Tuesday, July 5, 2011

Day 5 - A picture of your favorite board game.


Response to 30 Days Picture Challenge.


Chess

Marahil grade 5 ako ng una akong matuto ng larong Chess, kapitbahay namin ang nagturo sa aming magkakapatid, astig, tinuruan pa niya kami ng the Famous Three Moves, yeah!!!! Lupets namin sa mga ibang kalaro namin, lahat sila di manalonalo sa amin at lagi naming nabibiktima ng sekreto ni teban ang Three Moves, umapela pa ang papa ko, hayun taas noo akong lumaban sa kanya dahil alam kong matatalo ko siya, pero twalalala, one move lang ako, checkmate na…. nyeheheheh… Joke… basta lahat ng opensiba ko nadedepensahan niya, anak ng tinapa, binigyan pa niya ako ng apat na horse pero wala parin… Talo parin ako. Elibs na elibs ako sa papa ko noon, siya na ang chess master para sa akin, talo pa niya si Bobby Fischer (Naks!!!! Google na yan.. para malaman niya kung sino yun?).


Snake and Ladder

Ito na marahil ang pinkaa sikat na boar game na pambata sa pinas, marahil mga edad pito hanggang walong taong gulang ako noon, nang magkaroon kami ng Snake and Ladders… niyehehehe… kasama namin naglalaro ang Mama namin na ang kinakampihan niya parati ay ang bunso naming kapatid. Masayang maglaro nito.. nakakaddik talaga… alam mo yung akala mo ikaw na ang mananalo pero yun pala eh hindi parin.. siguro kahit di ko na ipaliwanag kung papaano ito laruain eh siguradong alam niyo na di ba.

Monopoly

Katulad ng Snake and Ladders… nakalaro rin ako ng Monopoly… matagal ko na itong naririnig.. pero di ko alam kung papaano laruin.. napasali pa ito sa kanta ng Rivermaya… Pero wala talaga akong idea kung papaano ito nilalaro not until may nagbigay sa akin ng virtual application nito… wow.. hanep.. unang beses kong maglaro nito eh virtual pa talaga…. ehehehhe…


Nang makapunta ako ng Saudi.. eh nalaman ko na may Monopoly pala ang mga kasama ko dito.. ayun.. nagyaya akong maglaro sa kanila… actual game na.. hindi na sa computer…. Para sa kaalaman niyo ang Monopoly ay isang board game na ginagamitan din ng dice… kung saan ang bawat galaw mo ay naka dipende sa numerong lalabas sa dice…


Pero para sa akin nakakabato ang larong ito… nabobored ako.. inaatok at nawawalan ng gana.. sa katunayan nang minsang makipaglaro ako sa mga kasama ko dito.. yung may ari lang ata ng monopoly board ang nag eenjoy sa laro.. lahat kami ay pilit na pinapasaya ang sarili naming, pilit ang tawa at pilit rin ang ngiti… ehehhehe..




Pero alam niyo ba… bilang isang Muslim bawal sa amin ang maglaro ng Monopoly.. kasi katulad ng Snake and Ladders eh nakadipende kasi ang galaw mo sa ibibigay sa iyo ng dice na numbero eh.. yun ang bawal sa amin.. yung umasa ka sa luck… di nga bat bawal sa amin ang pumusta sa laro.. sa larong monopoly kasi at Snake and Ladders.. parang pumupusta ka na sa Dice.. kung anong kapalaran ang ibinigay sa iyo ng dice yun din ang igagalaw mo… kaya bawal na bawal sa amin yun.. although hindi nabanggit ang snake and ladders ng magsermon ang isang Uztadz (Muslim Scholar) sa amin eh masasabi ko parin na kasama na marahil ang Snake and Ladders duon.. kasi pareho lang naman ang logic niya eh…


Pero kung talagang pinagpaguran mo ang laro.. tulad ng basketball na kung saan ang pagkapanalo mo ay nakadipende sa galing mo at ng mga kasama mo… o kaya chess na nakadipende naman ang pagkapanalo mo sa utak mo eh walang problema… accepted na yan… basta walang pustahan… siguro pwede na kung sino ang matalo eh siya ang magpapamerienda… pero di parin ako sure sa huli hah…



Pero bilang isang Filipino, sa isip sa salita at sa gawa, para sa akin wala na sigurong tatalo pa sa larong DAMA.





So ayun po ang favorite Board Games ko… ehehhehe….


Salamat sa pagbabasa…


D”N

5 comments:

  1. Ang lufet. ang daming laro at puro larong mayaman at matalino nakakaingit naman.Ayoko ng larong chess feeling ko unnecessary stress para sa akin. ayaw ko ng nagiisip sa mga ganito gusto ko relax na laro lang.

    ReplyDelete
  2. ang dami mo namang paborito.. hehe!

    Snake and Ladder ang sa akin..

    ReplyDelete
  3. paborito ko ung chess. yun lang. may masabi lang

    ReplyDelete
  4. elementary ako ng matutong maglaro ng chess..pero hindi ako magaling..

    ReplyDelete
  5. Ako, mahilig lang ako sa online chess, pero hindi pako nakakapaglaro ng chess mismo.. Para sa akin, walang makakatalo sa SCRABBLE. :)

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...