Showing posts with label Movie Movie. Show all posts
Showing posts with label Movie Movie. Show all posts

Monday, November 7, 2011

Dirty Dancing


Ok.. ako na ang classic…

Siguro mga tatlong araw na ngayon ng marinig kong kantahin ni Dexter (isa sa mga housemate ni kuya eh este housemate ko pala) ang chorus ng soundtrack ng “Dirty Dancing” na “Time of my life” at dahil na rin sa napanood ko last 2 weeks ago na ginawa nina Ryan Gosling at Emma Stone ang lifting part ng last dance ng “Dirting Dancing” sa kanilang pelikulang “Crazy Stupid Love”  ay naging super curious na ako sa pelikulang ito, aaminin ko, matagal ko nang gustong mapanood ang Dirty Dancing pero hindi ako nagkakaroon ng lakas ng loob, dahil narin siguro sa pagaakala na ang ganitong pelikula ay di aangkop sa aking panlasa, dahil sa pagkakaalam ko ito ay puno ng mga malalaswang eksena base na rin kasi sa pamagat nito na “Dirty Dancing”, hindi ako ipokritong tao, pero ako ang klase ng lalake na hindi masyadong nanonood ng mga ganitong pelikula, masgusto ko pang manood na lang ng X-Rated kesa panoorin ang mga pelikulang kagaya ng “Malice” ni Nicole Kidman at Alec Balwin, kaya naman parati akong nawawalan ng ganang panoorin ang Dirty Dancing dahil narin sa inaakala ko na isa lang ito sa mga pelikulang iniiwasan ko.

Pero ng maranig kong kantahin ni Dexter ang churos ng soundtrack ng pelikulang ito, hindi na ako nagpaawat, naghanap ako ng magandang tyempo para mapanood ko ito, ganito kasi talaga ang ugali ko kapag nanonood ako ng mga pelikulang talagang pumupukaw ng aking interest, ayaw ko na naiistorbo, kasi ako ang klase ng tao na kapag nanonood eh pinupuna ko lahat ng makikita ko sa pelikula, hindi ko naman krini-criticize, pero sinusubukan ko lang pansinin ang bawat detalye ng pelikula, dahil sa isa rin ito sa mga pantasya ko ang maging isang magaling na film maker, ehehehe… pantasya lang naman.. wala namang masama di ba.


Anyway, enough is enough, here is my super duper late late late to the max review of the movie Dirty Dancing.

Ehem!!!, call it whatever you want but I call it “Simply Brilliant” it’s not the kind of movie that your are hoping it to be, from the title itself down to the story line, all the while since I was a kid I thought it’s as dirty as the title, but I was wrong, that was just the title of the movie, it did not show any nudity or exploitations of any individual. I also thought that the movie was about a competitions or something like that but I was disappointed again, it was simply a feel good romance movie set in the summer of 1960’s.

The movie is about Baby Houseman played by Jennifer Grey and her family spending their summer in a camp where he met the dance instructor named Johnny Castle played by the late Patrick Swayze, she had developed an infatuations to Johnny when she saw him dancing in the dance floor, she lies to her father to get money to pay for an illegal abortion for Johnny's dance partner and agreed to fill in as replacement for Johnny’s dance partner so that Johnny could perform in Sheldrake, a nearby resort where Johnny and his partner perform annually. The upcoming show requires Johnny to train Baby to become a better dancer and learn the required routine. As they working on to master the dance routine that Baby needs, they fell in love with each other and these where the romance begin, Ehem, I almost forgot this is a movie review and not spoiling things out, eheheheh.. so I must stop here.

Ok my review.

The movie is as simple as its production but the outcome is unexpectedly larger than life accomplishment considering the movie has no major stars (except Broadway legend Jerry Orbach in a supporting role as the father of Baby Houseman), of course Patrick Swayze and Jennifer Grey was still star in the process by that time.

I really like the scene at the Sheldrake where they first danced at the stage, baby really looks nervous at that time and as they came closer to do the lifting part, baby did not pursue on jumping over Johnny, instead she just danced some comic style, the people like it, and I think it’s cute.

There is a lot of memorable moments in the film, like the laugh of Jennifer Grey, it’s really like genuine and pure, most specially the scene where Patrick Swayze is standing at her back and they are practicing in their opening spiel or moves of their dance, as Patrick tried to touch her arms down to her under arms, Jennifer laugh out loud which would cause a destructions.

The scene from the forest where in Patrick is teaching Jennifer how to balance, it really gives the movie some originality, I remember Daniel Son doing the Karate Kid Signature Moves, it’s one of the best and for this movie, they can claim it to be their own.

And above all, I really like the last dance, it is actually the high lights of the film, this is where the soundtrack is usually played, as well as where everything is fall together to the right places, from realizations down to acceptance. I really like the last dance, most especially when Jennifer Grey and Patrick Swayze finally do the lifting; I wanna call it the airplane moves.


“Sometimes in this world you see things you don’t wanna see”
                                                                - Dirty Dancing

for Patrick Swayze.


Thank you for reading.

D”N


Saturday, July 9, 2011

Movie Movie 001: Under Siege (Pilot Episode)





Marami na akong napanood na Pelikula mula pa noong bata ako, karamihan dyan ay aksyon, pero noong bata pa ako ang pinaka bloodiest movie para sa akin ay ang Under Siege, hindi ko alam kung bakit, pero basta iyon ang unang pelikula na talagang kinabahan ako ng husto, bilang bata, super hinangaan ko na noon ang pelikulang iyan, at saka paborito ko rin talaga si Steven Seagal noon pa man.


Sa betamax ko lang yan napanood, naalala ko pa ang Ate ko, kinwetohan niya kami tungkol sa pelikulang iyan, maganda daw talaga kasi napanood daw nila sa sinehan ang pelikulang yan, kami namang mga bunso niya ay gusto ring manood kaso hindi kami makapanood dahil mga bata pa kami noon at kailangang may kasamang chaperon bago kami payagang makapanood o lumakad, kaya ang nangyari ng mabalitaan kong meron nang tape sa rentahan naming ng bala ng betamax eh humiram agad ako, naalala ko pa Php11.00 ang halaga ng Betamax at Php12.00 naman ang VHS.

Pagka uwi ko ng bahay, tinago ko agad ang hiniram kong tape, kasi takot akong malaman ng tatay ko na humiram na naman ako sa rentahan, baka magalit siya kasi ang perang baon ko ay imbes na pinambili ko ng pagkain eh napunta lang sa betamax tape, kaya naman hindi ko ipinaalam sa kanila at kinabukasan na namin pinanood ang pelikula.

Sa ngayon, sa tuwing napapanood ko ito ay naiisip ko ang mga masasayang ala-ala nang aking kabataan, naaalala ko rin si Aiko Melendez sa Pelikula nila ni Aga Mulach na “May Minamahal”, kasi sa pelikulang ito, ang paboritong pelikula ni Aiko Melendez ay ang Under Siege, oh hah!!! Isipin mo yun, kung sakaling sa totoong buhay iyon nangyari eh papaano mo liligawan ang isang katulad niya na astig at siga pa kesa sa iyo di ba?

Naaalala ko rin ang kuya ko noon, minsan gumuhit siya ng isang Naval Ship tuald ng sa Uder Siege, ang galing ng kanyang pagkakagwa, ang kaso nga lang ay hindi niya ito tinago at pinahalagahan, hindi rin niya ito pinagtuunan ng pansin, sayang ang kanyang talento.

Naaalala ko rin ang dating Provincial Treasurer ng Tawi-Tawi na si (Insert name), paborito niya kasi si Steven Seagal eh, at talagang ginaya niya ang buhok nito, may hawig din sila sa totoong buhay, kaya nga bagay din sa kanya ang tawaging Steven Segal ng Tawi-Tawi.

…. … .. .

Hindi ito isang review sa pelikula kundi ito ay isang kwento sa likod ng pelikula, naisip ko lang idagdag ang segment na ito upang aking mailathala ang mga pangyayaring naganap sa buhay ko upang mapanood ko lang ang isang pelikula, dahil sigurado ako na sa bawat minutong lumilipas sa buhay natin ay may masayang karanasan na masarap balikan.

Tulad ng isang pelikula kapag napanood mo ito, lilipas ang panahon magiging luma ito, makakalimutan ng tao, pero sa oras na muli mong masilayan ang pelikulang iyan, masasabi mo parin sa sarili mo na “napanood ko yan”, naisip ko lang din na gawin ito dahil narin sa 30 Days Picture Challenge na sinalihan ko, alam niyo bang marami akong natutunan doon? Isa na dito ay ang ginagawa ko ngayon, nalaman ko mula sa Day 2 ng Challenge na marami palan akong pelikulang napanood na puno ng kwento at ito ang dahilan kung bakit ko ito ginawa.


Maraming samalat sa pagbabasa.



D”N


Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...