Friday, July 1, 2011

Day 1 - A picture of your dream car.


Response to 30 Days Picture Challenge.


Beetle car, Turtle type, yan ang tawag ko sa sasakyan na yan noon, yan ang isa sa mga favorite car ko, ang Volkswagen, noong bata pa ako, super natutuwa ako kapag nakakakita ako nito, bukod kasi sa cute siya eh kakaiba pa ang paglagay ng makina nasa likod, nyeheheheh, kaya nga minsan natawa talaga ako ng mapanood ko ang pelikulang Darna starring Nanette Midved, sabi ni Dencio Padilla kay Ton-Ton ng masiraan sila ng sasakyan “Naku ninakaw ang makina ng kotse natin”, sabi naman ni Ton-Ton! Tanga nasa likod ang makina nito. Yahoo. Galing no…

Alam niyo ba ang tamang tawag sa sasakyan na yan, kasi ako hindi ko alam. High school na ako ng una kong pagtripan ang ganyan klaseng sasakyan, Top Down ang tawag namin dyan o kaya minsan owner type jeep, mababa lang yan pero astig sa daanan, mostly stainless ang katawan niyan kaya nga kakaiba eh, isang mini 4x4 na talaga namang masarap sakyan.

Maraming ganyan sa Zamboanga, nagliparan, noong high school pa ako, ganyan halos ang lahat ng sasakyan ng mga anak ng mga mayayaman duon amin, tuwing papasok na sila sa eskwelahan eh kanya-kanya na sila ng parking sa labas ng paaralan namin, habang ako naman ay naglalakad lang papasok sa eskwelahan, mula kasi elementary ako hanggang grumaduate ako ng High School eh hindi talaga ako nakatikim ng magcommute eh o ihatid ng kotse namin, naglalakad lang ako parati, pano naman kasi ang school na pinapasukan ko eh utot lang ng principal namin eh maririnig ko na sa kwarto namin, ganun siya kalapit, kahit sabihin mong nasa kabila lang ng bahay namin ang silid paaralan namin. Yahoo.

Sa dami ng owner type jeep na ganya sa Zamboanga, isa lang ang pinakasikat sa kanila, yun ay ang top down ng kaklase ko, mula kasi elementary kami hanggang ngayon yung sasakyan parin niya ang hinahangaan ng lahat ng taga Zamboanga city, pano naman kasi, bukod sa masyadong maliit siya kumpara sa ibang Owner Type eh kinulayan nila pa ito ng puti at sinulatan ng pagkalaki-laking pangalan na Bridgestone, maganda ang bumper niya at may stereo na galing pang Malaysia ata at super lakas ng pagpapatug-tug ng mga kanta mula sa Skid-Row, bukod dito babae ang kadalasang nagmamaneho sa kanya, bukod sa maganda na silang magkakapatid eh galing pa sa isang promenenteng pamilya, oh yeah… kapag dumadaan na yan, sigawan lahat ng mga estyudyante, hanga silang lahat sa sasakyan ng kaklase ko kasama na ako sa mga humahanga sa kanila.


1997 naman ng una akong humanga sa BMW, ito ay nang mapanood ko sa sinehan ang pelikula ni Alicia Silverstone at Benicio Del Toro na Excess Baggage, yahoo, super ganda pa ng sasakyang iyan noon, BMW 850i, sobra akong naaddik noon sa BMW, dami kong mga pictures niyan na nakadikit noon sa aking higaan, at duon ko rin unang inasam ang kagandahan ni Alicia Silverstone, naks…

Gusto ko rin ang Honda Accord, dahil ito sa kasama ko na si Khalid, sobra kasi ang pagkahilig niya sa sasakyan, ika ko nga eh sabihin mo lang ang pangalan ng sasakyan sa kanya at mailalarawan niya sa iyo ang desenyo ng logo nito, at noong magkasama kami ulit at maging magkaklase sa college noong 1999 eh wala na siyang bukam bibig kundi ang Honda Accord na green ng kaklase namin na noon ay nag-aaral sa Manila, lowered at malakas ang stereo, tinted ang windshield nito at madaming staff toys sa likod, ganito niya ilarawan ang sasakyan ng kasama namin noon, kaya naman hanggang ngayon sa tuwing nakakakita ako ng Honda Accord siya agad ang naaalala ko at yung isa naming kaklase na nag-aaral noon ng Law sa Manila.

Gustong-gusto ko rin ang Audi, dahil ito sa pelikulang Ironman, isa kasi sa mga sasakyang ginamit nila doon ay Audi at dahil narin sa tuwing pumapasok ako sa Call Center noon eh nadadaanan ko ang showroom ng Audi sa Edsa, kaya tumatak talaga ito sa utak ko, at dahil din sa minsan nabasa ko sa Yes Magazine na meron ding Audi si Willie Revillame, binili niya ata ito prior ng mapanood niya ang Ironman, pero hindi ako sigurodo sa info ko hah, ganun lang kasi talaga ang pagkakaalala ko.

Gusto ko rin ang Ford Mustang, dahil ito sa Fast and The Furious Movie, super nagandahan ako sa desenyong nito, para sa akin, panlalaki talaga ang sasakyang ito, at kung sakaling yayaman ako, ito ang unang sasakyang mamahalin na bibilhin ko.

At syempre, gusto ko rin ang Chevrolet Camaro, self explained na siguro no, kahit di ko na sasabihin kung bakit ko ito nagustuhan, pero anyway for the sake na para magmukhang mahaba ang blog na ito eh sige na nga.. sasabihin ko na, dahil ito sa pelikulang Transformer, isa kasing 1970’s Chevy Camaro si Bumblebee eh na later eh naging 2007 model na ng Chevrolet Camaro, para sa akin, super ganda niya at katulad ng Ford eh panlalake rin talaga ang desenyo nito, kung meron lang sana akong sasakyang katulad ni Bumblebee eh talagang astig ka na noon.

Jaguar, hindi-hinding ko makakalimutan ang araw na iyon, July 2003, nasa labas ako ng KLC (Kuala Lumpur Center) at naghihintay ng Taxi, ng biglang pumarada ang isang 2000 model na Gray Jaguar Car, ito ang unang beses kong makakita ng mamahaling sasakyan sa buong buhay ko, binuksan niya ng driver ang bintana at duon ko nakita ang isang napakagandang driver na ngumiti pa sa akin at naghello, sasagot na sana ako ng biglang tumayo ang isang babaeng katabi ko sa upuan at lumapit sa kanya at nagbeso beso ang dalawang Malaysian Girl, pak.. Di pala ako ang binati niya.. buti na lang at may pagkasuplado ako.

Porsche Boxter Type po ito


Porsche, Ferrari at Mercedes Benz, kahit na sino naman siguro eh gustong magkaroon nito no, pero ok lang ako sa kanila, hindi ko masyadong pinagtitripan sila, pero kung sakaling mabigyan ako ng pagkakataon na makabili nito, eh syempre hindi ako magdadalawang isip no, talagang bibili ko.

Hayun oh… natapos rin, yan po ang mga favorite cars ko, pero sa totoo lang hindi naman talaga ako mahilig sa sasakyan eh, kahit ano na lang, basta tumatakbo wala nang problema sa akin at ayos na ako, sa katunayan, sa Zamboanga eh isang black Honda Wave Motor lang ang gamit ko, habang ang kuya ko naman ay Kotse. Ok lang.. Total di magastos sa gasoline eh. Yahoo…

Pero alam niyo ba na lahat ng sasakyang binanggit ko dito eh ginagawang laruan lang ng mga Arabo dito yan, at ginagawang pang drift nila sa high-way, na akala mo eh mumurahing sasakyan lang, dati ang tingin ko sa GMC na sasakyan eh super astig na, kasi mukhang mga congressman lang ang merong ganyan eh, kaso dito, isang operator lang sa planta na Arabo ay ganyan ang service nila, nagliparan dito ang GMC.

Ang Honda Accord naman ay ginagamit lang nila pamalengke, ang Mercedez Benz ay gamit lang nila papunta sa Mall o kaya ihatid ang mga anak nila sa eskwelahan, walang kwenta sa kanila ang sasakyan dito, mayaman na bansa kasi eh.


Kayo ano po ang sasakyang trip niyo?


Salamat pos a pagbabasa.


D”N




5 comments:

  1. sa dami mong gustong sasakyan!! hanep nga yan.. nakalimutan ko tuloy paborito ko.. haha!

    ReplyDelete
  2. kaya pala ang tagal kung hinintay ang dami mong dream car. at patindi ng patindi habang tumatagal.

    natawa ako doon sa makina na nasa hulihan.ibang klase. bao-bao ang tawag namin diyan kasi parang turtle.

    ReplyDelete
  3. Uu mond... kami rin.. Bao'o naman ang tawag namin.... ehehheh...

    Mommy Raz... Join na po ikaw sa aming pakulo.. mayasa ito... wala namang rules eh.. ako lang naglagay ng rules dyan... ahahahha

    ReplyDelete
  4. same tau al,tuwang tuwa din ako kapag nakakakit nang volkswagen,nagpapadulas pa ako sa harapan nyan nung bata pa ako..hehe,ang cute kasi noong unahan..

    ang gaganda ng kotse habang tumatagal hehee
    dreamcar talaga...

    LIKE!

    ReplyDelete
  5. Ayon oh. kotse pala ang napili mong picture.

    Ang gaganda ng kotse, mas maganda mas mahal
    pero mas astig ang mga vintage cars.

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...