Showing posts with label Kilalanin si Super Hero. Show all posts
Showing posts with label Kilalanin si Super Hero. Show all posts

Sunday, November 13, 2011

Kilalanin si Super Hero (Pahina 3)


Kilalanin si Super Hero (Ni AL Diwallay) Kabatana - II





Umaga – Pawisan na si Emong kahit katatapos lang niya maligo’t magbihis tagatak na ang pawis sa kanyang mukha, ang kaninang malinis na puting panyo, ito marumi na sa kakapunas niya sa kanyang mukha, naka upo siya sa unahan ng FX habang nagmumura ng pabulong, “Anak ng… Traffic na nga, sira pa ang Air-Con ni manong!” papasok siya ng opesina pero halos isang oras na kaunti lang ang ginalaw ng takbo ng mga sasakyan, lahat ng ng pasahero ay nagmamadali, estudyante, empleyado, mamimili at kung sinu-sinu pa pero mabagal talaga ang daloy ng trapiko, inip na inip na si Emong sa loob ng sasakyan habang ang isang ale na kasabay niyang nakasakay sa likod ng FX  ay maasim na ang mukha dahil sa malansang amoy ng kili-kili ng mamang katabi niya, ni walang pakialam at parang may sariling mundo, ang driver naman ay abala sa pagmamaneho at pakikipagpaligsahan sa ibang driver sa kung sino ang may pinaka malakas na bosina ng sasakyan, ang isang binata naman ay kanina pa nagpapacute sa kasabay nilang estudyante na abala naman sa pakikipagtext sa nobyo.

“Pare! Mukhang malalate ako, haba ng traffic eh!”.

Tumawag na siya sa kasama, dahil alam niyang mukhang mali-late na nga siya at para maabisuhan na rin ang bisor niyang masungit at mukhang araw-araw ay may regla, sa SM City lang naman siya ngtatrabaho bilang salesman at sa may España naman siya nakatira, pero dahil sa bagal ng daloy ng trapiko sa araw na ito, mukhang mahuhuli ata siya sa pagpasok ng trabaho.

Abala ang lahat sa kani-kanilang buhay, hindi pansin ang oras, hindi pansin ang isat-isa nang biglang may marinig silang sigawan ng mga tao,  galing sa kanto ng España at Padre Campa, ilang metro ang layo sa kanila, inilabas ng driver ng FX ang kanyang ulo sa bintana ng sasakyan para masilip ng mabuti ang kaguluhan pero walang epekto, hindi parin niya Makita, maya-maya dumaan ang isang lalake, nagmamadali, mukhang umiiwas o may pupuntahan.

“Boss! ano po ang nangyari?” tanong ng driver “Ah si Ceeeeesaaaaar Mhon taaannaoo maahaaayy  siiieaooyyuuu aiiinnggg.” Sagot ng hinihingal na lalake saka umalis.

“Ano raw?” tanong ng aleng  kasabay ni Emong na nakaupo sa likod ng FX  at maasim parin ang mukha dahil sa malansang amoy ng kili-kili ng mamang katabi parin niya at wala paring pakialam pero ngayon ay mukhang naala-alang hindi lang siya ang tao sa mundo at nang-usisa narin .

“Kuya ano po ang nangyari?” tanong niya sa driver.

“Ewan, di ko naintindihan, si Cesar Montano daw may shooting.” sagot ng driver sa nang-uusisang lalake na nakaupo sa likod ng sasakyan.

Pagkalipas ng ilang sandali, nakita na rin nila ang kaguluhan sa kanto ng España at Padre Campa, isang lalake ang nagwawala, may hawak na baril at mukhang may hang-over pa mula sa magdamagang pakikipag inuman kay kumpare niyang mabait lang kapag may pera siya.

“Pare akala ko ba may shooting?” tanong ni Emong sa lalakeng vendor ng nilagang mais na nakatayo malapit sa kanilang sasakyan.

“Ahhh anong shooting?” patanong na sagot naman ng lalakeng vendor ng nilagang mais.

“Eh kasi sabi kanina may shooting daw si Cesar Montano!”
“Ay naku mali, kapangalan lang yan ni Cesar, nagwawala na naman,  iniwan kasi ng asawa kagabi”

Si Cesar pala, nagwawala dahil sa niliyasan ng asawa kagabi “Mga hayop kayo, ilabas niyo ang asawa ko, kung hindi magkakamatayan tayo” sigaw ni Cesar na parang asong ulol habang hawak ang isang .38 revolver na baril na mukhang ginamit pa ng kanyang lolo sa pagtugis sa mga hapon noong 1942 kasama ang mga Amerikanong sundalo.

“Ilabas niyo ang asawa ko.” Sabay sipa sa mga kariton ng mga vendor ng mais, dyaryo, manga, fishball at kung ano ano pa,
“Ilabas niyo ang asawa ko.”

Bang! Bang! Bang!.... tatlong putok ang narinig nila mula sa hawak ni Cesar na baril pero walang tinamaan dahil pataas naman ang kanyang pagpapaputok at parang nagbibigay lang ng warning shot o nananakot.


Itutuloy… .. .




D"N



Sunday, October 30, 2011

Kilalanin si Super Hero (Pahina 2)


Kilalanin si Super Hero (Ni AL Diwallay) Kabatana - I



Dahil sa kanyang pangaasar walang nang nagawa ang binatang si Ricky ng iwanan siya ni Mika sa kanyang internet shop, pinagmasdan nalang niya ito mula sa bintanang salamin ng kanyang shop ng biglang.

“Hoy! Nabalitaan mo na ba?” nagulat pa siya, hindi niya kasi namalayan ang pagpasok ni Obet sa kanyang internet shop, nakaformal ito, long sleeve cream na tinernuhan ng itim na slacks at kurbatang pula, pang executive talaga ang dating nang binata. Isang medical representative si Robert Barredo o mas kilala sa pangalang Obet, isa rin ito sa malapit na kaibigan ni Ricky at katulad ni Mika madalas din itong pumirmi sa kanyang internet shop pagkagaling sa trabaho.

“Pare! Ano, nabalitaan mo ba?” tanong ulit nito sa kanya.
“Alin ba! na natapos na ang martial law o nakalanding na sina Niel Armstrong galing sa buwan?”
“Pare nama ang korni mo, yung tungkol sa sunog”
“Yung natrap ang isang bata, tapos dumating si Super Hero, tapos sinagip niya ang bata?”
“Eh alam mo na pala eh.”
“Kakagaling lang dito ni Mika.”
“Tapos?” patananong na sagot ng kaibigan habang nakatayo sa harap ng counter kung saan naroon rin ang server at nakaupo si Ricky.
“Ayun nga, ibinalita niya!”
“Ano sabi?”
“Ayun nga daw, dumating nga daw si Super Hero pero hindi na naman daw niya inabutan?”
“Hahahaha, hangang ngayon ba naman, yan parin ang misyon niya ang kilalanin si Super Hero?”
“Hahaha, inasar ko nga eh.”
“O! anong nangyari?”
“Ayun napikon, nagwalk out ang lola mo!”
“Hahaha, ikaw talaga, maya dyan magkatuluyan kayo?” biro ni Obet kay Ricky.
“Ulol… kaibigan natin yun ok!!!” pabirong sigaw niya sa kaibigan.
“Bakit ba obsess talaga si Mika na Kilalanin si Super Hero no?”
“Ikaw ba naman ang bigyan ni Mayor ng 1Milyonng pabuya sa kung sinong makakapagbigay ng impormasyon tungkol kay Super Hero, hindi ka ba magkakandarapa”
“Kung sabagay!!! O sige pare tuloy na muna ako sa bahay, may gagawin pa ako?”

“Sabay na tayo, uwi na rin muna ako, titignan ko ang bakery, walang kasama si nanay.” tumayo na si Ricky at tinawag si Cythia ang katiwala niya sa shop na kanina pang aliw na aliw sa kachat niyang matandang Amerikano.

Itutuloy… .. . 





Tuesday, October 25, 2011

Kilalanin si Super Hero (Pahina 1)

Kilalanin si Super Hero (ni AL Diwallay) Kabatana - I


“Kakainis talaga!” pamaktol na sabi ni Mika sa kaibigan pagdating niya sa internet shop nito. “nahuli na naman ako!” sabay upo sa silya na nakaharap sa bakanteng computer station na malapit sa server ng internet shop kung saan nakaupo ang kanyang kausap.

“Ano na naman ang problema mo?”
“Eh! Pano naman kase nahuli na naman ako ng balita”
“Balita?, Balita saan?”
“Hay naku! Palibhasa kasi nandirito ka lang sa shop mo buong maghapon, kaya tuloy hindi mo alam ang nangyayari sa mundo.”
“Ano ngang balita, ang kulet!”
“May nangyaring sunog daw dyan sa kabilang barangay malapit sa atin”
“O! Tapos”
“Tapos natrap daw ang isang bata sa loob ng Gusali ng department store”
“Oh talaga! Tapos anong nangyari?”
“Eh dumating daw si Super Hero at nailigtas niya ang bata”
“Eh nailigtas naman pala, anong problema doon?”
“Eh kase hindi ko na naman siya nakita at nainterview, kakainis talaga!”
“Hahahaha!”  tawa ni Ricky sa kaibigang si Mika habang nakaupo ito sa server ng kanyang internet shop.
“Haha! Tawa ka pa dyan” asar na sagot ni Mika kay Ricky.

Matalik na magkaibigan ang dalawa kahit na medyo malayo ang agwat ng kanilang edad, eh naging mabuting magkaibigan pa rin ang dalawa, nagtitinda ng Avon, Natashia, MSE at kung ano-ano pang mapagkakakitaan ang bente anyos na dagalang si Mika at si Ricky naman sa eded na bente nuebe ay may ari na ng isang maliit na internet shop na pinangalanan niyang “Cyber Ricky Internet Shop” at ng isang bakery sa kanilang lugar sa Barangay Ginhawa Poblacio B sa Bayan ng Rosario Batangas.

“Asar! Hahahaha!”
“Hmmmp! Ewan makaalis na nga!”
“Oh saan ka pupunta?”
“Pakialam mo.”
“Hahahaha!”

Madalas ganito ang eksena ng dalawa simula ng dumating si Super Hero sa sambayanan, madalas kasing inisin ni Ricky si Mika sa misyon nitong mainterview at makilala si Super Hero kaya madalas siyang tarayan ng dalaga, matagal ng magkaibigan ang dalawa simula pa ng lumipat sina Mika sa kanilang lugar sampung taon na ang nakakalipas at madalas sa internet shop niya tumatambay ang dalaga kapag wala rin lang itong pasok o ededeliver na mga paninda pero nitong huli naging abala ang dalaga sa ibang bagay, ang kilalanin si Super Hero.

“Balik ka dito, kwentuhan mo pa ako.”
“Heh!”
“Pikon!”
“Ewan!”

Walang nang nagawa ang binata ng iwanan siya ni Mika sa kanyang internet shop, pinagmasdan nalang niya ito mula sa bintanang salamin ng kanyang shop ng biglang.


Itutuloy… .. .



Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...