Wednesday, February 23, 2011

Opinyon


“Ang opinyon ng isang tao ay nagiging tama dipende sa pagkakaunawa natin” 

Mukhang malalim ang kahulugan pero madaling maintindihan, ang opinyon ng isang tao kailan man ay hindi mo mababago, kung ano ang pinapaniwalaan niya at gustong paniwalaan wala kang magagawa, magiging tama lang ito dipende na kung papano ang pagkakaunawa mo dito, tulad sa isang kasaysayan, pwede mong balibaliktarin ang kwento nito dipende sa kung ano ang pinapaniwalaan mo, matalas ang bawat salita, may pangil ito na parang isang bampirang nangangagat, nakakahawa na parang isang sakit, kapag narinig mo na, pwede ka maimpluwensyahan, ang tanging magagawa mo lang ay alamin kung alin ang tama sa mali.

Hindi sapat ang makinig ka lang at pakingan ang isang panig, dapat bukas ang isipan mo sa lahat ng bagay, asahan mong maraming kokontra sayo, dahil katulad mo marami rin ang taong matalino at may alam, hindi sapat na akala mo ay tama ka, dapat may ibidensya ka dahil kung wala, gigisahin ka lang na parang boy bawang sa Senado.

Walang tama o mali sa opinyon ng isang tao, opinyon mo yan, wala na ako magagawa, pero bilang isang tao, maging reponsable sana tayo sa lahat ng sasabihin natin, kasi kung baga sa ENGLISH “It reflect your personality” kung ang ibibigay mo lang sa akin ay isang mababaw na dahilan “Low I.Q.” ang itatawag sa iyo, kung ang ibibigay mo naman sa akin ay isang dahilan na sadyang matalinhaga, huwag ka magpugay dahil siguradong maraming magaalsa laban sa iyo.

Hindi mo pwedeng ibigay sa akin ang opinyon mo na wala kang basihan, dahil sigurado kakawawain ka lang ng taong responsible dito, hindi ka rin pwedeng magmaang-maangan dahil kapag nasabi mo na... wala nang bawian.

 Maraming salamat sa pagbabasa.



“Walang taong may magandang opinyon sa taong may mababang opinyon sa kanyang sarili”



bleh....




12 comments:

  1. parang buhok sa kilikili...pero sige opinion mo yan...hehe

    ReplyDelete
  2. magaling ang post na ito.. pinagisipang mabuti.. tama sa lahat ng binaggit.. at may sapul sa kin hehehe.. kadalasan talaga, walang makakapagsabing tama ka o mali sa opinyon mo kasi opinyon mo yan eh.. para sa sarili ito ang tama. pero dapat nga kung ano man ang opinyong binitawan.. dapat mapanindigan upang sabi mo nga eh hindi tayo maging boy bawang...

    maraming salamat dito parekoy.. :)

    magaling ang post na ito.

    ReplyDelete
  3. tama ka musingan.. tama ba dito ang kasabihan ng mga kabataan ngyn? 'walang basagan ng trip' hehe!

    i love this post..

    ReplyDelete
  4. Maganda ang post mong ito. Ang mahalaga ay nirerespeto ang bawat opinyon ng isang tao.

    ReplyDelete
  5. Tama. Kaya nga opinyon mo lang ito. Pero wag kalilimutan we learn from others kung kayat wag matakot makinig sa iba.
    salamat for visiting my site.

    ReplyDelete
  6. @Akoni: ano naman ang kinalaman ng buhok sa kili-kili.. ehehhehe... Joke...

    @Parekoy: salamat sa iyong kumento... eheheh... yaan mo't tatambayan ko yang blog mo... kapag na ifile ko na lahat ng docu sa office ko...

    @Mommy-Razz: pasok na pasok po ang kasabihan na yan... "walang basagan ng trip..."

    @Arvin: nang makita ko ang picture mo sa comment section ko... naku sa totoo lang... natakot na ako... baka kasi gigisahin mo na naman ako... pero ok's lang... sport naman ako eh... at saka masaya ang ganito... healthy siya.... maymatutunan ka talaga... at alam mo bang pinag-isp mo talaga ako kagabi?... ehehehe... anyway thanks sa lahat ng komento mo... I apprciate it...

    @Diamond: ang diya mo talaga... joke.. I always love visiting blogsite... ehehehhe....

    ReplyDelete
  7. wala lang..hehe..makikipaglokohan lang..haha..sige lagyan natin ito ng bawang tapos ikaw na maglagay ng mantika.

    ito ang mga bawang ko.

    "walang tama o mali sa opinyon ng isang tao" -kung walang tama o mali, e ano mayroon? TALI?

    "kung ang ibibigay mo lang sa akin ay isang mababaw na dahilan “Low I.Q.” ang itatawag sa iyo," - Ganun? Albert E. ikaw ba yan? akala ko ba e respect ang opinion ng iba, bakit ka mangungutya? mamaliitin mo pa. e sa un na ang pinakamataas na dahilan para sa kanya e, tapos tatawagin mong LOW IQ?

    "kung ang ibibigay mo naman sa akin ay isang dahilan na sadyang matalinhaga, huwag ka magpugay dahil siguradong maraming magaalsa laban sa iyo" - hindi mo bibigyan ng credit? isa ka ba don sa mag-aalsa laban sa kanya dahil mabigyan ka ng matalinghagang dahilan? hindi mo e-absurb and matalinghagang dahilan niya?

    -hehehe-

    ReplyDelete
  8. opinion mo yan eh wala akong magagawa...hahaha!
    ano ba ito debate?!!

    ReplyDelete
  9. @Akoni: wala ngang tama o mali sa opinyon ng isang tao... nasa atin na yan kung papano natin tatangapin ang kanyang opinyon... kung sa tingin mo naiitindihan mo siya at sasang-ayon ka sa sinabi niya... marahil pareho kayong tama, pero kung di ka naman agree sa sinasabi ko, mali ako sa pananaw mo...

    "Low IQ- Hi-IQ" it doesn't really matter... basta pag ano ang sinabi mo... panindigan mo na lang.

    "kung ang ibibigay mo naman sa akin ay isang dahilan na sadyang matalinhaga, huwag ka magpugay dahil siguradong maraming magaalsa laban sa iyo" - Uu.. dahil bawat salita ay matalinhaga... makahulugan... tulad nang post ko... may nagreact... marahil hindi niya kayang e-absorb ang mga sinulat ko... ehehhehe..

    Anyway... hindi naman ako nakikipag debate... dipende na yan sa atin kung papano natin palalawakin ang ating kaisipan... ganun lang...

    bleh =Þ


    @Iya-kin: naiiyak na naman ako sa iyo... huhuhuhu... hindi kami nagdedebate ni Akoni... lokohan lang... ehehhe..

    ReplyDelete
  10. o cge na!! opinyon nyo yan e..

    Ang opinyon ko lang e kailangan nyo lang irespeto ang bawat opinyin ng bawat-isa kasi kaya nga opinyon e, hehe

    from the latin "opinari" - to believe, to think

    *a belief or judgment that rests on grounds insufficient to produce complete certainty.

    o ayan na definition ng Opiniong pinagtatalunan nyo ni Akoni..hehe

    ReplyDelete
  11. tama si mommy-razz walang basagan ng trip- hehehe, kanya kanyang opinion nyan

    ReplyDelete
  12. @Kristia: di kami ngtatalo niyan... eheheheh... nagbibigay lang yan ng opinyon si AKONI... eheheh... sabay pa kami nglunch niyan kanina...

    @Adang: Yup... wala ngang basagan ng trip...

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...