





Yung mouse naman ay si “Musey”, yung mp3 naman ay si “Kamatis”



Maraming salamat sa pagbabasa.


3 comments:

  1. pati ba naman laptop at mp3 may name, hehe! nice to meet you musey at kamatis..:P

    ReplyDelete
  2. al meron din akong gayang mp3 sony naiwan ko lang taxi.meron diyang naka instal na music na gustong gusto ko nakalimutan ko na ang title relaxing sounds para akong lumilipad sa hangin pag pinapakingan ko

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...