Saturday, July 2, 2011

Day 2 - A picture of your favorite movie.


Response to 30 Days Picture Challenge.


1986, Bata pa ako noon, marahil edad 6 years old to 7 ng mapanood ko ang Pelikulang Super wan-tu-tri na pinagbidahan nina Tito, Vic, and Joey, sa pag kakatanda ko, ito ang kauna-unahang pelikulang napanood ko sa sinehan, kasama ko ang Aunty ko ng mapanood ko ito, simply lang ang pelikula, pam bata talaga.


Rocky naman ang unang pelikulang natatandaan ko na napanood ko sa Telivisyon noong bata pa ako, Black and White pa ang TV namin noon, di ko na halos tanda ang kwento nito, pero tandang tanda ko pa na nakaupo kami ng kuya ko sa sahig habang nanonood nito, kinokwentohan ako ng kuya ko habang pinapanood namin ang pelikulang ito.


Muslim 357 naman ang kauna-unahang pelikulang napanood ko sa Betamax, wala pa kami noon nito at madarang pa ang pamilyang meron nito, pero ang Uncle ko eh meron na agad sila, hinding hindi ko makakalimutan ng mabaril at mamatay ng batang inaalagaan ni FPJ sa pelikula na nagtulak sa kanya upang lumaban.


Conan the Barbarian naman ang unang pelikulang natatandaan ko na napanood namin sa aming sariling Betamax ng makabili kami, madalas ko na ito mapanood sa telebisyon noon kaso hindi ko pa ito napapanood ng buo, kaya ng makabili kami ng sarili naming Betamax eh ito agad ang hiniram namin sa rentahan.



Hook (1992):, ito naman ang unang pelikulang napanood naming magkakapatid na wala kaming kasamang matanda o sabihin na lang nating chaperon para naman magandang pakinggan, naging kaugalian na namin kasi noong mga bata pa kami, na kapag nakakasama kami sa tindahan namin sa bayan eh pumupunta kami sa sinehan at tinitingnan ang mga pictures ng mga pelikulang pinapalabas sa sinehan. Oks na kami sa ganun… syempre mga bata pa kami noon eh.. kaya naman ng minsan na pumunta kaming magkakapatid na lalake sa sinehan para tumingin tingin eh nakita namin na palabas na ang Hook, kaya nanood kami, takot na takot pa kami noon na manood, nagtanong pa muna ako sa security guard kung pwede kami manood bago kami bumili ng ticket, sa loob naman dahan dahan kaming magkakapatid na naghanap ng mauupuan, at bago kami tuluyang pumasok eh sumilip muna kami sa loob kung maraming tao o hindi, tapos naupo kami malapit sa pintuan para kung sakaling may gulo eh madali kaming makalabas, takot at excitement ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon. Kasi naman, unang beses namin nanood ng sine na walang kasama, pagkatapos namin nanood eh pumunta na kami sa tindahan ng mama ko na malapit lang sa sinehan, hinihintay na nila kami duon, nakangiti na siya sa amin at tinanong kami kung nagenjoy ba daw kaming tatlo.


Demolition Man (1994): ito naman ang unang pelikulang napanood namin dalawa pati ng kuya ko dahil sa pagbubulakbol kasama ang isa naming pinsan, sa katunayan, ito ang kauna-unahan kong hindi pumasok sa ekwelahan at bagkos ay nag-absent na lang upang makapanood ng pelikula sa sinehan. Naalala ko pa ng paakyat na kami sa taas upang manood eh tinitingnan ko pa ang poster ng pelikula ni Johnny Depp na Secret Windows at bago kami pumasok sa sinehan eh bumili muna kami ng snack sa tindahan nito at binigyan pa kami ng isang lalake na iyon ng bente dahil nakita niyang kulang na ang pera namin upang makabili ng pagkain, narinig niya kasi na sinabi ng kuya ko na itabi na namin ang pamasahe pauwi, tapos nasabi ng pinsan ko na kami na lang ang bibili ng pagkain dahil kulang na ang pera namin at makikihingi na lang siya sa amin, marahil naawa sa amin ang mama kaya binigyan kami ng lalakeng iyon ng pera. Yahoo.


George of the Jungle (1997): ito naman ang unang pelikulang napanood ko sa sinehan kung saan eh nakipag date ako sa isang magandang babae na ehem eh sinagot naman ako, yahoo, siya ang unang Boy Friend ko sa College, eh Girl Friend pala.


Titanic (1998): ito naman ang kauna-unahang pelikulang napanood ko ng maraming beses sa sinehan, dahil kasi sa tuwing merong gustong manood nito noong pinapalabas pa ito sa sinehan eh ako parati ang nagiging chaperon nila, mula sa mga Maids namin, kamag-anak at kung sino-sino pa eh ako parati ang tinatawag upang samahan sila, mga 12 times ko ata napanood ito, well ok lang naman eh no, total mura lang naman ang ticket noon, naaalala ko pa na sa halagang Php15.00 eh makakapanood kana ng sine pero ngayon, tumataginting na 120-150 na ang bayad, hindi pa iyon iMAX hah….


Soal nya siapa (The question is who?) yan naman ang kauna-unahang Malaysian Movies na napanood ko, favorite ko rin yan, lalo na ang bida nila na si Eera Fazira na isa sa pinaka sikat at magandang actress sa Malaysia. 2003 ng mapanood ko ang pelikulang iyan.


Karate Kid (2010): yung pelikula naman ni Jackie Chan na kasama si Jade Smith na Karate Kid ang huling pelikulang napanood ko bago ako pumunta dito sa Saudi last year, kaya naman naging memorable din ito sa akin at naging favorite movie ko rin ito, dahil narin sa noong mapanood ko ito eh parang nagbalik sa akin ang kabataan ko, kasi naaalala ko noon ang Original na Karate Kid, wow.. masyado pa akong bata noon, kapag napapanood ko ito eh naglalagay agad ako ng tela sa ulo ko upang gayahin si Daneil Son sa original karate kid.


Marami akong pelikulang gusto at paborito, sa katuyan isa dito ay ang X-Men One, na hanggang ngayon ay halos kabisado ko ang bawat linya ng bawat main character nito, pinatunayan ko ito last time sa mga kasama ko, may kopya kasi ang kaibigan ko nito at gusto niyang makita kung talagang totoo ang sinasabi ko, kaya ayun, pinanood namin at sinabayan ko ang bawat salita nila sa loob ng pelikula, tawa sila ng tawa.

Bukod kasi sa panonood eh pinipilit ko rin kasing pakinggan ang bawat salitang sinasabi nila, talagang concentrate ako kapag nanonood ako, focus ako sa bawat galaw nila, hindi lang yung action ang pinapanood ko kundi pinapansin ko rin pati ang mga visual effect, cinematography, settings, story lines at higit sa lahat script nito, kaya naman madalas eh tumatatak sa isip ko ang mga famous line nila, marami akong memorized na linya sa mga favorite movies ko.

Hindi ko na mailalagay ang lahat ng paborito kong pelikula, dahil sasabihin ko sa inyo, napakarami, sobra, mula sa local films natin, hanggang sa mapunta sa ibang bansa tulad ng Malaysia, China, Thailand at Europe eh marami akong paborito at higit sa lahat Hollywood, pero Hollywood lang at Pinoy ang pinakita ko ngayon at isang Malaysian Film, kasi talagang hahaba ang blog ko kapag di ko pinigilan ang sarili ko. eheheheh…


Pero alam niyo ba, na sa lahat ng pelikulang gusto ko at napanood ko eh ang Armageddon ang kauna-unahang pelikula na nagpa iyak sa bato kong damdamain, opo, sobra akong naiyak at hindi ko mapigilan ang bawat patak ng mga luha sa mata ko, ng mapanood ko ang pelikulang ito, naiyak ako sa parter ng kung saan eh nagpapa alam na si Bruce Willis sa kanyang anak na si Liv Taylor.

Isipin mo hah… ipinagpalit niya ang kanyang buhay sa kaligayahan ng kanyang anak, nagpakamatay siya upang mabuhay lang ang lalakeng mahal ng kanyang anak, isang dakilang pagmamahal ang ipinakita ni Bruce Willies sa pelikulang iyon.


Toy Story 3 naman ang kauna-unahang animated movies na nagpaiyak sa akin, Oows!!!! pak boom, Uu, naluha ako ng husto sa pelikula, kumbaga natouch ako ng sobra, ehehhehe, hindi ko ini-expect na may halong matinding drama ang pelikulang iyon, naikwento ko na ito noon, kung gusto niyo basahin pindutin lamang ito.

Isa sa mga paborito kong libangan ay ang manood ng pelikula, isa ito sa mga gawain na hindi nyo pwedeng alisin sa akin. Maraming salamat po sa inyong pagbabasa.



“You need three things in the theater - the play, the actors and the audience, - and each must give something”





D”N


4 comments:

  1. ahahaha! ang kulet nung kila tito vic n joey!

    ReplyDelete
  2. Ang dami mong favorite movie. wala akong kahit isang maalala.Di kasi ako talaga nahilig manood ng movie ngayon lang dahil pinaguusapan pero bihira lang talaga.

    Ang dami ko ng movie na naka standby lang di ko pa napapanood.Inaantok kasi ako pag nagumpisa ng manood kaya kailangan sobrang ganda talaga at maaksiyon kung hindi di ko ito matatapos.

    ang mura naman ng sini sa inyo 15 lang talaga.

    ReplyDelete
  3. ang dami mo naman fave na movie.. masaya ako kasi nasali jan ang Titanic ko.. hehe! i love toy story 3 and Armageddon too.

    ReplyDelete
  4. ang daming favorite movie. armageddon is also one of my all time favorite. I also love you story- 1,2,3,..true, kahit yung bother ko naiyak sa toy story 3. hehe..

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...