Ayun oh.. bawal na daw ang paninilgarilyo sa pampublikong lugar, tulad ng terminal, paaralan, mall, bar at kung ano ano pang kaek-ekan, kung sino man daw ang mahuli ay may pataw na multa o kaparusahan. Magsisimula ito ngayong Hulyo 1,2011 alinsunod sa RA 9211 act, aba Hulyo 2 na ngayon ah!!! Kita mo nga naman… late na ako sa balita.. ehheheheh….
Sa mga mahuling naninigarilyo eh ito ang multa.
First Offense = Php500.00
Second Offense = Php1,000.00
Third Offense = Php5,000.00
At kung wala ka daw pambayad sa multa eh papatawan ka ng walong oras na community service. Galing no!!!
Ano kaya yang Community Service na yan.. mukhang sosyal ahhh... English kasi eh...
At mula daw ng ibalita nila na ipapasatupad na ang batas na ito, eh mahigit anim na libo na daw ang kanilang na warningan… kaya WATCH KAAAAA….
Para sa akin… maganda ito, para naman mabawasan ang mga naninigarilyo sa pampublikong lugar.. minsan kasi ang mga tao.. kapag naninigarilyo eh hindi na nila iniisip na merong mga tao na hindi naman naninigarilyo at napeperwiso sila sa usok na nagmumula sa sigarilyo. Maganda ang hangarin ng gobyerno natin at all out ang support ko dito.
Pero alam niyo.. na masmaganda kung mismong pagbebenta ng sigarilyo ang ipagbawal, at ipasara na ang pagawaan ng sigarilyo sa Pinas, yung totally banned na ang sigarilyo sa pinas, yun ang mas mainam.. pero teka.. huwag na nating masyadong e-elaborate ang pagtutol ko sa pagbebenta nito, kasi baka maisipan pa ng gobyerno at biglang ipatupad.. ejejejej… pero malamang hindi yun mangyayari kasi mahigit sa 2 bilyon ang kinita nila sa TAX ng sigarilyo… kaya asa ka pa na gagawin nila yun.
Well anyway.. hindi ko na pangungunahan ang Gobyerno, dahil alam na nila ang kanilang gagawin… nag post lang ako nito upang meron lang mapost lang ako ngayon liban sa 30 Days Picture Challenge…. Yahoo….
Government warning:
Smoking is dangerous to your health.
Tambling muna ako bago ako magpasalamat.
Samalat ng marami.
D”N
Magandang umpisa yan.At may tama ka Al. Kung ipatigil na kaya nila ang production niyan sa Pinas at pag angkat sa ibang bansa bibilib ako sa kanila yan ang tunay na batas.
ReplyDeletekawawa naman ang mga naninigarilyo..LOL! kong late ka sa balita, mas late ako, ngyn ko lang nalaman dahil dto sa post mo..
ReplyDeletehay naku hopefully naman hindi lang sa salita yang republic act na yan. sa katulad ko'ng hindi nagyoyosi, pabor na pabor ako dyan hehhe
ReplyDeleteHAY NAKO MISMO GOVERMENT OPISYAL HINDI NGA NILA MAPIGILANG GUMAMIT NG YOSI LALO NA KAYA ANG INDIBIDUAL. . . .. DAPAT GAWIN TOTAL BANNED?
ReplyDelete