Salamin, salamin… ipakita mo sa akin… ang sagot sa aking mga tanong… nyehehehe…. Sabi ko naman sa inyo inggitero ako… habang abala kayo sa mga buhay-buhay niyo, ako naman ay abala sa pagmamasid sa tabi-tabi… mga ilang araw na rin ang lumipas.. ng magtrending ang 20 something nila Iya_khin. Bino at Leah… kaya naman gumawa rin ako ng ganun.. wala lang… inggit kasi ako e, ngayon naman itong mahiwagang salamin naman ang mukhang napagtitripan ng ilan sa mga blogger ni pinapalo ko… kaya naman makikigaya na naman ako ulit… bweeheheheheh…
Nabasa ko na ang post ni Bino, tapos kahapon kay Iya naman ang nabasa ko… habang binabasa ko ang post niya… naisip ko na parang magandang idea nga ito upang maiparating mo sa iyong sarili ang iyong mga saloobin, kahit papaano sa tingin ko kailangan rin nating kausapin paminsan-minsan ang ating sarili… upang maslalo nating maitindihan ang ating mga pinagdadaanan.
Kaya naman… kumuha ako ng salamin dito sa bahay ko.. ay!!! Wala nga pala akong salamin dito… yung sa toilet lang kasi ang ginagamit naming salamin e… kaya kinuha ko na lang ang aking phone at ginamit ang camera nito na nasa harap, saka ko sinimulang pagmasdan ang aking sarili…. Paksyet… nasabi ko sa aking sarili “Poge ko talaga”… grabe…..
Maya-maya parang may narinig akong sumigaw ng ULOL, SINUNGALING, PANGIT…. PANGIT… PANGIT…. Hmmmp… maspangit ka… paksyet…
Toinks…
Ok kung halimbawang kakausapin ko ang sarili ko… ito siguro ang sasabihin ko.
1. Kamusta naman ang buhay OFW? Naging tama ba ang desisyon mo na umalis ng Pinas o hindi.
2. Kaya mo pa ba? Dapat kayanin mo… kasi nagmumukha ka nang tanga…
3. Sadali na lang makakalaya ka na rin at matatanggal mo na ang betlog mo sa dalawang taong pagkakatali sa kumpanya mo… konting tiis na lang.
4. Saan ka kaya pupulutin kung hindi ka lumayo noon? Malamang sa kangkungan.
5. Sigurado ka bang nakamoved-on ka na? o baka naman sinasabi lang yan ng utak mo pero ang puso mo nasa kanya pa rin?
6. Siguro kailangan mo nang mag-Gym… tumataba ka na at lumalaki na ang tiyan mo ah.
7. Huwag mo na silang isipin… di ka naman nila iniisip e.
8. Gusto mong maging mabuting anak di ba? Now is the best time for you to do it?
9. Hindi masama ang maging galante.. ilagay mo lang sa tamang lugar.
10. Huwag kang masyadong maging mabait sa kapwa mo.. minsan dapat karing maging masamang nilalang.
11. Uu tama ka… tanga ka nga… naniwala ka sa sinabi niya e.
12. Don’t expect from anybody…. Para hindi ka masaktan ng sobra.
13. Live your way… away from anybody… aim for the highest star but always keep your feet on the ground…
14. Ang dami mo kasing gustong gawin… magfocus ka muna sa isa.. saka mo na laktawan ang isa kapag may natapos ka na.
15. Matuto kang tapusin ang sinimulan mo.
16. Matuto kang magtipid… yan ang sumisira sa iyo… ang masyadong galante.
17. Huwag kang matakot magmahal bagkus matuto ka lang.
18. Ito na lang isipin mo.. hindi man naging kayo… ikaw parin ang first love niya… McDO?
19. Mabubuhay ka naman kahit wala sila e… ilang taon ka na ring nabubuhay mag-isa… makakaya mo yan…. Kaw pa… e sira ulo ka e no…
20. Akala mo lang tama ka.. subukan mo kayang pakinggan ang mga sinasabi nila… baka sakaling maintindihan mo sila…
21. Minsan ang pinakakumplikadong tanong mo… simple lang pala ang kasagutan… matuto ka kasing magtanong at makinig.
22. Huwag kang duwag… matuto kang humarap at lumaban… hindi ka pababayaan ni ALLAH.
23. Hindi bawal ang mangarap.. pero masmainam siguro kung papangarapin mo lang ang simple at malapit sa katotohanan.
24. Wala kang ibang maaasahan kundi ang sarili mo… kaya magtiwala ka lang sa kakayahan mo..
25. Huwag kang masaydong nega… di ka mapapahamak.
26. Sigurado ka bang kailangan mong lumayo? O baka naduduwag ka lang harapin sila?
27. Ito na lang isipin mo… kung di ka nagabroad.. di ka makakabili ng bago mong phone… kung makakabili ka.. baka aabutin ka lang ng siyam-siyam di ba?
28. HINDI KA TALENTED… nagpapakaTALENTED LANG… di mo sila masasabayan.. kaya huwag kang assuming, ni sa blog mo nga… wala ka masyadong followers at walang nagbabasa!!! Kaya medyo babaan mo lang ang lipad mo… para kung bumagsak ka e di ka masyadong masaktan.
29. Huwag kang mag-alala hindi ka pababayaan ni ALLAH… huwag kang matakot… di ka nila maipapahamak.
30. Basta alam mong tama ka at wala kang natatapakan… it’s fine… pero ang problema.. lagi mong iniisip na ikaw ang tama at sila ang mali… tama ba naman yun.
31. Matuto kang maging Masaya… leave everything behind… masarap mabuhay lalo na kung alam mo kung paano.
32. You have all the chances in life.. huwag mong aksayahin ito… lumingalinga ka nga.. makikita mo ang ibig kung sabihin… despite all the failures you’ve been through, you’re still inside the Kingdom. Hindi lahat ng naghangad na makapunta dito e nakapunta… pero ikaw… andito ka… please… huwag mo itong aksayahin…
33. Nandito ka na… uuwi ka pa ba??? Wala ka namang gagawin doon di ba? Siguro bakasyon… pwede pa.. pero ang pagreresign… dapat siguro pag-isipan mo ng mabuti…
34. Pag-isipan mabuti ang bawat gagawin… huwag padalus-dalus…
35. Uulitin ko… matuto kang lumaban… huwag kang matakot… huwag kang duwag…
36. Lumaban ka para sa karapatan mo.. hindi yung lagi kang nagpaparaya.
37. Kaya ka niya iniwan… dahil hindi ka niya mahal… huwag ka na mag-ilusyon.
38. Hahahaha.. hindi mo siya crush… tibok sa puson lang yan… ilabas mo kaya yan sa banyo.. makikita mo mawawala rin yan.
39. Hanggat kaya mo pa… kayanin mo… at kahit hindi mo na kaya.. kailangan mong kayanin.
40. Hindi lahat ng tao e nabibigyan nang tulad ng pagkakataong ibinigay sa iyo… kaya huwag mong aksayahin ang pagkakataon.
41. Matuto kang magpahalaga sa kung ano ang meron ka.
42. Huwag kang paimportansya… masama yan…
43. Napakataas ng confident level mo… medyo bawasan ng konti.
44. Kaya magulo ang utak mo dahil marami kang iniisip… bawas-bawasan.
45. Hindi bagay sa iyo ang pahumble effect… kaya huwag mo nang itry.
Teka paksyet naman… kung di ko pipigilan ang sarili ko e.. baka hanggang bukas hindi pa ako tapos kausapin ang sarili ko.
O yeah… siya… till here na lang muna… eheheh….
Salamat…